"pambihirang" poems
Simula ng makilala ka,
Buhay ko'y sumisigla,
Lagi akong masaya,
Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng tuwa at ligaya,
Aking pagsinta,
Bakit nga ba?
Naranasan ko ang mga pambihirang bagay,
Ang mundo ko'y naging makulay,
Binuhay mo ang diwa kong matamlay,
Ikaw ang aking lakas,
Pinakita mo ang aking magandang bukas,
Mula sa simula, gitna, dulo at wakas,
Ang isip at puso ko'y iyong pinatalas,
Madapa man ako'y iyong hinawakan,
Binangon mo ako mula sa lupang aking kinasasadlakan,
Napuntahan ko ang dulo ng kalawakan,
Ang mga puno't halaman,
Ang berdeng kagubatan,
Ang ganda ng kabundukan,
Lahat ng ito'y aking nasisilayan,
Daan ka nga ng pakikipag-ugnayan,
Ika'y gamit sa pakikipagtalastasan,
Daan tungo sa kaunlaran,
Ngunit ako'y nanghihinayang,
Dahil ika'y di kilala ng maraming kabataan,
Sabi nga nila hindi ka magandang pagmasdan,
Di nila namamalayan,
Ika'y maaari nilang maging kaibigan,
Taglay mo ang naiibang kapangyarihan,
Ika'y iniregalo ni Rizal sa kanyang buthing may bahay,
Kay Josephine Bracken ika'y ibinigay,
"Kempis "ka kung tawagin,
Ika'y,"Tagalog Christ" naman para kay Ferdinand Blumentritt.
Alam kung di matatawaran,
Ang iyong kasiyahan,
Kapag ang mga pahina mo'y binubuksan,
Mabuti kang sandigan!
Sayo nagmumula ang di matatawarang panindigan,
at di-natitinag na katwiran,
Mabuti kang larawan,
Nagsisilbing huwaran,
Magpakailanman!
Maipagmamalaki kahit saan,
Pangako ko ika'y aking dadalhin,
Pupurihin, I-ingatan at papahalagahan,
Hanggang sa aking huling hantungan,
Sayo lamang...... Minamahal kong----aklat!
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 12:10 AM UTC
Isang halimbawa ng magandang asal
Mumunting dasal kanyang inuusal
Pambihirang talino, dedikasyon at dangal
Siya nga ay isang **** na dapat Ikarangal
Salitang ABAKADA ano nga ba ang halaga?
Isang tanong sa sarili gaano siya kahalaga
Sa aking agam agam, tunay siyang pamilya
Mula sa isip, sa puso at sakanyang mga gawa
Hapo man sa maghapon, puyat sa magdamag
Laban sa tanghali upang isip ay malinangan
Kanyang ituturo talagang kaabang abang
Ito’y magagamit bilang pananggalang
Bilang anak at estudyante ako ay humahanga
Isa kang modelo, isang tunay na dakila
Ikaw ang dahilan kaya nasulat itong tula
Ito’y hindi maglalaho ng tulad ng mga bula
Sa iyong mga mata, may kislap ng Pag-asa
Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming mga balsa
Umalis man o mawala kasama ka sa gunita
Mabuhay ka! Mabuhay ka! Mahal ka naming talaga
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 7:04 PM UTC
At yun nga,
Inakala ko
wala na nga,
Ngunit may karugtong pa nga,
Ang librong hinulog sa banga,
Saan na nga?
Nag wakas ang kwentong tula?,
Ating baguhin at gawing Dula,
Ang mga nangyaring hula,
Na pwede pa nating baguhin mula simula.
Ngunit nabago na ang ihip ng hangin,
Hindi ko na alam ang iisipin,
Gusto kong silipin
Ang mundong dapat sana'y atin,
Dahil inakala ko'y wala na nga,
Ngunit heto't bumalik ka nga,
Upang ako'y muling malito saking nararamdaman,
ikanga,
tulad nung isang awitin,Mas mahal na kita ngayon,Ngunit pambihirang buhay to,
Kaibigan nalang ako,
Ng isang Prinsesang nakatira sa kastilyo,
ayoko na
dahil wala ng kabuluhan
ang sinusulat ko,
para akong tanga,
mema post lang,
bahala na..
pambihira...
salamat sa pagbabasa.
thuglife tayo..xD
Nov 4, 2016
Nov 4, 2016 at 6:20 AM UTC
Puro tiis.. nakakainis!
Mukha nyong manipis!
Pengeng hapinis.
