Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
lovestargirl Oct 2018
I gaped from the shock,
As I stare at your eyes, now,
How are we to know?

Now, wearing older faces,
Never thought we’d meet here.
Looks like a love story.

You looked at me,
Like you’ve never seen me this way before.
But, I look at you with a familiar glimmer.

I forced not to smile,
As I held both my cold hands,
And stood there with my sweaty feet.

I failed to remember words,
It ate me instead.
You glanced back, and bid your goodbye.

Somewhere long ago,
We’ll we know?
How’d it go, if this is still yours?

I’ll have to (let you) know.
lovestargirl Apr 2018
(L)isten to the beating heart of this lost child

wh(o) was enveloped by darkness in a long time

who have lost his sight of lightness

who became a foster-child of dark(n)ess and silence

and orphaned by paradise and happiness

the (l)ost of human touch and acqu(i)ntance

searching for mea(n)ing in this wast(e)d time

of life and love that sadne(s)(s) unbuild
find the hidden message
lovestargirl Jun 2015
Isa, dalawa, tatlo, hindi sigurado.
Ngayon o bukas man, hindi ko alam.
Dadating o hindi, paniguradong mali.

Dahil sa bawat kalkulasyon,
walang tanging nakakaalam,
Sa kung anong nararamdaman.
Dahil sa isang bagay na hindi tiyak,
paniguradong walang may alam.

Naghihintay ng walang kasiguraduhan,
sa isang sagot na matagal ng inaasam,
at sa pagibig na matagal ng kinasasabikan.
lovestargirl May 2015
Biyaya:
Lumabas ako’t nanatili sa aking kinaroroonan.
Dinamdam ang bawat sandaling dumadaan,
Na para bang ang bawat segundo’y aking inaasam.

Isang halik mula sa langit at ako’y nanabik,
Isang halik sa sinag ng araw at ako’y napapapikit,
Isang halik mula sa hangin at aking linanghap.

Ang mga ito nama’y biyayang pruweba ng aking pagkabuhay.
Bawat halik mula sa langit ay parang nagpapaalala,
Ng mga bagay na sa atin dapat ay mahalaga.
lovestargirl May 2015
Kahit isang sulyap lang sa langit ay di na matanaw,
Daan-daang matatayog na konkretong kahon,
pati anino nito'y ako'y napapaligiran.

Tinatakpan ang malagintong sinag ng araw,
maging ang hanging sana'y magpapaypay sa nagiinit na siyudad ay natakpan na.

Nagbago na ang mundo.
Bago na naga ang mundo.
Pero nasaan na ang mundong kinalakihan at pinapangarap ko?

Nanabik sa malawak na langit
na noo'y tinitingala-tingala lang,
na kunwaring inaangkin ko ito, na akin ito.

Pero bago nga ngayon ang nakikita ko,
matatayog na konkretong kahon,
na humaharang sa tunay na paraiso.
lovestargirl May 2015
UWIAN:
Unang hakbang pagpasok sa tarangkahan.
Pangalawa, at tumingin sa daan.
Pangatlo, at tumingala sa kalawakan.

Saka naglakad pa ng isang daan at tatlumpung hakbang,
Sa apat, hanggang lima narinig ko ang andar ng jeep ni Ama
Sa anim hanggang pito narinig ko ang pagkukwenta ni Ana.

Sa walo hanggang siyam nakita ko ang tongitsan ni Manang.
Sa sampu hanggang labing-isa umiwas sa konstrukyon ni Saavedra.
Sa labing-dalawa at hanggang labing- tatlo ay narinig ang sigawan nina Agnes at Cito.

Sa bawat bahay, at taong nadadaanan
Tanging pagkaway at ngiti lang ang nadadatnan.
At ilan lang ito sa mga bagay na inuuwian.

Nagpatuloy sa paglalakad hanggang umabot sa abandonadong bahay,
Madilim man, at magulo sa loob. Ngunit amoy na amoy pa rin
Ang buhay na puno ng sampaguita.

Pumitas ako, inamoy pa ito, at nagbaon ng ilan nito.
Ipinikit ang mata ko, at saka linanghap ang mabangong amoy nito.
Saka naglakad pa at pumapasok sa aking tahanan.
lovestargirl May 2015
TAGUAN:
Sa ilalim ng nakakapasong init ng araw,
Tumatakbo tayong magkahawak ang kamay,
Nagbibilang hanggang isang daan,
papalayo sa tayang kalaro.

Sabi niya’y tagu-taguan,
at tayo nama’y nagbilang.
Ng isa, ng dalawa, hanggang tatlo.
At hangggang doo’y nanatili sa likod ng puno.

Ngumiti ka, at ako din. Tumawa ka, at ako din.
Saka napuno ng tawanan ang buong mundo ko.
Napuno ng ikaw at ako ang buong maghapon.
Hanggang sa bumaba na ang araw.

Rinig ko na ang tawag ni inay,
At naramdaman ang pagbitaw sa kapit ko.
Hindi mo man pansin ito,
pero para itong isang malagim na pagtatagpo.

Ngayo’y paalam muna,
Hanggang sa muling pagtatago, at pagtatagpo
Ng ating sabik na mga puso sa larong tayo’y tinago.
Sa mundong ating binuo, na tayong bumubuo.

— The End —