Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Natalia Molito Aug 2019
Sa dinami-rami ng mga tala sa kalangitan,
sa bilyung-bilyong bilang nilang hindi malaman,
sa paglubog ng araw at paglitaw ng buwan,
ikaw ang tanging bituin na nais kong masilayan.
Taltoy May 2017
Sapagkat ako'y bigo,
Bigo na mailarawan ng buo,
Di ko alam kung paano,
Sa palagay ko'y di tama ang masasabi ko.

Sabihin mo mang ako'y nagbibiro,
Sa kasamaang palad, ika'y mabibigo,
Dahil wala akong balak magpatawa,
Nasa tamang katinuan, alam ang tama.

Talagang may nagbago,
At namangha ako,
Alam na kong meron nga talaga,
Ngunit bakit huli na nang aking nakita?

Ako ba noo'y nakapikit?
Di ba kita natitigan kahit saglit?
Nasa ibang mundo ba ako?
Noong mga taong nagkasama tayo.

Bakit di ko agad napansin,
Kaya ngayon, di ko akalain,
Ang paglitaw ng iyong ganda,
Ginulantang ang aking mga mata.
A weird confession
Reign Apr 2018
Minsan napapaisip ako,
Bakit yung mga tauhan sa isang storya o palabas,
Ang bilis nilang mahanap yung taong para sakanila
Yung taong alam nilang bubuo sa buhay at storya nila

Piksyunado nga lang pala lahat,
Sa totoong buhay
Kailangan mo munang masaktan ng sobra
Bago dumating yung taong bubuo sayo at wawasak sayo

Madalas lagi akong naghihintay sa panahon na yon
Pero gaano nga ba kadalas ang lagi o minsan?
Araw araw, gabi gabi
O pagsikat ng araw at paglitaw ng buwan

Sa bagay bata pa naman ako
Marami pa akong pagdadaanan
At dadaanang dilim at pasakit galing sa iba
Pati na rin sa sarili ko

Kaso hindi ko talaga maiwasang malungkot
Araw araw kasi may bumubulong sakin
Bumubulong na "Tapusin mo na buhay mo"
"Wala namang nangyayari"

Hindi ko alam kung magpapatalo ba ako
Sa isang bulong
O ipapanalo ko yung laban na to
Dahil bigay to ng Diyos

Sana nga kayanin ko hanggang dulo
Sana magpakita na yung taong bubuo sakin
Kahit sa pansamantalang araw lang o buwan o taon
Para naman masabi ko sa sarili ko na minsan naging masaya rin ako.

— The End —