Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
gift Oct 2024
naglalakad sa isang eskinita
walang ilaw, walang makita
nalulunod sa alon ng kadiliman
yan ang imahe sa aking kaisipan

hindi mawari ang galaw ng mundo
kung talagang liligaya pa ang puso
mabuti nalang at ika'y nasilayan ko
sa liwanag pala ay nag hihintay ka sa dulo.
—g.l
another poem dedicated to all my filos out there <3
Mister J Mar 2019
Nangarap lang naman ng isang pag-ibig
Na kayang magtagal sa aking mga bisig
Ngunit bakit ganoon kadaya ang tadhana?
Parati na lamang naiiwan at namamaalam.

Wagas na pagmamahal ay kayang ialay
Ngunit kahit nilalako na ang pag-ibig
Walang sinuman ang tumatanggap
Walang sinuman ang kayang tumagal

Hanggang dito na lang ba talaga tayo?
Wala na bang pwede pang iareglo?
Pinagdasal na umabot sana sa simbahan
Ngunit mukhang ako lang talaga ang umasa

Ang pinakamasakit sa lahat ng 'to?
Yung naiwan kang nag-iisip na baka
Pwede pang isalba kung anong meron
Pero hindi ka pinayagang gumawa ng hakbang

Kaya 'eto't nagmumukmok sa isang tabi
Iniisip kung ano bang nagawang mali
Kasi ang mga rasong "hindi ikaw, ako"
Ay mas masakit pa sa "may iba ako"

Mas maiintindihan ko pa kung ang pag-ibig
Na kay tagal kong pinaghirapan ay bigla na lang maglaho
Kaysa sa mga rasong malabo namang basahin
At ang mga mala-bugtong na sagot sa aking mga tanong

Namamaalam muli sa pag-ibig na hindi nagtagal
Na kahit anong pilit ang aking gawin, walang nararating
Walang kapangyarihang baguhin ang kasalukuyan
Ang mga pinanghawakan dumudulas sa aking mga kamay.

Hanggang sa mawala sa puso
Isisigaw ang pagmamahal sa'yo
Sambit ng mga labi ang ngalan mo
Hanggang ang pag-ibig ay maglaho.
For "Hera"

It hurts to be at the end.
But I'll endure until the
feelings are gone..

If we do meet one day,
I hope we can try again
After this whirlwind
Of a romance.

Thank you
I'm sorry
I love you

-J

— The End —