Isinulat ko ng lapis,
problemadong labis.
aking ninanais,
sarap na walang kaparis!
utak ay napapanis,
sa katulad nilang balawis,
kinukulang ka't nagpapawis,
ngunit sa iba'y labis labis!
gagambang may katis,
de lata **** lumolojis!
utak ay nabobopis,
nah! pambihirang patis!!
mabuti nalang as is,
nandiyan ka lagi mis,
sa tingin **** nakaka-pris,
nakakawala ng inis :)
pakiramdam ay namimis,
kahit man lang isang daplis.
labi **** ninanais-nais,
parang gusto kitang ikis!
Sep 2, 2010
Sep 2, 2010 at 5:55 AM UTC
Ikaw ay isang pambihirang hika
na hindi mailarawan sa anumang wika;
Ang pagnais sayo ay tulad ng ubo,
Sa pagsikip ng dibdib ikaw ay tumubo.
Ang pagtanging naganap ay bukod tangi at
mainit, tila isang pagsibol ng lagnat.
Pangalan mo ay pahirap sa aking lalamunan
daig pa likidong apoy sa matinding inuman.
Tila ako'y nawalan ng panlasa,
sapagkat napaibig sa irog ng masa.
Na-abisuhan man lamang sa idudulot na sakit
ng hamak at panandaliang pagkaakit.
Walang manggagamot ang nakakilala sa kaso
nitong nakakawalang-hiyang trangkaso.
Walang mabuting dinulot sa katawan:
sinumpaang pangangailangan lamang ng laman.
Nawa'y ang pagkalalin ay hindi nakahahawa
sapagkat sa ngayo'y mag-isang tumatawa
dahil sa pagtangkilik lamang ng mga alaala.
(Isa sa mga sintomas na talagang lumala.)
Sa kabila ng pagkilala na ito'y sakit lamang sa ulo;
ipinatili hanggang sa luha ay tumutulo.
Itinuloy ang pananabik sa tuwina,
kunwari ang gawain ay ligtas na bitamina.
Ang ibubunga ay malalaman lamang sa wakas
kung sasapat pa ba ang natitirang lakas
upang sugpuin ang delikadong damdamin
at ang sariling katinuan ay panatiliin.
Sa kabila nga ba ng mga dinanas,
may matatagpuan bang ganap na lunas?
Upang lahat ng aspeto'y manatiling malusog
at sa karapat-dapat na lamang ang loob ay mahulog?
Masakit na uri ng pangangalaga,
ang payapang makakamit ay mahalaga.
Wala lamang ito sa sapat na distansya;
kailangan rin ang pagpaparaya.
Jan 23, 2021
Jan 23, 2021 at 12:38 PM UTC
ilan pang mga paalam
at mga luha pa
na kailangan ko nang
tanggapin
sa pait nitong katotohanan
na syang humubog bilang
bago kong sarili
upang ako'y makausad na
rito sa bagong yugto
na aking buhay na hindi ko na
matatakasan pa?
bakit kay kagyat kang lumisan?
buhat ba nang ika'y iniwan?
'lam kong 'di mo tanggap ang lahat
at 'yong tamo, lihim **** sugat
bubura sa tamis **** kulay
at syang kikitil sa 'yong buhay
tangi **** handog sa 'king diwa:
ang iyong pambihirang luha
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 9:18 AM UTC
Isang magandang relasyon,
Gawa sa purong ilusyon,
Sa mundo ng makabagong henerasyon,
Bat hindi totohanin ang ilusyon?
Pagmamahal na huwad,
Ako'y naloko agad,
Dahil ika'y lubos na hinahangad,
Bat ganyan ang iyong personalidad?
Ika'y minahal ng sobra,
Sukli ay pagmamahal na basura,
Ako'y nakikipaglaban sa gera,
At ika'y na sa isang sulok nagbibilang ng pera.
Pambihirang pag-ibig yan,
Pag-ibig na kalokohan,
Ako'y nahihiya dahil ako'y ipinagpalit sa kayamanan,
Kaya't ika'y kinasusuklaman.
Oct 14, 2018
Oct 14, 2018 at 12:06 AM UTC
hindi matapos tapos
na pambihirang damdaming
hindi ulit maintindihan
sinuyod ko na noon ang pinakailalimlaliman
akala ko ay nabunot na ang tinik
at mga pag-aakala
nalulunod muli sa karagatan ng pagpapalagay
gusto ko nang magtagumpay
umaasa na ngayon
iba ang kahihinatnan
ngunit ako ay magigising lamang
sa malalim na pagkakahimlay
Aug 25, 2020
Aug 25, 2020 at 11:56 PM UTC