Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ilaban" poems
"hindi pa pala ako handa" yan, yan ang mga katagang binitawan mo sakin 'nung gabing ika'y nagpasya nung gabing ika'y nagpasyang manatili na lamang tayo sa pagitan ng magkaibigan at hindi magka-sinta parang isang hampas ng alon na lumunod sa'kin mula sa dalampasigan na tila nagpahinto sa aking paghinga, tulad ng ihip ng hangin na pumapatay sa apoy ng kandila, ang siyang pagbitaw mo sa mga salitang "nasanay na ata akong mag-isa" parang isang eksena sa isang pelikula na tila gusto **** palitan ng mga bagong linya, na para bagang nais **** gawan ng panibagong wakas, ang siyang pagsambit mo sa ilusyong hindi kapa ata handang may makasama oo, ilusyon ilusyon kong maituturing ang hindi mo na paniniwala sa minsang inakala nating walang hanggan sa minsang inakala kong hindi mo bibitawan at susukuan, tulad ng  noo'y pagkapit mo sa mga palad ko sabay sabi ng "walang iwanan" naalala tuloy nung minsang sinabi mo na darating ang mga oras na magiging mahina ka na baka maguluhan ka, o matakot ka, at sa mga pagkakataong 'yon, ang sabi mo sa'kin, sana 'wag kitang bibitawan sana 'wag kitang  susukuan sinubukan ko, sinubukan ko naman sinubukan kong ilaban sinubukan kong ipaalala ulit sa'yo lahat ng mayroon tayo, kung gaano katotoo bawat sandali at minuto sa piling mo ngunit siguro nga'y tama ka sa minsang sinabi mo na lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan na kahit gaano pa katibay ang pag-ibig na nasimulan at nabuo, hindi ito magiging sapat para ilaban ang isang bagay na ikaw mismo ay bihag; bihag sa isang rehas na kumupkop sa puso **** tila nasanay ng mag-isa manhid na sa kahit anong pakiramdam at tila may mga nawawalang piraso hindi alam kung saan naiwan o saan hahanapin, hindi mawari kung gusto nalang hayaan o gusto pa bang buuin, tanging tiyak na lamang sa ideyang hindi pa handang manindigan sa isang pag-ibig na minsang ginusto mo ring ilaban hanggang dito na lang nga siguro tayo, 'hanggang dito nalang tayo", tulad ng kantang likha niyo na hindi ko inakalang ako ang magiging bida dito na para bagang isang bangungot na tila nagkatotoo ang "bigla" **** pagpili na manatili na lamang "sa pagitan" ng ikaw at ako at lisanin ang pagiging tayo salamat, salamat sa maiksing panahon ng pagpaparamdam mo sa akin ng walang hanggan at sa pinaka-huling pagkakataon, hayaan mo sana akong sambitin ang mga salitang to hayaan **** ipabatid ko sa'yo ang nag-iisang bagay na gugustuhin kong mangyari sakali mang pagtagpuin ulit tayo sa panibagong yugto na kung sakali mang sa  panahong 'yon ika'y handa na, handa nang magmahal muli ng buo at walang takot, pakiusap, yakapin mo ang pagkakataong 'yon para subukang muli ang pag-ibig na minsang naging atin kung sa panahong 'yon ay may natitira pa akong puwang dyan sa puso mo, pakiusap, sa panahong 'yon ay ilaban mo na ako tulad ng minsang paglaban ko sa pag-ibig ko para sa'yo "hanggang dito nalang tayo" hanggang sa muli, rebelde ka at ako ang iyong sundalo.
0
Nov 30, 2016
Nov 30, 2016 at 2:07 AM UTC
Hindi pa pala ako handa

Continue reading...
55
unang sampung buwan, na siyang puno ng kahirapan, pagkakaibigang hindi inaasahan, na siyang bumuo sa aking karanasan. mga pangambang hindi maibsan ng pusong kinakabahan. sa takot na siya’y pumalpak sa kanyang mga pinangarap. Nangarap ka ng buo, ngayon mo pa ba isusuko? sinubok man ang tatag ng loob, nayanig man ang paninindigan, pumalpak man at nasubsob, patuloy paring nanaig ang katatagan. Muntikan mang bumitaw, Patuloy lang sa paninindigan, Ilaban hanggang sa tuktok, upang marating ang iyong rurok. Higit na pakatatandaan na mananaig ang pusong puno ng pananalig, higit sa talinong maaaring madaig ng pangarap na nagmumula sa dibdib. Maligaw man ng paulit-ulit, HIndi man nauubos ang sakit, ngunit ang tagumpay ay iyo ring makakamit, at paniguradong ito’y napakarikit.
