Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Joseph Floreta Sep 2016
Dahil ginusto **** igawa kita ng tula,
Tulad ng nararamdaman ko,
Igagawa kita ng tulang nananaghoy,
Tulad ng pag tangis ko sa gabi,
Igagawa kita ng tula,
Tulad ng mga rosas na pinitas ko sa hardin,
dahil wala akong mapag-alayan,
Bukod sa puso kong namatay na,
Igagawa kita ng tula na nahahapis,
Tulad ng pag daloy ng ulan saking mukha,
Dahil hindi mo hinayaang mahalin kita,
Ni hindi mo binigyan ng tsansa,
Kaya igagawa kita ng tulang banayad,
Banayad tulad ng nabasag na salamin,
Igagawa kita ng tula,
Tulad ng nag iisang bituwin na tinatabingan ng ulap... paalam na..
#Tropang Sawi
Marlo Cabrera May 2015
Pitasin mo ako,
At ilagay mo ako sa gitna mo at isara mo ito.

Alam ko,
Alam ko na hindi ko lugar Ito.
At sabi nila na akoy nararapat kung saan akoy pwedeng mabasa at masilawan ng araw.
Kung Saan akoy pwedeng mabuhay, at maalagan.

Pero, paano ako mabubuhay kung akoy nawawalay sa piling mo.

Alam ko, na ako ay mabubuhay sa piling mo,
Akoy nararapat na kasama mo, hahayaan ko ang pagmamahal mo ang bumasa saakin, at ang mga ngiti mo ang sumilaw saakin, parang araw sa umaga, sa hapon at hangang sa magdilim.
At hangang mag bukang liwayway.

Ako ay isang bulaklak, na pinitas ng isang umiibig na binatang lalake at ikay isang libro na Pag aari ng isang dalagang babae na sinisinta.

Kaya uulitin ko,

Pitasin mo ako,
Ilagay mo ako sa gitna ng mga pahina,
Sa gitna kung saan nakahimlay ang puso mo.
Doon akoy mananatili para sayo.
Ito ay para sa lahat ng mga bulaklak na inipit sa gitna ng mga pahina.
110315

Binilang ko ang rosas na akala ko'y
Nagpaalam na buhat sa maagang pagkalanta nito.
Akala ko'y pag namukadkad uli'y limot na ang dati,
Pero tila nagkakamali pala ako
Sa paghimay-himay ng pahiwatig.

Hindi ako manhid
Pagkat ramdam ko pa rin ang tinik
Sa paghawak sa ubod ng rosas.
Pero iniinda ko ang sakit
Pagkat ganoon naman talaga,
Nilikha siyang may tinik bilang proteksyon niya.

Pag pinagmamasdan ko ito,
Alam kong hanggang tingin lang ako.
Pagkat pag pinitas ko'y agaran na naman itong malalanta,
Hindi ko naman maiuuwi ang kariktan nito.
Mas kaakit-akit kasi siyang tingnan
Pag kasama ang mga katulad niya.
Muli, hanggang titig na lang,
Ganoon rin ang paggalang ko sa kanyang Hardinero.

Alam ko ring iba ang tipong klima nito,
Medyo sensitibo kahit na
Di ko naman papalitan ang kinagisnang lupa.
Hindi ko naman siya bubunutin nang basta-basta't
Aangkinin kahit may ibang nag-aari sa kanya.
Sa katunayan, laging nais ko siyang masilayan,
Kahit na alam kong iiwan niya rin ako
Sa dapithapon o kaya kinabukasan o sa makalawa.

Pag kinunan ko siya ng larawan,
Kaya ko siyang titigang muli,
Alaala na lamang sa iisang papel ang aming sandali.
Pagkat pag muling babalikan ang pasong nagkalinga,
Iyan, wala na puros dahon na lamang,
Maghihintay na naman sa tamang panahon
Nang muli ko siyang masilayan.
Jose Remillan May 2017
Marahan niyang pinitas ang
Huling gumamela sa hardin.
Kasama ang liham at lihim
Ng puso, inialay sa paralumang

Matagal-tagal ding itinangi,
Itinangis sa tadhana, ng walang
Hanggang paghilom at pag-asa.
Anuman ang mangyari, patuloy na

Idadako ang paningin sa pagtingin,
Hindi sa hapóng damdamin, hindi
Sa mga lamat ng puso, bagkus
Sa alamat ng bagong pagsuyo,

Paulit-ulit mang danasin ang guho.
solEmn oaSis Jan 2022
Sintas Man Ay Kalas
Luma Na At Pigtas
Sapatos At Medyas
Dibaleng May Pintas

Kamisetang Butas
At Maong Na Kupas
Pigtal Na Tsinelas
Hindi Pa Parehas

Tinotonong Kwerdas
karakrus ang kwintas
sa sugal ay utas
pati pato hulas

bahala na bukas
tawagin mang takas
hihiram ng lakas
tatagay ng wagas

nalango sa wakas
kamay lang may hugas
bahid, patak, tagas
palay naging bigas

kahapon ay bakas
sing-linaw ng habas
nahinog ang prutas
ngunit di pinitas

bagsak mula taas
sabik na pumatas
kahit pa lumabas
tinatagong Katas

Tinukso Ng Ahas
Yinapos Ang Angas
Kinapos Sa Alas
Nilukso Yung Dahas

Natisod, Nadulas
Kasi Nga Nangahas
Kung Dati Minalas
Nadapang May Bangas

Babangong Matikas
Sa Mali iiwas
panata kong tagos
dalangin ay lubos

payak man ang lapis
yakap Di Pa labis
sugat na may hapis
ginamot ng kapis

Tila Tala Lihis
Kutitap Sa Bilis
Araw May Silahis
kidlat ang hagibis

mukha na manipis
nagpalit ng bihis
hahakbang sa libis
Layon Ay Malinis

Patama Ay Daplis
Ngunit May Hinagpis
Pinawi Ng Haplos
Animan na agos

Timplang Nalamukos
Animo Ay Musmos
Siglang Dinaraos
Biyaya Ay Puspos !!!
Coming 🔜...
" Pakay ng Yapak "

— The End —