Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Argumentum Jul 2015
Paglisan

Pinangangambahan kong lubos na malaman
kung meron nga bang pangalawang buhay,
saan kaya ako tutungo?
gagala kaya ang aking diwa
o baka makukulong ito sa naaagnas at walang
buhay kong katawan habang buhay.
ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang
alikabok na hinipan sa mesa?
, o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa.

Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?,
kung may dumalo man,ano ang pakay nila?,
narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?,
o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan?
Narito kaya sila upang lumasap ng kape at
tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa?
o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?,
Natatakot akong malaman.

Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito,
hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal
kundi ang pagsisisi na aking dadalhin
sa bigong pag-usal at pagpaparamdam
kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na
sapagkat ang pinakamasakit na paglisan
ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at
hindi naipaliwanag.
love life sad pain thoughts depression you hope hurt heartbreak
Bato sa balat,

Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa

Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan

Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa–

Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib

Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa.



Ipagpaliban mo muna ang mundo

Ilaw sa paningin,

Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa

Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato–

At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing

Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig,

Huminga ng malalim at iyong sabihing

Ginusto mo ang linggatong na ‘to

Mata sa dutsa,

Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita

Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan

Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan

‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait–

Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit

Pagbigayang mabasa ang sarili



Silakbo sa kawalan,

Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat

Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi

Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo

Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi

Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena

Mahalin mo ang iyong pagkatao

Makipagtalik sa sarili,

Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan

Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok

Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t

Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak,

Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin

At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan–



Pagkamuhi sa sarili.
NPt Jul 2017
May every waiting reveal its worth
That all goodbyes equates to healing
Every time we sink in pain
Our souls are being shaped
Which was never realized by yesterday

Every waiting will sure come to an end
One day you'll say
I'm ready to cross the waiting line
Finally, I get to see whatever is the prize
Now dare to conquer tomorrow

Surely every wound closes
Together memories haunt you
Nevertheless a new you is born
Witness how it will form a trace
Yet today, at least try to rise

In the end, waiting and healing will become one

*Nawa'y ang lahat ng pag-aantay ay may saysay
Lahat ng pagpapaalam ay may tumbas na paghilom
Pagkatao ang nahuhubog sa tuwing sa sakit nalulunod
Kailan man 'di ito nababatid ng kahapon

Matatapos din ang lahat ng pag-aantay
Isang araw sasabihin ****
Handa ka nang humakbang
Tuklasin ang kung anong supresa ang naka antabay
Ano pa't hamakin mo ang bukas

Magsasara rin ang lahat ng sugat
Patuloy na magmumulto ang mga alaala
Ngunit ang bagong ikaw ang siguradong magpapakilala
Masdan mo ang maidudulot nitong mga marka
Ngunit ngayon bumangon ka

Sa huli, ang pag-aantay at ang paghilom ay magiging isa

— The End —