Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
G A Lopez Dec 2019
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayo'y wala pa ding kasagutan.
May mga kasinungalingang hindi pa din natutuldukan.
May mga katotohanang masakit malaman.
Kaya mananatiling tahimik
Tikom ang bibig

Unti unting naiipon ang poot sa aking puso.
Na para bang hindi na ito marunong pang tumibok.
Na para bang nabalutan ng tinik
Dahil sa paulit ulit na pananakit.

Naguunahan ang mga luha ko sa pagpatak.
Nakisabay pa ang mga ulap
Kumulog at kumidlat
Mga mata ko'y pagod na muling dumilat

Pamilyar sa akin ang gabing ito
Marahil, nakagawian ko na
Ang umiyak gabi gabi
Magkulong, magmukmok
Hanggang sa abutan ako ng antok.

May mga gabing ayoko ng mag umaga
May mga umaga na gusto ko ng mag gabi
May mga araw na gusto kong umulan
Lahat nangyayari sa hindi ko inaasahan.
Karen Nicole Jul 2017
III
sa likod ng matatamis niyang ngiti,
malungkot na dalaga'y makikita
ang mga tawang nakakarindi,
ay mga iyak na tinago niya

mga problema, kailan matatapos?
aking buhay ay wala nang kulay.
bakit parang ako'y naka-gapos?
ganito ba talaga ang buhay?
sinulat dahil gustong makatakas.
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod 
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot 
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa




-Tula VI, Margaret Austin Go

— The End —