Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pupunan" poems
Hindi ako ang babae na hinahanap mo abang-abang ko ang mga mata sa paligid nag-aantay, nanghuhuli, nagsusumamo ako na ba? ako na ba ang tinitignan nila? pansin na ba nila ang buhok kong umiindayog kasama ng hangin pansin ba nila ang marahang paghihiwalay ng aking mga labi? hanggang sa mahuli ko ang iyong mga mata nakikita ko na nakikita ko na kung paano kita mamahalin kung paano ko kakalimutan at ibibigay ang sarili ko sayo tahimik na nagmamakaawa ang puso ko lumapit ka bigyan mo ko ng pagasa hindi man ako kaanya-anyaya sa iyong mata pero pupunan ko ng pagmamahal at ng pagaaruga ang lahat ng hindi mo nakikita hindi man ako kasing tingkad ng mga bulaklak at hindi man ako kasing taas ng mga puno na nasa paligid mo pero nagmamakaawa ako bigyan mo ng pag-asa ang puso ko kahit hindi na pagmamahal ang ibigay mo kahit hindi mo na sabihin na pwede kang mawala sa mga mata ko iparamdam mo lang na karapat-dapat ako para sa gayon matutunan ko naman na mahalin ang sarili ko.
0
Aug 6, 2016
Aug 6, 2016 at 9:39 AM UTC
hindi ako ang babae na hinahanap mo
Hindi kailan man umiba ang pintig ng puso, Pusong ikinabit sa mga emosyon, Emosyon na hindi malaman kung bakit nagsimula, Nagsimula at bumuhay sa magugulong pangarap, Pangarap na magmamahal ngunit hindi kayang isuko, Isuko ang puso para sa iba. Iba, iyan sila. At iba ka rin sakanila, Sakanila na nagsasabing darating din ang araw na magmamahal, Magmamahal ng buong puso at kaluluwa, Kaluluwang hindi sigurado kung totoo nga ba, Totoo nga bang may kahati ka, May kahati ka, at ako nga ba? Ngunit lumipas ang panahon, Panahon na nasayang sa paghahanap sa tutugon, Tutugon sa kaisipang itinatak nila sa isipan, Sa isipan kong naguguluhan. Ngunit aking napagtanto, Napagtanto na hindi lahat iibig sa alam nilang paraan, Paraan kung saan ang dalawa o higit pang tao ay pupunan ang kakulangan, Kakulangan na sabi nila'y mabubuo lamang, Mabubuo lamang kapag nagtagpo ang mga pusong natutong magmahalan. Ngunit paano nga ba magmahal? Magmahal ng isinusuko ang lahat, Lahat na gagawin ko rin sa aking mga kaibigan, Mga kaibigang handang pakinggan, Pakinggan tulad ng pakikinig sa boses mo, Sa boses mo na tila tumugon sa boses ko, Sa boses ko na bigla nalang din natigilan. Ngunit hindi ito para sa'yo, Sa'yo kung saan may nagpatigil ng tinig ko, Tinig ko na nagtatanong nanaman, Nagtatanong nanaman kung bakit tila may mali sa sariling pagkakakilanlan, Pagkakakilanlan sa puso at sa pagmamahal nitong alam. Isang araw gumising nalang, Gumising nalang at napagalaman, Napagalaman na maraming paraan ng pagmamahal, Pagmamahal na posible minsan, Minsan... o siguro nga'y kadalasan, Kadalasan ay iba ang pagkaunawa, Pagkaunawa sa pag-ibig na pilit nilang itinatatak sa isipan.
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 5:05 AM UTC
Paano Nga Ba Magmahal?

Continue reading...
