Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ginugusto" poems
Hindi kita gusto sa una nating pagkikita, Ngunit, muli tayong pinagtagpo, at ito'y umusbong na. "Ayoko, ayoko nito." "Mahirap, mahirap ito." Mga salitang nabanggit ko, habang ako'y nakatitig sayo. Simula noong araw na iyon, nagtanong- tanong na ako, tungkol sayo. Gusto kong malaman ang pangalan mo, Gusto kong malaman ang mga hilig mo, Gusto ko lang makaalam ng kahit ano, tungkol sayo. Nabalitaan kong sikat ka raw, Talaga ba? Marami raw nagkakagusto sayo? Edi mas bumaba ang tsansa ko, upang mahalin mo? Masakit mang isipin, pero ito ang totoo, Masakit mang isipin, pero hindi ako ang mahal mo. Nagdaan ang ilang araw, Natuklasan ko, Paasaa ka, pafall ka, Pero mahal parin kita. Oo crush lang kita, Pero gustong gusto kita, higit pa sa kanila. Isang araw nabalitaan ko, Balitang dumurog sa puso ko. May ka-M.U ka raw, may nililigawan ka raw, at ako namang si t*nga, Hindi naniwala sa kanila Mas pinili ko pang umasa, Sa taong wala naman akong pagasa. Pero nung makita ko, Nung makita nang dalawang mata ko, yung paghaharutan niyo, Napaisip ako, "Bakit ganito kayo?" Nasobrahan ba yung pagka- bulag ko para sayo? Nasobrahan na ba yung pagmamahal ko para sayo? Upang ako'y masaktan nang ganito? Pinilit kong ihinto ang pagmamahal ko sayo, Ngunit mas lalo lang kitang ginugusto. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyong ito, Ang alam ko lang, sobrang nasaktan ako. Ang sakit na iyon ang nagturo sa akin, kung paano kumalas, Kumalas sa relasyong ako lang ang lumandas. "Ayoko na, ang sakit sakit na." Ngayon, pinapakawalan na kita. Susuportahan kita kung saan ka sasaya, At yun ay sa piling niya. Bumitaw ako, ngunit hindi ibig- sabihin non, ayoko na sayo, Gusto kita, tandaan mo yan, Ngunit hindi ko yata kayang lumban, Sa pagmamahalang, ako lang ang nakakaalam. Lumipas ang ilang buwan, Sinabi mo mahal mo ako, Sabi mo, ako lang ang yong gusto, Ano 'to lokohan? Pagkatapos mo akong iwan, ngayon ako'y babalikan? Oo mahal kita. Mahal kita noon, Pero binaliwala mo iyon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang ako'y sumuko na? Bakit ngayon pang ako'y nasaktan na? Bakit ngayon pang ako'y masaya na... SA PILING NG IBA?
0
Jun 29, 2017
Jun 29, 2017 at 6:45 AM UTC
Bakit ngayon pa?

Continue reading...
64
mula sa bintana ng mga katotong tahanan may pinaghuhugutan balitang pinagkainan merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo. bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog. ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na maisulat sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa : bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa pagkaantala? kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat magkakabunga!
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 8:50 AM UTC
salungguhit
Hay, ulap. Hindi ko maintindihan kung bakit karamihan sa atin ay mahilig sa ulap. Tititigan. Kukuhanan ng larawan. Tititigang muli. Ngunit saan nga ba tayo humuhugot ng lakas? Lakas na pagmasdan ang bawat sandali. Ang bawat sandaling nagsasabi na hindi mo ‘to kayang abutin. Abot tanaw ngunit kahit kailan hindi mo siya magagawang hawakan. Abot tanaw ngunit kahit kailan hindi mo siya magagawang lapitan. Abot tanaw ngunit wala kang ibang magagawa kundi ito’y tititgan. Abot tanaw ngunit kahit kailan sa pagitan ninyong dalawa, walang mabubuong pagmamahalan. Masyado mo siyang minahal, kaya ngayon ika’y nasasaktan. Inuna mo kasi ‘yung puso mo kaysa sa iyong isipan. Ano? Wala kang magawa ngayon dahil taga-tanaw lang ang tanging papel mo sa buhay niya. Walang kang magawa ngayon dahil kahit anong pagmamahal ang ibigay mo, hindi niya mapapansin dahil napakalayo ng agwat niyong dalawa. Natutuwa ka lang sa tuwing lumiligaya siya at wala kang ibang magawa kundi ang malungkot sa tuwing lumuluha siya. Hindi ko maintindihan kung bakit karamihan sa atin ay mahilig sa ulap. Hindi ko maintindihan kung bakit kung ano o sino pa yung bagay na hindi natin kayang abutin, ayun pa yung ginugusto natin. Hay, ulap.
