"paglaruan" poems
Sa labing-apat na araw na nakilala kita
Minahal ka ng buo
Puso'y napahinto, natulala
Dahan-dahang bumilis ang bawat pintig
At sa bawat pintig na ginagawa nito
Dala'y dugo na umaasang sana mahalin ako
Namumulang pisngi
Namumulang labi
At kagaya ng dugo sa katawan
Akoy pinaikot-ikot, ikot, ikot...
Hanggang sa maubos ang enerhiya
Na baon-baon mula ulo hanggang paa
At sa dahon ng saging ako ay ibinalot
Na parang betamax
Iniluwa ng hindi nasarapan
Ikinamuhi dahil sa lasa
'Di ko alam kung ako'y tanga o nagmamahal lamang
At kung alin man ako sa dalawa
Hindi na mahalaga dahil alam kong mahal kita
Sa labing-apat na araw na nakilala kita,
Pinaglaruan mo ako
At kagaya ng mga bata sa lansangan
Ako ay naging kalsada
At ikaw, ikaw ang trak
Na piniling di pansinin ang mga butas sa ibabaw ng dibdib
Dinaanan lang
Hinayaang bukas
Nakabilad sa araw
At sa pagbuhos ng ulan
Tinulungang lunurin ng tubig na may dalang putik
Sa labing-apat na araw na nakilala kita
Minahal ka ng buo
Nang walang halong pag-aalinlangan
Na di inisip kung mahal din ba ako o hindi
Pero sa ating munting panahon
Nalaman ko na ikaw ay isang relihiyon
Na piniling isantabi ang agham
At ako, kagaya ng lahat ng bagay sa mundo mo
Ay isang bersikulo lamang ng iyong bibliya
Na kung hindi maintindihan
Gagabayan ang sariling kamay
At ibubuklat ang mga kasunod na pahina
Mahal, sa labing-apat na araw na nakilala kita
Pagod na akong maging kalsada
Ayaw ko nang maging parte ng iyong bibliya
At higit sa lahat
Hindi ako ang iyong dugo
Na gagawing betamax at ibebenta
Kapalit sa kapirasong salapi
Mahal, hindi ako iyon
At ngayong tapos na ang labing apat na araw
Magiging mahalaga ako para sa akin
Nasaktan, nadurog
Pero noon 'yon!
Mula ngayon tatanggi na ako
Tatanggi akong masaktan
Tatanggi akong paglaruan
Tatanggi akong gamitin
At higit sa lahat tatanggihan na kita
Lilimutin ko ang iyong pagkatao gaya ng paglimot mo sa akin.
Masakit, pero kaya.
Matagal, pero kailangan.
Sep 13, 2015
Sep 13, 2015 at 12:17 AM UTC
Minahal mo ba talaga?
O naawa ka lng sa kanya?
Tinigil mo na nga,
Kaso umiyak sya,
nagbago yung isipan.
Binalikan ng walang dahilan.
Tapos ngayon ika'y nalilito,
Kung titigilan ba ang panloloko.
Kaya mo ba syang saktan ng buong buo.
Mawala lng yung nararamdaman niya sayo.
Isipin **** mabuti yung gagawin.
Hindi ba sya masasaktan pag ika'y aamin?
Malungkot, luluha sya ng di inaakala
Tingin mo ba ang gagawin mo ay tama?
Kung ikaw ay aking tatanungin.
Kakayanin mo bang magmahal ng iba ng palihim?
Hindi ba sya magagalit pag sya'y iyong paglaruan?
Yung tipong nahuhubog kayo sa kasiyahan.
Pero yung totoo, katotohanan ba yan?
Hanggang tawa na lng ba kayo
Wala na lng ba talagang mangbabago ?
Subukan **** sabihin yung totoo.
Baka maraming masusubukang bago
May 29, 2017
May 29, 2017 at 4:58 AM UTC
Nananahimik sa isang tabi
Hindi mapakali
Itinatanong sa sarili
Anong nangyari sa atin nitong huli
Bakit tila nagbago ang lahat?
Matamis **** pakikitungo noon,bakit biglang umalat?
Yung damdamin na dati'y nag-aalab,
Nagliliyab,
Biglang lumamig—
Mas malamig pa sa yelo
Na tila ibinuhos mo sa aking ulo
Kaya nga nagising ako—
Nagising ako sa katotohanang wala nga palang "TAYO"
Ang mayroon lang ay ang "IKAW AT AKO"
At ang pagkakaibigan na tanging maibibigay mo.
Tanggap ko naman yun.