0
Jul 8, 2019
Jul 8, 2019 at 3:26 PM UTC
Unang Taon
Sa mundong puno ng libu-libong pagdududa, Bukod tanging sayo lang sumugal at nagtiwala. Ngunit bakit sarili’y tila akin nang nalimutan, Mas inuuna ang sayo kaysa sa aking nararamdaman. Labis ang mga tanong na “paano na tayo?”, Hindi na maisip kung “paano na ako?”, Tama ba na sumugal at ilaban ko pa? O mas mabuti na lang mag-isa?
0
Jun 5, 2023
Jun 5, 2023 at 10:16 AM UTC
Tayo
Sa dilim ng aking pag-iisa Halos gumuho na ang pag-asa Hinuhusgahan at kinukutya Tinatawanan at minumura Mga salitang lason ang dala Sa pagkakamaling naging sumpa Na kumakain sa pang-unawa At kaisipan na nagwawala Nanlalamig ang puso't gunita Hindi maibigkas ang salita Sino nga ba ang maniniwala Sa sinasabi at ginagawa Sa dami ng mga kumokontra Na sa pagkatao'y sumisira Mga pagkakamaling nagawa Ipinipilit ko na itama Ngunit kinukulang ng unawa Ang damdamin nilang natutuwa Ilaban ma'y walang magagawa Mali pa rin ang ginawang tama Lumalalim ang sugat na dala Lumalatim ang sinasalita Pinipilit nito na magiba Ang natitirang paniniwala Gabay ng pananampalataya Ang nagpapatibay na gumawa Upang pagkakamali'y itama At maging ganap ang nakatakda Ang pagsibol ng bagong simula Umpisa ng isang kabanata ...
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 10:20 PM UTC
UNANG KABANATA
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊 Maaari bang mahagkan ko ang mahigpit na yakap mula sayo, maaari ko bang sabihin na nasasaktan ako dahil ang hirap tanggapin ang hirap pilitin yung sarili na kalimutan ka dahil ang sinasabi ng puso ay ilaban pa Kung maaari ko lang sanang ibalik ang nakaraan nakaraan na tayong dalawa ay magkasama at masaya pa nakaraan na sabay nating pinaplano ang pangarap ng bawat isa sabay nating tinatapos ang ating takdang aralin ang sarap ibalik pero malabong mangyare ulit Ang sarap umasa pero nakaka-sakit na, ang sarap balikan pero ang hirap kalimutan, ang daming pwedeng balikan pero pano kung ako nalang ang na pag- iwanan paano kung ako nalang pala ang lumuluha paano kung masaya kana sa iba na pupuno ng tanong ang isipan na pupuno ng tanong, tanong na paano, paano na ako paano ako sasaya ng wala ka At kahit alam kong may iba kana kahit alam kong ang sakit na kahit alam kong pagod kana patuloy ko parin nilalaban ang lahat pinipilit kong sumaya sa iba pero hindi ko magawa dahil ang saya na gusto ko ay wala sakanila kundi nasa taong gusto ko ngunit iba na yung gusto at iba na yung pinapasaya Sabi saking sarili na kaya ko nang wala kana, kaya ko nang mag-isa kaya ko nang titigan ka na kaya ko na, pero lahat pala nang yun ay kaya kong bigkasin ngunit hindi ko kayang gawin dahil patuloy parin akong nahihirapan, patuloy parin akong lumuluha Sana maaari mo parin akong mahalin Sana maaari parin kitang pasayahin dahil alam kong darating yung araw na makakaya ko nang wala ka at kaya ko ng sumaya nang hindi ikaw ang kasama.
0
Mar 12, 2023
Mar 12, 2023 at 12:53 PM UTC
Maaari ba?