Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inaalay" poems
Binibigay ko ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ko sayo. Sigurado na ako. Ang hinihintay ko na lang ngayon ay umabot tayo sa panahon na lahat ng inaalay kong pagmamahal para sa'yo ay kaya ko na rin ibigay sa sarili ko.
0
May 1, 2016
May 1, 2016 at 9:35 AM UTC
Oras
Isang saranggolang nasa himpapawid at tila'y iyong puso ay kanyang tinawid kanyang hatid ay puno lamang ng saya walang ibang hangad kundi ang magpaligaya Siya'y makulay at tila puno ng buhay nagbibigay ng pag-asa sa bawat isa Na sila'y makakakita muli ng ligaya sa pamamagitan ng kulay na kanyang pinagsama-sama Isang saranggola na siyang makulay binibigyang kahulugan ang bawat buhay pag-asa na kanyang binibigay kaya't puno ng pag-ibig ang kanyang inaalay Sa kanyang paglipad sa himpapawid mag-iiwan ng isang mensahe na ika'y magsilbing pag-asa sa mundong hindi na natin mabasa
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 1:18 PM UTC
Saranggola
Itong tulang ito ay para sa mga taong hanggang sulyap lang sa kanilang mahal Na kay raming gustong sabihin Ngunit di masabi sabi Pagkat hanggang sulyap nga lang sila Isa, dalawa, tatlo Ikaw Oo ikaw nga Ohp ohp oho Wag ka ng lumingon pa at wag ka na sanang lilingon pa Hayaan mo akong sambitin ang bilis ng pagkakahulog ko sayo Yung tipong Parang kahapon magkashare lang tayo ng libro Tapos ngayon mahal na pala kita Lungkot sa aking mga puso Sana'y matapos na At iyo na sanang marinig sigaw ng aking puso Para sa ganun ako ng iyong pansinin Pagkat ngayon hanggang sulyap lang ako sayo Sulyap lang ayos na Kasi ang masilayan ka sa araw araw Buong maghapon ko ay kumpleto na Pasalamat ako sa Maykapal Hayaan mo sana akong banggitin ang bawat letra na aking dinugtungan upang makabuo ng mensahe Mensaheng aking ginawang tula Tulang aking inaalay para sayo Tulang aking pinamagatang ABAKADAE IKAW Simulan ko na ba? A- ako nga pala ang matagal ng may gusto sayo at pinapangarap sa sana'y BA- balang araw ika'y makapiling KA- kaso mukhang wala yatang pag asa DA- dahil may mahal ka ng iba at kahit nagmumukha na akong tanga E- ewan ko ba at hanggang ngayo'y mahal pa rin kita GA- ganito sana tayo ngayon kaso HA- hanggang dito lang pala ako pero kahit ganon I- iibigin kita hanggang sa huli LA- lalambingin ka hanggang sa pati lang langaw, tutubi, aso, pusa, at iba pang hayop ay dumikit na sa sobrang tamis ko MA- mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga dahil ako'y NA- nangangakong andito lang ako lagi para sayo at sa NGA- ngalan man ng lahat ng santo ako'y mananalangin na ang O- oo mo'y akin ng makamtan PA- para magkaroon na ng tayo at matapos na ang ikaw at ako lang RA- ramdam mo sana ang lahat ng aking sinasabi SA- sa hilaga man o sa timog o sa silangan o sa kanluran man TA- tapat at totoo ang aking pagmamahal sayo U- umuwi man ako ng luhuan ngayon WA- wala akong pake at wala akong ibang gugustuhin kundi ang YA- yakap **** mainit saakin ay sumalubong Sa dami ng aking sinabi baka di mo matandaan lahat ng yun Ngunit sana iyo man lang naintindihan Gayunpaman itong aking huling sasabihin Sana'y iyong itaga sa puso at isip mo o maging sa bato man Na ito! Itong lalaking nasa iyong harapan Umulan man o umaraw Kumulog at kumidlat man Daanan man ako ng matinding unos Isa lang ang sinisigaw ng puso ko Yun ay "IKAW"
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 11:44 AM UTC
ABAKADAE IKAW

Continue reading...