Pero mahal,wag mo naman sana akong paglaruan,
Okay lang naman sakin yung mga kulita't biruan
Pero kung feelings na ang labanan,
Bro, ibang usapan na yan!
Alam Kong Hindi mo alam,
Kase hindi ka nagtatanong
Yung mga pakunwaring concern mo?
Hindi nakakatulong!
Nasasaktan lang ako.
Nasasaktan lang ako sa tuwing pinaparamdam mo ng ilang sandali
Pinaparamdam na mahalaga ako—kahit alam ko namang Hindi!l
Nasasaktan lang ako sa tuwing naaalala kong pampalipas-oras mo lang ako
Dahil wala kang magawa o offline na yung bagong ka-chat mo!
Nasasaktan lang ako sa tuwing nagtatanong ka "pano kung gusto kita?"
At susundan mo bigla ng mga katagang"oy,joke lang yun ah!"
Nasasaktan lang ako sa tuwing pinaparamdam **** nagseselos ka sa iba
Kahit alam ko sa sarili kong hindi naman talaga!
Kase hindi naman talaga!
Nasasaktan lang ako sa bawat pagpuna mo ng suot ko, ng ayos ko,ng itsura ko
O Kung bakit hindi maganda ang isang tulad ko!
Kase pinaparamdam mo saking Hindi ko siya kayang pantayan
Hindi ko siya mahihigitan!
Teka mahal—pinanganak ako para maging ako't Hindi para gayahin ang iba!
Pinanganak ako para sumaya,
Hindi para pakialaman ng tulad **** bida-bida!
Nasasaktan ako— sa tuwing binabanggit **** totoo ang lahat—
Na Hindi ka lang nagpapanggap,
Na Hindi ka nagkukunwaring may pakialam
Na Hindi ko lang batid,na Hindi ko lang alam,na hindi ko lang ramdam—
Na Totoo yung lahat ng pinapakita mo—
Na hindi ka nagbabalat kayo..
Pero naguguluhan ako,nalilito
Isip ko'y nagtatalo
Bakit ganito?
Mahal! Ano nga ba tayo??
Sagutin mo ako!
Ano bang meron sa mga biglaang pagpaparamdam mo?
Pagkatapos ay mawawala't iiwan ang mga tanong sa isip ko
Nakakatanga!
Pinaglalaruan mo na naman ako diba?
Mahal,please lang! Ayoko na!
Pagod na akong masaktan! Please maaawa ka!
Durog na durog na ang puso ko
Ilang beses ko pa ba kailangang mahulog nang walang sumasalo?
Ilang beses ka pa ba magbibigay ng motibo na baka gusto mo rin ako?
Ilang beses mo pang paaasahin ang puso ko?
Mahal, pagod na ako.
Pagod na akong masabihan ng "MARTYR ",ng "TANGA",
Kaya please lang,tama na!
Palayain mo na ako sa bitag na kinahulugan ko
Palayain mo na ako Sa bitag na nasa mga palad mo—
Palayain mo na ako mula sa bitag ng mapagkunwaring pag-ibig mo!
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:17 PM UTC
#120915
Hindi ko magawang itikom ang bibig
*Iniibig kita, pero inibig **** ako'y saktan.*
*Inibig **** ako'y paglaruan,*
Na tila baga tayo'y nagtatagu-taguan.
Hindi na tayo bata,
Na kapag ayaw mo na,
Itatapon mo na lang ang lahat.
Na kapag pagod ka na,
Mamamahinga ka na't
Tila ba wala nang pakialamanan.
Sabi mo, di ka katulad ng iba
Na pupuwede akong magtiwala sayo.
Ako'y nagpatuklaw sa isang ahas,
at lason siyang pag-ibig mo.
Tanong ko: minahal mo nga ba?
Tanong ko: sineryoso mo rin ba?
Sa dinami-raming tulang kinatha,
Damdamin ko'y nauubusan na ng salita,
Tila hinigop mo na lahat ng kataga,
Yung kahit sarili ko'y nakaligtaan na.
Bakit nga ba?
Kung sino pang tunay na nagmamahal,
Siya pang naiiwan sa ere,
Na tila baga walang gasolina ang nag-angkas sa kanya
Yung parang walang destinasyon,
Yung ibabagsak na lang.
Ayoko nang sumakay,
Pagkat nakamamatay.
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 8:17 AM UTC
May ka chat ka nag hi at nag wave pa
Ikaw naman 'tong si desperada mag ka jowa
Napapikit bigla at sabay sabing
Lord eto na ba?