0
Feb 18, 2017
Feb 18, 2017 at 6:59 AM UTC
Ulap
Apatnapu't limang minuto makalipas ang alas-dose. Umaga na naman -- umaga na naman pipikit ang mga mata kong kasingbigat na ng ulap na napuno ng tubig mula sa lupa at dagat. Mapungay at napapaluha dulot ng pasakit na hatid ng walang sawang sulatin, babasahin, at kung anu-ano pang mga dapat tapusin. Mga labi kong medyo nakabuka na marahil akala nila'y tapos na ang lahat ng gawain kaya namamahinga. At muli silang sasara, kasingbilis ng motorsiklong humaharurot sa labasan na parang nakikipagkarera, kapag naiisip na malayo pa ako sa pagtuldok sa katapusan. Tumatabingi na ang mundo. Ay, mali, ulo ko lang pala na napapahiga na sa aking kanang balikat tila may sariling isip at ginugusto nang humiga sa kama -- akala niya rin siguro'y matatapos na sa pagsusulat at pagbabasa ngunit sadyang nagkakamali siya. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tunog na ginagawa ng aking mga daliri na kay bagal nang bumaba para pindutin ang mga letra sa aking kompyuter. Suko na raw sila at nasasabik na silang muling mayakap ang malalambot na unan na nag-aantay sa kanila. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tunog na lang ng pagbagsak ng aking mga daliri sa bawat letra ng aking laptop ang pumapasok sa aking utak. Ilang minuto na nakatitig sa iisang pahina... Sa iisang talata... Sa iisang pangungusap... Sa iisang letra... Blag!
0
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 9:16 AM UTC
Antok Na Ako
May mga oras sa aking buhay Na aking hinihiling na sana'y ika'y hindi nakilala Sapagkat kung ika'y hindi nakilala Aking puso'y nananahimik ngayon Ngunit ika'y nilapit sa akin Hindi ko napigilan ang aking sarili Na mahulog sa iyong kabaitan at pagiging iyong sarili Alam kong kasalanan ko ito Kung kaya'y ika'y hindi sinisisi Masaya ako sa piling mo At sa araw-araw na tayo'y magkasama Minsan ang sakit Dahil alam kong sa araw-araw Ika'y mas lalong hinahanap At mas ginugusto na makasama Kahit hindi ko gusto na ika'y maisip Bakit nga ba ika'y pilit tumatakbo? Mga katanungan na biglaang papasok Sa aking isipan ay bumabagabag Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod sa pag antay sa akin na ako'y makasakay? Hindi ka ba napapagod sa pag protekta sa akin? Hindi ka ba napapagod sa pakikinig sa akin sa araw-araw? Bakit? Bakit mo nga ba ito ginagawa? Hindi mo ba alam na ako'y nahuhulog na sa'yo? Ang hirap, alam mo ba? Pero alam mo ba Ang saya ko kapag kasama kita Makita lang kita Aking araw ay buo na Hindi ko man alam ano ang karugtong ng kasalukuyan Pero sana ikaw ay parte ng aking kinabukasan
0
Oct 29, 2016
Oct 29, 2016 at 1:51 PM UTC
Bakit nga ba?
