Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sho Victoria Apr 2018
Di ako umiiyak sa away o sigawan.
Umiiyak ako sa labis na katahimikan.
Sa mga panahong kailangan ko ng kasama
Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na.

Mga kumukuliglig na huni at bulong.
Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong.
Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan.
Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan.

Bumibilis na tibok ng puso,
Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo
Mga hiningang hinahabol ang takbo,
Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto.

At unti-unti
Hihimasin ang isip
Mula labas palalim sa loob
Unti-unti
Pipigain ang puso
Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na.

Hahalungkatin ang nakaraan,
Nang dumilim ang kasalukuyan.
Babasagin ang kasalukuyan,
Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan.

"Huwag kang mag-isip."
Ang abiso nila.
Ngunit diba nila naisip
Na tila ka na ring sinabihan na:

"Huwag kang huminga kung ayaw mo na."

"Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka."

"Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka."

Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya."

Oo, ayaw ko na.
Lahat kinatatamaran pati paghinga.
Bawat gabing inilaan sa iyak.
Tila ang isip, pinipilit na mabiyak.

Oo, nahihirapan na.
Di maiwasang tumingin sa mga mata
Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento.
Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na  mga anino.

Oo, nasasaktan na.
Mula sakit, gusto ko nang kumawala
Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal
Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal.

Oo, di ko na kaya.
Sana nga tumigil na.
Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na
At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na.

Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak.
Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak.
Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama.
Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na.

Ito.

Ganito.

Ganito kahirap, ganito kasakit.

Ganito kasimple ang isang atake.
Jessa Asha Dec 2018
Nasasaktan ko na siya,
Oo nasasaktan ko na siya,
Sa mga iniisip kung wala namang kabulaanan,
Sa bawat pagdududa ko na wala namang ebidensya,
Sa bawat hinahagip nang isip at puso ko na wala namang katuturan,
kasi pinaniwalaan ko ang katagang
"womens instinct is always right"
pero hindi,
hindi sa lahat ng oras tama tayo
hindi sa lahat ng araw mga hinala natin ay totoo,
bagkus, sa kalulunod sa ka kaiisip ko na may mali, ay nilulunod ko na pala ang "Siya" ang "Tayo" ang "Kami"
Hindi ko na namalayan,
na hinihila ko na sya papalayo,
na ang pundasyon ay unti unting winawasak ko
sa kaiisip na akoy niloloko pa rin,
Hindi ko namalayan,
na naging makasarili na pala ako,
pero hindi ko pa rin maiwasang mag isip,
pero nilalabanan ko
hanggang sa nakita ko nalang
ang "Siya" ang taong mahal ko
duguan ang puso, napapagod na ang katawan,
Napagtanto ko, Hindi ko lang sinasaktan ang Sarili ko
kundi NASASAKTAN KO NA RIN SYA PALA.
#tamana
#b
Elly Apr 2020
Kwentuhan mo naman ako.

Kahit na saglit lang, kahit ilang minuto lang. Pag usapan naman natin ang pag ibig nating tila'y tinapos mo agad ng hindi pa natin nasisimulan. Pag ibig na hindi mo binigyan ng pagkakataong mag simula. Ang pag ibig na pilit kong binubuo ngunit pilit **** winawasak.

Ikuwento mo kung paano ka niya ipinagtulakan at
Ikukwento ko kung paano kita hinabol
Ikuwento mo kung paano mo siya binalikan at
Ikukwento ko kung paano kita hinintay

Ikuwento mo kung gaano mo siya kamahal at ikukwento ko kung paano ako nag pakatanga. Ikuwento mo saakin kung bakit siya pa rin ang pinili mo kahit na ako naman 'tong nandito. Ikuwento mo saakin lahat kung ano ang dahilan kung bakit ako nasasaktan para naman makuwento ko na kung paano kita bibitawan.

Sa huling sandali, ikuwento mo saakin kung gaano ka kasaya at sasabihin ko sa'yo ang katagang "ayoko na".

At ikukwento ko dito kung paano ako nagpapakatanga sa pag ibig na alam kong hindi naman mahalaga.
Louie Escaño Apr 2018
Damdamin ay di maintindihan,
Di alam ang gagawin
Paano makakaraos sa sakit na nararamdaman
Puso'y inaarok sa tuwing ika'y naalala

Na kahit ikaw ang nagkamali
Ako parin ang ginagambala sa mga alaala
Nakatanim parin sa mga alaala
Pangako **** ika'y mananatili
Hindi makapaniwala na ika'y wala na sa piling ko

Ikaw na ang nanakit pero ako padin yung gustong bumalik
Ngunit handang masaktan kahit sa bawat sandali
Kahit di mo alam
Humihiling sa mga tala na ako'y muling mahalin

Kung ang hiling ay di man dinggin
At kailangan ng tanggapin
Ika'y patuloy at tuluyan kong mamahalin
Sa araw na sumisika't buwan na hindi nabubuo
Kahit di mo alam

Pinagmamasdan ka sa malayo't
Nagbabakasakaling ika'y muling mahagkan
At Dahan dahan ng winawasak ang sarili
Kahit di mo alam

-Louie Escano

— The End —