Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ilalagay" poems
Gusto kita. Gusto kita, pero hindi maari Hindi ka puwede maging parte ng oras ko Na ika'y ilalagay ko sa unahan ng mahabang listahan Ng mga taong mahalaga Dahil importante ka man sa akin, Ika'y hindi sapat Para isakripisyo ko ang lahat Sapagkat ika'y natatanging gusto lamang. Gusto kita. Gusto kita, ngunit hindi ko alam. Hindi ko maiposisyon ang sarili ko Sa dami ng panahon, oras, at tao, Sa halo-halong emosyon at salita, Sa kinalalagyan at kawalan, At sa mga napakababaw na dahilan Sapagkat ako'y natatanging gusto lamang. Gusto kita. Gusto kita, subalit ako'y pana-panahon lang, Nandiyan kapag kailangan mo Kapag ika'y nalulunkot at nalulumbay Na parang ang mundo'y kinakalaban Ang puso **** duwag Pero tumitigil lumaban kapag Hindi na kailangan Sapagkat ako'y natatanging gusto lamang.
0
Mar 22, 2016
Mar 22, 2016 at 1:01 PM UTC
Pero
“You live but once; you might as well be amusing.” ― Coco Chanel Sabi sa kanta ni Freddie Aguilar “Habang May Buhay May Pag-Asang Matatanaw” subalit ang pag-asa ay hindi lang dapat na tinatanaw mas mainam kung ito’y ating kukunin at ilalagay sa ‘ting mga kamay. Ang pag-asa ay laging kumakaway kahit tayo ay nasa dilim. Tumawid man tayo sa magkabilang bangin o kahit na hampasin pa tayo ng malakas na hangin, hindi dapat mawala sa ating paningin ang pag-asa na nagniningning. Ganito natin dapat harapin ang buhay kahit ang hirap ay sapin-sapin. Minsan lang tayo mabubuhay at ang buhay ay parang isang tulay na pagkahaba-haba man ay may hangganan din. Subalit mahaba man ito o maiiksi marami tayong haharapin, mga bagay-bagay at mga pangyayari na hindi natin maiiwasan. Mga damdamin na kahit iwasan, pilit ka nitong hahatakin pabalik sa kung saan ang mga ala-ala ay masasakit. Wala kang kawala kailangan na harapin mo ang mga ito. May mga nagbabagang karanasan na hindi mo gugustuhin na balikan pero kailangan mo munang harapin bago mo ito malampasan. Hindi parehas ang buhay, oo, tama yan, gago lang ang naniniwala na Life is Fair. Subalit wala kang choice kailangan mo harapin ang kawalang katarungan nang buhay. Walang dapat na masayang na sandali sapagkat isang araw ang mundong ito’y ating lilisanin. Gawi’ng kaakit-akit at marikit ang buhay kahit masakit.
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 7:44 PM UTC
KAILANGAN NA HARAPIN
tila mapurol na ang gamit na patalim na sa bawat pagbakas ay lalong dumidiin baka sa susunod, sasapat na ang lalim para makalimutan ang bagay na madilim may dala-dalang bagahe na balak lunurin sa iilang bote ng matapang na inumin umaasang tulad nito sana ay ako rin (maging matapang, o malunod din?) magpaplano sa isip ng sariling libing idadaan na lang sa yosi at paglalasing hanggang atay at baga ko'y maging itim para terno sa damit ng mga dadating isa pang sigarilyo ang ilalagay sa bibig pilit lalanghapin ang nikotina sa dibdib hanggang di na matukoy ang dahilan ng sakit hanggang makalimutan ang lahat ng pait.
0
Jun 30, 2018
Jun 30, 2018 at 11:22 AM UTC
bisyo.
Kaninang madaling araw umiyak ang langit, Nabasa ng kanyang luha ang kalsada na dati **** nilalakaran. Mamayang hapon susunugin ang iyong bangkay. Magiging abo ka at ilalagay sa banga. Sa museleo ng isang simbahan doon ka hihimlay, Matutulog ka na kasama ang ibang bangkay Na tulad **** tinupok nang apoy. Noong isang gabi dinalaw ko ang burol mo, Payapa kang nakahiga sa kabaong , Hindi alam ng mga bulaklak at ataul ang hirap na ‘yong pinagdaanan. Nagpapahinga kana sa sinapupunan ng kawalan Kung saan ang lahat ay nagmula.