40
Pag ibig Kanya-kanyang depinisyon Kanya-kanyang eksplinasyon Isang uri ng salamangka Na makakapagpapabago ng lahat Makapagbibigay ng dapat at sapat Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat Maghahangad ng iba Maghahanap ng ibang kasama Pero gayunpaman ay wag kalilimutan Na ang pag ibig ay pag ibig parin Kahit ito pa ay paiba-ibahin O kaya nama’y balibaliktarin Bawasan mo man o buuin Pag ibig parin Pag ibig Ito ang tuwa sa isang libo **** luha Isang porsyento sa ilang daang libo Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo Ito ang magtuturo sayo Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan Hindi bagay na dapat **** sukuan O kaya nama’y dapat **** kalimutan Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko Ang pagsulong sa bawat pag urong Ang simula sa bawat katapusan At ang katapusan sa bawat simula Dahil ang katapusan ay hindi masama Ito ang simbolo ng tagumpay Ang simula ng simula Pag ibig Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong Sa ano, bakit at paano Ang pupuno sa bawat kakulangan mo Pupunan ang pangangailangan mo Ito ang tulay sa bawat pagitan Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo Kahit na sino at kahit na ano Kahit na ano pa ang kasarian mo O kahit na ano pang kinabibilangan mo Sasagipin ka nito sa pagkalunod Sa pag iisa Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama O kaya nama’y kinalimutan ka na Yayakapin ka At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa Pag ibig Di ka nito huhusgahan Tatanggapin ka kahit ano ka man Dahil kailanman ay wala itong batayan Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap Pag unawa at walang halong pagpapanggap Ito ay puro at dalisay Hindi pinapahina ng panahon At sa halip ay lalo pang pinapatibay Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok Pag ibig Ito ang produkto ng konseptong positibo ng pluma at panulat Ng tuno at liriko Ng imahinasyon Ng respeto at pagpapahalaga Umibig at ibigin Sabihin kung ano ang laman ng damdamin Sayo, ano ang pag ibig?
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:50 PM UTC
Ano ba ang Pag-ibig ?

73
Bagong kabanata ay nabuksan tatlong daan anim naputlimang pahina ang pupunan bawat araw ay ilalathala at susulatan maging maganda o masama man ang kalabasan Mga kalbaryo at pagsubok na kailangan pagtagumpayan Mga pagpapalang darating at kailangan nating pasalamatan Mga sakit at pighating hindi maiiwasan Ating haharapin at mararamdaman Ika'y handa na ba ngayon? Harapin ang bukas at iwan ang kahapon? Kalimutan at isara libro ng nagdaang taon Pero may mga aral ka ng nakaraan na iyong baon baon. Sa libro ng ating buhay na tayong may akda sulitin ang guhit at sulat ng ating tinta matuto sa mga karanasang mapait at maganda Bago natin bitawan ang pluma at lumagda
0
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 10:07 PM UTC
"Bagong Taon"
ikaw ang ulan at ako ang hamak na daanan kahit gaano katagal o kahit gaano kabigat ang dala mo'y sa akin ka pa din hihimlay babagsak at mahuhulog ka pa din sa akin pupunan ang mala tagtuyot na panahon iaahon sa init ng mga sitwasyon at ngayon sa muli **** pagbagsak ay tandaang sasaluhin ka dahil ikaw ay ulan at ako ang hamak na daanan na kahit hindi man pareho ang pinagmulan ay paulit-ulit na sa akin ka hihimlay babagsak at hihimlay babagsak at walang hanggan na pagmamahalan.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 5:13 AM UTC
bagsakan
Ganyan ako nang lumapit sayo Umasa akong pupunan mo ng tinta ang bawat espasyong nakikita mo, Ngunit mahal, Masyado palang madiin ang pagkakasulat mo Nabutas ako't nasugatan, Ngunit hindi mo Ininda ang bawat pagtangis ko, Hindi mo ininda ang bawat parteng nilukot mo sa aking katawan, habang mahigpit **** hinahawakan ang mismong "Ako" At ng magsawa ka na sa pagsira mo Kumuha ka ng panibago ngunit hindi katulad ng saakin ang ganda nang pagkakasulat mo sa bagong papel na hawak mo At alam mo ba yung mas masakit? Yung katotohanang pinalitan mo ang salitang "AKO" para lamang sa panandaliang "KAYO"
0
Aug 23, 2017
Aug 23, 2017 at 12:59 PM UTC
Blankong Papel (Blank Page)