58
Kung mapapansin mo Sa bawat kanta Bawat himig Bawat talata ng liriko Sa bawat musika Na inaalay sayo Ikaw ang ibig sabihin, Ang tayo ang pinapahiwatig, Ang pagibig ko sayo ay pinapakita Ito'y simpleng pagpapakita Kung gano kita kagusto Kung gano kita kamahal Kung gano ka kaimportante Handa akong ibigay lahat Lahat ng listahan ng matatamis na kanta Sa kadahilanang hindi ako umaawit Napapa awit lamang kapag nakikitang kinikilig ka Okaya napapangiti ka Pwede naring napapasabay ka sa awit Sa awit na gusto kong ipahiwatig Bawat puso Bawat ibig sabihin Bawat gusto kong ipahiwatig Sana'y hindi magbago Ang pakikitungo Dahil marami pa Marami pa akong Nakahandang listahan. Salamat at tinanggap mo Lahat ng mga kantang inaalay sayo Huwag magalala ikaw lang Ang binigyan ko ng mga kantang Minsan lamang madinig Ng karamihan.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 4:28 AM UTC
Kanta, musika at liriko
Ito na ang aking huling awitin, Awiting sa iyo'y kakantahin, Sa tono ng mga alaalang kinalimutan, Kandirit ng mga luhang pinakawalan, Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa, Sa araw araw na ako'y naghahanda, Sa bawat gabing aking inaalay, Sa bawat umagang ika'y hinihintay, Pasan ko sa bawat yapak, Ilang galon ng alak na nilaklak, Upang limutin ang ligaya't galak, Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak, Na kahit saan pumunta'y di na mahanap, Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap, Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap, Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap... Sa ganda ba naman ng ating simula, Sino ba naman ang mag aakala? Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita, Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula? Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala: Saya, Lungkot, Ligaya... Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot, Pagdududa, T4ng*, di na dapat pa akong sumagot! Nag-kaaway-- Upang magkabati lahat inialay, Ngunit muli nanamang nagpasaway, Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay... ... Kamusta ka na? Pasensya kung nasaktan kita, Patawad sa mga galos at pasa, Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka, Sana marinig mo huli kong mga nota, Kahit sintonado kong kinakanta-- Kung maglaho na ako, babalik ka ba? Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita? Di ko naman sinasadya... Na ika'y bigla na lang mawala. Tulad mo rin ba akong nababalisa? Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
Habulan
Tuwing akoy tumutingala sa mga kumikislap na bituin, Di ko mapigilang maalala ang kislap ng yong mga mata Puno ng misteryo't mga tanong na di kelangang sagutin Tinutuwid ang isip na di mapakali Kinakalma ang pusong may giit sa mundo At pinapabagal ang oras na basta bastang pinapalipas; tila bawat segundo ay may tamis na inaalay. Nagpapalasing sa ligaya habang binubulag ang sarili sa katotohanang 'di na 'yon mauulit Sa katotohanang ito'y ala ala lamang. Nagbabago ang aking pagkatao sa harap ng iyong muka Napapamahal sa lahat ng mga bagay at pangyayaring nagpagtagpo sa atin. Lumalamig ang simoy ng hangin, di mapigilang pumikit at mabuhay sa nakaraang pagkakataon. Maaabot lang pala ang langit sa gitna ng dalawang impyerno. Mahal, maari ba muling magtagal sa iyong piling? Kahit isang ulit lang maipadama mo muli ang langit sa mundo. Nakalimutan ko na kasi ang tamis ng kaligayang idinulot ng pagmahal na galing sayo.