At dali-daling dampot ng phone
Ma-replayan lang siya ng bongga
Hindi pa man nagiging kayo'y may call sign nanaman
Tulad lang yan sa una mong nakatawagan
Pero sa huli, di rin naman kayo nagtagal.
Kaya eto ka nanaman aasa
Aasa na baka eto na
Aasa na sana siya na
Aasa na baka sa huling pagkakataong ito ibigay na sa akin ng mahal na bathala ang aking mga dasal na sana dumating na siya
Pero tulad ng karamihan,sa una lang talaga masaya
Sa una lang siya magaling
Sa una kalang niya pakikiligin
Pero pag dating sa huli
Di ka rin naman niya iibigin.
Sabagay kasalanan mo rin nsman
Nag "hi" lang iniisip mo,may gusto na siya sayo
Binati kalang halos maihi ka na sa kilig
Binanatan kalang ng mga linyang "babe kain kana" iniisip mo mahalaga kana sa kanya
Hinawakan lang niya mga kamay mo
At sinabihan ng mga katagang "ikaw lang,walang iba" iniisip mo mahal kana
Di ko rin naman nilalahat
Pero mas madalas,mas tama pa yung kutob sa mga bagay na posibleng mangyari.
Kaya wag **** isisi lahat sa kanya,
Sa kanila
Kung nasaktan ka at nahulog ka sa kanya
Kasalanan mo rin naman,dahil nagpadala ka sa mga messages niyang puro pambobola na magpapaasa sayo ng sobra
Mga messages niyang magpapakilig sayo dahil alam niya na dun ka niya makukuha
Mga messages niyang walang kwenta
Pero aminin mo,kinilig ka
Mga messages niyang patuloy ka paring umaasa na baka? siguro? Totoo na
At sa mga messages niya na dahilan ng pagkalugmok mo sa kalungkutan na walang ibang nakaka alam kung gaano kasakit ang pagsabaying dibdibin sa iisang araw lang ang dalawang bagay ng iyong nararamdaman ngayon
Ang maiwan ng walang dahilan at
Masaktan ng wala kang anumang karapatan.
Ang maiwan ng walang dahilan dahil hindi mo naman siya naging pag-aari kailan man
At masaktan ng wala kang anumang karapat
Dahil kahit kailan hindi ka naman niya talaga minahal
Dahil pinaasa at pinasakay kalang
Dahil alam niyang dun ka bibigay
At dahil nagtagumpay siya,gagamitin niya itong armas para paglaruan ka
Kaya mag ingat ka sa mga mabulaklak na mga salita ng mga taong gagamitin ang iyong nadarama, sumaya lang sila.
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 7:52 AM UTC
Ilang beses bang dapat masaktan upang matauhan?
Ilang beses bang dapat masaktan upang ikay matutong sumuko sa laban?
Alam ko na ika’y sobra nang nasasaktan
pero bakit di mo parin siya magawang iwan?
Di ka naman bulag sa katotohanan
Pero bakit kaba nagtatanga-tangahan
Niloloko ka na nga nang harap harapan
Ikaw pari'y nabubulagbulagan
Hindi ka pa ba nagsasawang paulit-ulit msakatan?
Na palagi nalang ikaw ang luhaan?
Alam **** sa inyong dalawa ikaw lang ang lumalaban
Ngunit bakit baa yaw na ayaw mo siyang bitawan?
Gaano ba ka hirap sayo ang pag bitaw?
Sobrang hirap ba kaya di mo magawa?
Nasasaktan ka na nga
Durog na durog na nga ang puso mo't kaluluwa
Ngunit ang pagbitaw ay di mo parin magawa
Paulit ulit **** sinasabi “hayaan mo na”
Mahal na mahal ko siya kaya hindi ako susuko sa kanya”
Mahal na mahal mo siya kaya ka ba nagpapakatanga?
Kaya ka ba nagpapaka gaga?
Kaya **** isakripisyo lahat para sa kanya
Pinaglaban mo siya
Pero ikaw ni minsan di niya nagawang ipaglaban ka
Kaya tama na pwede ba?
Wag ka ng magpakatanga pa
Di ka sundalo na Lalaban kahit nasasaktan na’t sugatan
Hindi ka naman laruan pero bakit mo hinayaan na ikay kanyang paglaruan?
Wag mo nang hawakan kung sobra ka nang nasasaktan
Matutong bumitaw kung ikay sobra nang nahihirapan
Sep 14, 2021
Sep 14, 2021 at 9:07 AM UTC