"tutulo" poems
Ika'y dyosa saking mga mata,
Kakayahan mo, sayo'y nagpapaganda,
Sayo ako'y biglang nahalina,
Naging inspirasyon, tinitingala.
Ika'y aking hinahangaan,
Lalong lalo na sa iyong larangan,
Sa bawat laro, inaabangan,
Hindi kumukurap sa iyong paglaban.
Ika'y tahimik na kumukinang,
Ipinapakita ang mga kakayahang nilinang,
Pinagaling ng mga pinagdaanan,
Pinagdaanang tagumpay at mga kabiguan.
Di ko inaasahang ito'y huli mo na,
Mga luha'y parang tutulo sa'king mga mata,
Hindi ko matanggap na ika'y lilisan na,
Hahayo at di ko na muling makikita.
Ngunit wala akong magagawa dahil ito'y desisyon mo,
Iyan ay buhay mo na di ko naman kargo,
Ngunit aabangan ko ang maaari **** pagbabalik,
Ang pagbabalik ng bayani kong sa bawat laro'y puso ko'y pinapasabik.
May 14, 2017
May 14, 2017 at 5:58 AM UTC
Tuwing sasapit ang araw na ito,
Umiiyak ang puso ko dahil sa iyo.
Nalulungkot, nangungulila sa isang tulad mo
na magpa-hanggang ngayon ay wala ka na sa tabi ko.
Lagi akong nakatitig sa kawalan
Bigla na lamang tutulo ang mga luha at luhaan,
Paano ko ba ito maiibsan
kung pati libingan mo ay hindi ko rin malapit-lapitan?
Nais ko lamang sabihin sa iyo
na kahit tahimik pa rin ang mundo sa puso ko,
walang ibang makakapantay sa pagmamahal na inalay mo
dahil bukod-tangi ka dito sa tumitibok kong puso.
Hindi ko alam kung saan dadalhin ng puso ko ang kalungkutang ito
Pero alam ko sa puso kong nananabik at mananabik pa rin ako.
Hintayin mo ang pagbisita ko dahil gagawa ako ng paraan upang sabihin sa iyo,
Na mahal na mahal kita, mahal na ina ko.
May 12, 2018
May 12, 2018 at 9:58 PM UTC
Ngayong gabi'y tutulo ang mga luha,
Iniluwa ng gabi, gaya ng pag saklob sa mga dukha,
Ikaw na nakahandusay, at trinaydor ng dilim,
Asan na si Lando na may hawak na patalim?
Ngayong gabi'y dadanak ang luha,
Gaya ng pag humuho ng mga katawang
Binusabos ng sangkahayupang
Tinatawag niyong pulisan.
At bukas pag sikat ng araw,
Itong pagtangis ay mapapalitan ng uhaw
Sa dugo't hustisya para sa bayang
Pinapatay dahil "nanlalaban".
Jul 25, 2019
Jul 25, 2019 at 3:18 PM UTC
Hayaan mo pangako,
Ako na ang susuko
Tatanawin nalang kita
Papanoorin kang maging masaya
Hayaan mo pangako,
Pipigilan ko ang mga paa ko
Pahihintuin na rin ang puso
Mga luha'y hindi na tutulo
Hayaan mo pangako,
Hanggang dito nalang tayo,
Ikaw, kapiling sya
Ako, mag isa
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 1:35 PM UTC
Ninanais malaman,
Ninanais tuldukan,
Pagkat di ko kaya,
'tong bagay na mawala.
Araw-araw nanlulumo,
Mundo'y dahan-dahang gumuguho,
Mga luha'y para bang tutulo,
Kapag naisip sa paninibugho.
Di magawang magsalita,
Kahit man lang mangamusta,
Sadyang takot lang talaga,
Pagkat alam na nagkasala.
Di kayang sa lahat, ikaw,
Ikaw, na minsa'y aking ilaw,
Sa landas na kay tarik,
Di alam kung anong masasapit.
Mistulang imposible,
Na tanggapin mo 'tong aking "sorry",
Ngunit ako naman sana'y paniwalaan mo,
Ito'y totoo, o sinta ko.
Apr 29, 2017
Apr 29, 2017 at 7:58 PM UTC
umuulan nanaman
papatak na ang mga salita
tutulo na ang mga luha
dadanak na laman ng puso
mahuhulog nanaman sa’yo
pero di ka pa rin aabutan ng ulan
Sep 15, 2019
Sep 15, 2019 at 10:37 AM UTC
Nandito ako sa tabi mo
Pinupunasan ang mga luhang tumutulo
Mga luhang tumutulo dahil sa pang-iwan nya sayo
Gusto kita bakit hindi pa kasi ako
Nandito lang naman ako sa tabi mo
Hindi kita iiwan gaya ng pang-iwan nya sayo
Asahan mo mahal ko
Kapag ako'y minahal mo
Wala ng luha pang tutulo sa mga mata mo
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 10:58 PM UTC