Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"butuin" poems
Ako'y kinakabahan Saan ko kaya ito u-umpisahan? Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan Kaya ako ngayon ay naguguluhan Pano mo nagawang mang-iwan? Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw Hanap-hanap palagi ay ikaw Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating Nakatingin sa mga bituin Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating Ang nagiisang bituin para sa akin Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating Agad kitang yayakapin At sasabihin Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin Ang tanga mo Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan Siguro nga hindi lang yan panandalian Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita At sa iyong pagbalik Umaasa na hindi mo na ako ulit Ipagpapalit. Ngunit bakit ka'y pait? Umaasa na makita ka na kahit saglit Sapagkat Hindi ko na kaya ang sakit . . Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
0
Jun 16, 2016
Jun 16, 2016 at 7:56 AM UTC
Uhaw na Isda
Kinikilig pati ang mga butuin Sa saliw ng iyong boses na malambing Nakadungaw sa bintana kahit lahat sila'y nakahimbing May kaba sa damdamin Paano bukas lahat sila'y magagalit? Si ama , hahabulin ka ng itak Natawa na lamang Ang mga braso ko'y hinatak Naglapit ang mga muka Muntik ng atakihin sa kaba Ang puso ko ata ay nahulog Nang si bantay ay umalulong Dali-dali ay nagtago Tinginan nati'y di pa rin nagbabago "Kailangan ko nang bumalik sa silid." ang wika ko Sabay dagling humalik sa sinta ko -Tula VII, Margaret Austin Go
0
Nov 21, 2014
Nov 21, 2014 at 2:51 AM UTC
Tula VII
Gusto kong maglayag sa lugar na kayang ipahayag laman ng pusong lagalag. Gusto kong abutin ang mga ulap, lumutang sa alalapaap na parang nangangarap hawakan ang mga butuin na parang mga alitaptap. Gusto kong damhin patak ng ulan, magpakabasa hanggang mahimasmasan upang bumalik sa tamang kamalayan. Gusto kong gumising isang araw na may pag-asang tinatanaw kakapit sa bukang-liwayway at di na bibitaw.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 8:49 AM UTC
Gusto ko sana.
Gusto kong higitan ang kinang ng mga butuin Baka sakali ako'y iyong mapansin Nagtatago sa mga hibla ng ulap Ang pag sinta ko sayo Sa puso ko'y lumaganap Tila apoy na nilalamon ang kaluluwang Tigang sa pagibig Ang simpleng hiling Higitan ang mga butuin At kung maaari kay Kupido bigkasin Sana'y puso nya din ay panain -Tula II, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 4:57 AM UTC
Tula II
Huwag ka sanang magbabago, pagkat ipapakita ko ang buo kong pagktao, Huwag ka sanang mawala, papatuyan ko ako’y katiwatiwala, Huwag ka sanang malito, puso kong naligaw ay nahanap mo ang panalangin ko, ako sanang nakikita mo, bago pumikit ang iyong mata, ayokong makita ka ng magisa pagising mo sa umaga, simulan ang araw ng bagong ala-ala at hihiling sa butuin, na ikaw ay maging akin
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 11:16 AM UTC
Hiling