0
Feb 8, 2017
Feb 8, 2017 at 10:11 AM UTC
Pagbigyan
Sinong makakapagsabi na kaya ko palang iaalay ang kantang ito sayo. Nakalimot ako, Masyado kong nilunod ang mga oras ko kakaisip sa mga pighating dala ng imahinasyon ko. Nilamon tuloy di lang ng pagkatao ko kung hindi pati ang puso ko. Nakalimutan kong ikaw pala ang nagpapatibok nito. Sabi nga sa kanta, "this heart it beats, beats for only you". Pero nasaan ako? Ito, nilulunod ko ang sarili sa mga luhang hindi mapawi pawi. Nakalimutan ko na bago sya o sila dumating, ikaw ang unang lumapit. Nakalimutan ko na bago ako sa kanila umasa, hiningi ko muna sayo ang mga bagay na aking natatamasa. Nakalimutan ko na bago ako sa kanya o sakanila kumapit, kamay mo muna ang unang kumalinga. Nakalimot ako, na bago ako manlimos ng atensyon nya, o nila Binigay mo ito ng buong buo. Oo alam ko, naging matigas ako. Ilang beses mo na akong niyakap pero pilit akong pumipiglas. Oo alam ko, na sa tuwing nag iisa ako at lahat ng tao ay tinalikuran ako. Ikaw ang kahit hindi ko nakikita pero alam ko, andyan ka lang sa tabi ko. Inaalay ko ang kantang ito, dahil oo tama ang mga liriko nito. Hindi ko kaya ng wala ka. Ikaw na nagsilbing hanging payapa sa puso kong binabagyo ng galit, pangamba at kung ano ano pa. Ikaw na nagsisilbing huling hininga ko, huling pag asa ko. Pakiusap, wag kang mapapagod na yakapin ako. Isayaw, ang puso ko hanggang muling matutong magmahal. Isayaw, ang puso ko, tulad ng puso mo na walang ibang alam kung hindi ang magpatawad. Isayaw, ang pagkatao ko, At ibalik ako sa dating ako. Patawad nakalimot ako.
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 1:23 AM UTC
My Heart

30
Ikaw at ako Oo, ikaw at ako na magkahawak ang mga kamay Ikaw ang lagi kong nakikita para bang ikaw ang bukang liwayway Ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking buhay Ikaw Ikaw ang paboritong titigan ng aking mga mata Ikaw lagi ang laman ng aking isipan Ikaw lagi ang nakikita sa umaga hanggang sa pagtulog Ngunit, nakikita mo rin ba ako? Ikaw Oo, ikaw Ikaw na may hawak ng aking mga kamay Ako Ako? Ako na nakatanaw sa'yo na may ngiti sa iyong labi Nakakatawang isipin na sana'y sa akin mo inaalay Natatawa ako sa aking sarili malamang kayo rin Ako lang pala ang nagpapakalunod sa aking mga guni-guni
0
Jan 8, 2020
Jan 8, 2020 at 10:28 AM UTC
Ako Lang Pala
Mahal hindi ko inasahan, at kahit kalian hinding hindi ko aasahan Hindi ko inasahan na lilihis ka ng daan Ang sabi mo sakin ay hihinga ka lamang Hihinga ka mula sa higpit ng aking pag mamahal Pagmamahal na akiy lubos na inaalay na minsan hindi may hindi nangalay Hindi nangalay sa pag-alay kasi kahit kalian ayaw kang mawalay. Mahal hindi ko inaasahan na lilihis ka ng daan. Mahal hindi ko hinding hindi ko aasahan Hinding hindi ko aasahan na akoy maliliwanagan Maliliwanagan mula sayong katabangan Katabanga tungkol sa ating pag mamahalan Mahal Hinding hindi ko aasahan na tayoy muling matatamisan Muling matatamisan sa ating mga pag sasamahan at madalas na hindi pag kakaunawaan Mahal alam kong ikay natatabangan na At hindi na kita papahirapan pa Mahal na mahal kita pero simot na simot na ko
0
Aug 2, 2017
Aug 2, 2017 at 7:43 AM UTC
Matabang Na Pag Mamahal
Paano ba mag simula uli? Paano ba muling ma haling sa dating pinapangarap? Ang musikang inaalay sa mga makikinig, ang mga linya't katagang tumatagos sa damdamin ng iba. Kelan ba ito papangaraping muli? Kelan ba mag-aalay muli? Ngayon? Bukas? O wag nalang kaya? Ang dating silakbo ng damdamin sa musika, nasaan na? Nangangarap paring  ito ay bumalik. Sa tuwing hinahagkan ko ang aking instrumento, umaasang ako'y muling masabik. Umaasang muli. Nangangarap uli. Hanggang sa muli, aking pinangarap.
0
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 7:51 AM UTC
Kumupas na pangarap