Bente kwatro oras ang kilos Mga gawain na tila' di natatapos Pagtitimpi na hindi nauubos Ano pa mahal kong Ina ang kaya **** ibuhos?
Hindi ka ba napapagod? Araw-araw kang kumakayod Walang day off, walang bonus, walang sahod. Hindi ba nanghihina ang iyong mga tuhod?
Tinanggap mo ang pagiging ina Kahit sa mga anak mo'y ikaw ay balewala. Pagkaing isusubo na lang, ibinigay mo pa, Sa bawat hakbang nila hindi ka nawala.
Tinanggap mo ang pagiging kahalili Inalay sa'yong asawa ang buong sarili Sa mga desisyon nya, ikaw ay walang masabi Sa bawat hakbang nya ikaw ang katabi.
Hindi sapat ang salamat Sa mga kalyo sa'yong palad Sa hindi maindang sakit sa balikat Kahit kailan wala kang sinumbat
Alam ko hindi sapat ang aking salamat At hindi ka kayang tumbusan ng anumang salita Mahal kong Ina, salamat po sa lahat lahat Salamat po sa puso nyong 'di napapagod nagmamahal.
This is a filipino poem to all the filipino mothers :)