Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Feb 2019
Ang araw ay pumapatak na parang orasan
Mga sandali'y hahantong sa ganap katapusan
Halina't sulitin bakit hindi mo pa simulan?
Dahil ako'y darating na kakatok sa iyong pintuan

Teka sandali hanggang dito ka na lang
Pasya ko sa lalaking tiyak na kulang-kulang
Akala niya ay wala nang hahadlang
Sa mga sandali ng kanyang pagsasayang

Ako'y bisitang kumakatok ng hindi inaasahan
Sana'y handa ka at walang pinagsisisihan
Sapagkat ako' y bingi sa mga kahilingan
At ang aking pasya ay siyang makapangyarihan

Sa karit ko nagdaraan ang mabuti at hangal
Ako'y di nabibili nang iyong mga pagpapagal
Ngunit ang kalaban ko ay syang mararangal
Sapagkat di ko maaari ang kanilang mga dangal

JGA
Pusang Tahimik Feb 2019
Nang isilang ka'y kasama mo na ako
Kita ko ang tuwa sa mga magulang mo
Lahat ng kilos mo tinutularan ko
At kahit nasaan ka ay naroroon ako

Panahon ang nagturo sayo na mamulat
At sa unang pagkikita tiyak ang iyong gulat
Sa ilalim ng buwan sa gabing pagkagat
Naghahabulan tayo sa gitna ng gubat

May isang gabi lahat ng ilaw ay nakapatay
Ikaw'y nakipaglaro sakin ng walang humpay
Mga anyo ng hayop na likha ng iyong kamay
Sa harap ng kandila na sindi ng iyong inay

Sa gitna ng dilim ay di ka nag-iisa
Bagamat madilim hindi mo makikita
Halika sa liwanag at aking ipapakita
Ang aking anyo na dati mo nang nakita

Kahit saan ka magpunta ako ang buntot mo
Hindi mo lang pansin ako'y karugtong mo
Sumayaw ka at tutularan ko
Ngunit huwag sa dilim upang makita mo

Magbalik tanaw sa iyong ala-ala
Tuklasin ang aking talinhaga
Paalam tapos na akong magpakilala
Narito lamang ako lagi, aking paalala

JGA
Pusang Tahimik Feb 2019
Nakahigang pilit na nagmamasid
Sa madilim na apat na sulok ng silid
Ang sakit ay hindi pa rin lingid
Kahit na tiyak ang luhang nangingilid

Binabalot ng malamig na kalungkutan
Ang puso'ng di alam kung nahihirapan
Humahanap ng kumot sa isipan
Mainit na yakap sana'y masumpungan

Heto na nga at nalulunod na ako
At hininga'y kinakapos sa isipan ko
Pakiusap sana'y panaginip na lang ito
Sapagkat sa paglangoy pagod na ako

Isipan ay lubos akong pinahihirapan
Tila laging mayroong digmaan
Sa silid ng nakabibinging katahimikan
Ang isip ay matinding naglalaban

Sumapit na ang umaga
Ako'y wagi sa pakikibaka
Sa kalabang sariling likha
Ng isipang puno ng katha
JGA
HAN Jan 2018
Isang laban na parang sa Mactan.
Hahayan kahit na ako'y masugatan
Wag mo lamang akong iwan.

Handa makipapatayan
Sa kanya na aking naging kaagaw.
Ngunit anong magagawa kung sya na ang sinisigaw

Nasasaktan sa tuwing nakikita kayong hawak kamay.
Ilang siglo na ang ating nilakbay.
Ngunit heto ka, malapit ng bumitaw

Talunan matapos ang labanan.
Bawat ngiti **** kasama sya nagsasanhi ng sugat sa aking katawan.
Nanghihina, kaya hahayaan ng manalo at hayaang mga luha ay lumitaw.

Uuwing luhaan,
Hahayaang kainin ng kalungkutan
Dahil wala ka na sa aking kaharian. -HAN
Have you ever tried to fight for someone until death but that someone already gave up? That someone has already been inlove to other?
HAN Jan 2018
Ilang taon man ang lumipas
at bumalik man tulad ng bukas
Parang ganon parin at tila ba'y di kumukupas
Kung paano kita unang nakita't nasilayan.
Ganon parin ang aking nararamdaman at hindi nauubos tulad ng tubig sa karagatan.        -HAN
HAN Oct 2017
HANGIN

Ika'y aking iibigin
Hanggang ako'y iyong lisanin.
Yan ang pangko sa pag-iibigan natin.
Ngayon dumating na ang oras na akoy iyong lilisanin.
Mahal, isa lamang ang aking bilin
Mahalin ka sana nya, higit ng pagmamahal ko.

Mahal, alam mo walang paraan
upang ikay limutin.
Walang manggagamot ang kayang gumamot sa pusong nagdudurugo sa yamot.

Mahal, mamahalin kita hanggang ako'y iyong lisanin
Yan ang pangako natin.
Pero ngayong ikay lumisan na
akala ko mawawala na..
Pero nandito pa.
Pagibig na alay sayo.

Mahal hindi ko na kaya.
Ang sakit sakit na.
Hindi na ako makahinga
dahil puro letra ng ngalan mo ang aking nahihinga.
Mahal ang sakit sakit na..
Namakita kang may kasama ibang.
Mahal, naalala mo pa ba,
Yung sinabi kong ako'y may asthma?
Mahal hindi ko na kaya..
Para kang hangin na punong puno ng polusyon
nagnasasanhi ng hirap ko sa paghinga, ngayon.
Ngayon! Mahal, masakit na ang bawat paghinga..
Kaya, bibitiwan na kita.
HAN Oct 2018
HANGIN

Ika'y aking iibigin
Hanggang ako'y iyong lisanin.
Yan ang pangko sa pag-iibigan natin.
Ngayon dumating na ang oras na akoy iyong lilisanin.
Mahal, isa lamang ang aking bilin
Mahalin ka sana nya, higit ng pagmamahal ko.

Mahal, alam mo walang paraan
upang ikay limutin.
Walang manggagamot ang kayang gumamot sa pusong nagdudurugo sa yamot.

Mahal, mamahalin kita hanggang ako'y iyong lisanin
Yan ang pangako natin.
Pero ngayong ikay lumisan na
akala ko mawawala na..
Pero nandito pa.
Pagibig na alay sayo.

Mahal hindi ko na kaya.
Ang sakit sakit na.
Hindi na ako makahinga
dahil puro letra ng ngalan mo ang aking nahihinga.
Mahal ang sakit sakit na..
Namakita kang may kasama ibang.
Mahal, naalala mo pa ba,
Yung sinabi kong ako'y may asthma?
Mahal hindi ko na kaya..
Para kang hangin na punong puno ng polusyon
nagnasasanhi ng hirap ko sa paghinga, ngayon.
Ngayon! Mahal, masakit na ang bawat paghinga..
Kaya, bibitiwan na kita.

— The End —