Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"higop" poems
Sadyang mapagmahal lang sa kape Sa tamis, Sa pait, Sa lahat ng pangyayaring kayang ipaalala Sa bawat haló, Sa bawat higop, Sa bawat huling tungga bago tuluyang lumamig Nagpakalunod ka nanaman sa pait ng kape Ilang higop pa ba? Ilang tungga pa ba? Ilang baso pa ba? Umalis na siya ngunit nandito padin ako, iniwan. Madaling araw at mag isa pa rin ako, naiwan. Tulad ng init ng kape, Naglaho siya ng walang pasabi.
0
Nov 24, 2016
Nov 24, 2016 at 12:55 AM UTC
Kape
hiniling ng diwang bumalik sa sinapupunan sa panahong ika'y hinahainan ng hapunan lahat ng bagay ay pwedeng iisang tabi tulog sa paghalik ng umaga sa gabi di akalaing maipaghahalo ang saya at sakit kailangan **** mamatay para mabuhay higop sa kamalayan o kapeng mapait hibang ang sarili, kaisipang mahalay babarin ang isip sa likidong tutunaw sa lahat tikman mo ang iyong dagat na walang kasing alat manlagkit sa salamin, tapos na ang bukas hahalik ang umaga sa gabi at wala kang takas ang katamaran ay humahalili sa kapalpakan hinayaan **** humalik ang umaga sa gabi wag kang magdahilan, hindi mo sinubukan pigilan ang paghalik ng umaga sa gabi
0
Feb 18, 2011
Feb 18, 2011 at 6:01 AM UTC
Humalik ang Umaga sa Gabi
Puno ng init ang unang higop ng kape Nakakapaso ngunit ramdam mo ring gumuguhit ito sa iyong mga ugat Hanggang sa umabot na ito sa iyong pusong bumibilis na ang pagtibok Sa iyong mga kamay na walang tigil ang panginginig Sa iyong mga matang mulat na mulat sa hating-gabi At sa iyong mga bibig na nananatiling bukas at handang sabihin ang lahat ng ninanais Ngunit sino ba ang iyong kape? Ang nagbibigay sa’yo ng panandaliang lakas? Sino ba siyang nagiging rason para manatili kang gising sa gabi kahit gustong-gusto mo nang matulog? Sino ba siyang nagdudulot ng matinding panginginig sa iyong mga kamay at tuhod sa tuwing nakikita mo siya? Sino ba siyang nagpapabilis ng pagtibok ng iyong pusong naghahanap lamang ng panibagong taong mamahalin habang inaantay **** mawala ang paso sa iyong dila na nadulot ng iyong nakaraang baso ng kape na punong-puno ng pait? Ayan na’t naglalakad na siya papunta sa’yo Inaantok ka pa at walang kamalay-malay na nariyan na pala siya Papalapit nang papalapit hanggang sa nauwi nang magkahawak ang inyong mga kamay at ayan na naman Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso Ang walang tigil na panginginig ng iyong mga kamay Ang pananatiling bukas ng iyong mga mata Kahit gusto na nitong pumikit, magpahinga, at mamaalam na sa ginagalawang mundo Ngunit tulad ng epekto ng kapeng iniinom mo araw-araw Papawi rin ang pananabik at pagkamulat ng iyong mga mata Mapapagod din ang iyong pusong nalasing na sa dami ng kapeng iyong nainom na akala mo’y matamis ngunit nag-iiwan din pala ng mapait na bakas sa iyong mga labi Titigil din ang panginginig ng iyong mga kamay Sadyang panandalian lang at hinding-hindi na tatagal Sapagkat siyang kape na nagbibigay sa’yo ng lakas Ay siya ring kape na inubos mo hanggang sa huling patak
0
Jan 2, 2018
Jan 2, 2018 at 11:45 AM UTC
kape

Continue reading...
25
GISING! mainit na kape natutumbang mga mata nanghihinang katawan isip ko'y nawawala isang tinik ng ingay agad ng napatingin sa gawing banda roon anong takot sa dilim balik tayo sa mga salitang mala-linya na ang ukit sa utak kong sabaw lahat sa paningin na'y marikit maski nag-iisang ilaw nagmumukha ng tutubi pagkat sa pagdating ng bukas bawal ang magkamali ilang pahina nalang kaya't konti pang tiis minimithing tagumpay aking makakamit kaya't higop pa ng kape puta, dila ko pa'y nasunog dasal na lamang ang katapat maliban sa luha at uhog kakayanin, kakayanin hindi nais magtagal habang sila'y nagsasaya narito kang nag-aaral kung ayaw **** maiwan sa kwartong maputi kasama ng demonyo gisingin ang sarili walang alay na magaganap hindi maaaring ipabahala bawal tayong magtawag diyos-diyosan dito sa lupa itong mga matang bumibitaw, bumibitaw sa gabing ito, walang susuko maski budhi ko na'y sabaw
0
Oct 4, 2015
Oct 4, 2015 at 2:17 AM UTC
Sabaw
Heto ka na muli, magkaharap tayo, di ako mapakali, biglang napaiwas ng tingin, napalunok ng malalim, at sinabi kong, kamusta ka na? hindi ka umimik, sabay higop sa mainit **** kape, tingin sa paligid, at sinabi ko, saan ba tayo patungo? sa pagiling mo na iyong ulo, at pagyuko, alam ko na ang sagot, sa tanong na gumagambala sa aking pagtulog. pero binigkas mo ang salita, na "ayoko na" siguro oras na, tapusin na ang mga bagay nagbigay, ng lungkot at saya, sa panahong tayo pa. mahal ko, paalam na
0
Oct 4, 2017
Oct 4, 2017 at 10:40 AM UTC
Paalam na
kahit marupok ang damdamin at katawan nating mga nilalang ni Bathala upang umawit, sumulat, tumugtog o dumula, ibig kong sabihin sa inyo na mas marilag ang tapang natin kaysa kape, sapagkat sa bawat ihip at higop sa lamig o init nitong inumin, anumang hangarin ay kinaya natin.
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 1:59 AM UTC
ah, rupok