0
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 8:55 PM UTC
CREMATION
hindi ko na ilalagay ang sarili ko sa panganib tatanggalin ko na ang pana ni kupido sa’king dibdib 'wag mo sanang masamain kung ako’y nanlalamig napagod lang ako sa gerang isang panig lamang ang umiibig
0
Oct 3, 2020
Oct 3, 2020 at 12:42 PM UTC
tama na
Hindi ko alam kung saan magsisimula, Humahanap pa ako ng mga salita, Dahil kung papano tayo nagsimula, Hindi ko narin tanda, Sadyang parang napaka bilis ng mga pangyayari, Di ko alam kung papano ito nangyari, Ngunit ganun pa man hayaan **** alayan kita, Ng isang tula kung papano kita talaga unang nakita, Kung papano kita unang pinagmasdan, Kung papano kita unang nahawakan, Hindi, hindi sa pisikal na kaanyuan, Kundi sa napulot kong larawan **** may pangalan, Larawan **** bumalot sa aking isip, At sa puso kong binago ng ihip, Ihip ng nakaraang pagibig, Kasabay ng pagpulot ko sa iyong larawan, Ay pagpulot ko narin sa puso kong nagkapira-piraso sa nakaraan, Ngunit di ko naman inaasahang ikaw pala, Ikaw pala ang magtatagpi tagpi nito. Alam kong napakahirap dahil bawat piraso ay parang mga bubog, Bawat piraso ay nakakasugat, Ngunit mas pinili **** buohin ito, Mas pinili **** buohin ito sa kabila ng panganib, Ngunit binubuo mo ito na may pag iingat. At sa bawat araw na hinahabi mo ang bawat pirasong ito, Hayaan **** alalayan kita, Aalalayan kita bagkus alam kong hindi madali ang ginagawa mo. Alam kong nasa proseso ka palang ng iyong obra, Ngunit ganun pa man ay ramdam kong buo na ako, Nabuo mo na ang puso ko, Pero kagaya ng isang pagpipinta, Kahit tapos na ang obra maestra, Hahayaan mo muna itong matuyo, Ganun rin naman sa duguang puso, Hahayaan mo muna itong mag hilom, At kapag ito'y tuyo na , saka mo ito i spray-han ng acrylic, Ilalagay sa kuwadro upang mai display sa pader ang sining ng iyong pagibig. Hindi pa dito nag tatapos ang tula, Ngunit alas tres na ng umaga, Antok ay nag aanyaya na sa kama, Hayaan **** sulatan pa kita sa mga susunod na araw, Hanggang dito nalang muna aking sinta,
0
Jul 12, 2022
Jul 12, 2022 at 3:21 PM UTC
Stubborn Love: Risk Acceptance

Continue reading...
42
Kukunan ka ng magagandang larawan Ilalagay sa alaala ang matatamis na ngiti, iniisip ka bawat sandali Mahal kong ayaw kong bitawan Pangako nating walang hanggang pagmamahalan Ngunit ngayon, ang masasayang ngiti at matamis na pagmamahalan Bakit tila nandito nalang sa ating larawan?
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:22 AM UTC
Larawan
Hindi ka kulang Hindi ka labis Noon ang buhay ko'y nagkaroon ng patlang Ikaw ay sapat lang sa patlang at ikaw ang aking asam. Ang pag ibig ay isang pagsusulit noon at hindi ko malaman ang mga sagot sa katanungan, Napaghalo halo ko na ang iba't ibang emosyon ng galit, takot, saya at lungkot at hindi ko pa rin malaman. Kaya't naghintay ako ng matagal sa taong kaya akong tulungan, at dumating ka, Hindi para magpakopya kung ano ang dapat ilalagay sa papel, kundi para maging kasagutan. Dahil mahal, Hindi mo na ako pwedeng malian dahil matagal mo na akong tinamaan.
0
Jun 16, 2018
Jun 16, 2018 at 10:34 PM UTC
Isasagot ko sa bawat patlang ay ang 'yong pangalan.