Minsan naiisip ko kung bakit madalas akong nag-aalala sayo. Madalas din kung maramdaman ko na sa bawat minsan nasasaktan ako. Minsan wala akong maramdaman. Madalas nagiging manhid nalang. Minsan ginugusto ko nalang na biglang mawala. Madalas sinasabi ng isip ko na 'wag magpapabigla. Minsan naman nakakasanayan ko na tiisin ang pagkalungkot. Madalas hindi ko kinakaya, mahirap, matindi, makirot. Minsan napapatanong ako kung, "Minsan lang, pero ba't napapadalas?". Madalas na kase akong matulala kakatingin sa larawan nating kupas. Minsan nasasagi sa isip ko, "Kuntento ka pa ba? O sawa ka na?". Madalas akong natatakot, nababalisa, 'di mapakali, oo, sobra na. Minsan ko nang nagawa ang ibalewala ang iba, walang nakikita, kahit nandyan na. Madalas ko ding sinasabi sa sarili na wala akong alam noon, kahit 'di na tama. Minsan naisip ko na baka bumalik sa'kin, at karmahin ako. Madalas namang kinokontra ng isip ko, ang damdamin ko. Oo nga pala, minsan na din akong nagloko. At ngayon nararanasan ko, ang madalas na pinaggagagawa ko. Kahit sabihin pa na minsan lang, kahit minsan lang na nangyari. Madalas ko ng maranasan, minsan, madalas, bumabalik sa akin ang ginawa ko dati.
0
May 29, 2018
May 29, 2018 at 9:54 AM UTC
"Minsan lang naman, pero madalas hindi na minsan."
Mas madaling intindihin ang pag-ibig Kapag walang sinasambit at parating tahimik Kapag ngumingiti at umaabot sa langit Kapag nagagalit at napipikon ng kay dali Mas madaling basahin ang pag-ibig Kapag kumikislap ang mata at kinikilig Kapag kamay nakakapit at sa braso nakasabit Kapag tumatawa at masid tunay na ligaya Mas madaling mahalin ang pag-ibig Kapag puro at dalisay ang pag-sinta Kapag walang lihim at parating totoo Kapag hindi nangsasakal at pinipigalan ang galaw Mas madaling alagaan ang pag-ibig Kapag ikaw ito at hindi s'ya Kapag ikaw ito at hindi iba Kapag ikaw ito at ikaw lang ito Hindi parin nag-babago Hindi parin nakakalimutan Hindi parin natatabunan Hindi kailan man lilisan Ikaw parin ang aking pag-ibig Ikaw parin ang aking sinisinta Ikaw parin ang aking ginugusto Ikaw parin ang aking paksa sa tulang ito
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 6:19 AM UTC
"Mananatiling Ikaw"
🖋//me Kamusta kana? Balita ko'y masaya kana Nakakalungkot lang isipin na pag aari kana nang iba Subalit wala akong magawa, Dahil pinalaya kita Masakit na makita kang kasama nya Labis na nag dudusa sa aking nagawa Iniisip na sana pinahalagahan kita Di sana masaya tayo sa paling nang isa't isa Patawad kung napagod ako Kung mas pinili kong sumuko Hinayaan kitang maglaho At ngayo'y, heto ako Umaasa sa salitang TAYO na hindi na magkakatotoo Sana pala pinaglaban kita Sana pala hindi na ako kumawala Sa pangako nating dalawa Kase mahal, masakit pala Masakit parin pala Tama nga ang sinasabi nila Na makikita mo lang ang tunay na halaga Pag ito'y tuluyang nawala Gusto ko mang' bawiin ka Pero hindi ko magawa Kase kita naman sayong mata, Na masaya kana sakanya Kaya kahit mahal kita, Handa akong sumuporta Sa taong gusto mo Habang ginugusto kita. #ManunulatPh.
0
Jun 14, 2020
Jun 14, 2020 at 12:26 AM UTC
"Sana"
Sana hindi na sinambit pa ang mga katagang "nandito ako para sa'yo" Na sa tuwing ika'y aking ginugusto, trato mo saki'y panggulo Nawa'y hindi mo nalang ipinaramdam na minsan mo akong inako Kung sa huli'y wiwika na... "patawad, ika'y napunta sa'kin— maling tao"
0
Dec 23, 2020
Dec 23, 2020 at 3:50 AM UTC
4:19