Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
"Paalam na mahal." Yan ang huling katang narinig ko mula sa iyong bibig, ang mga salita na tila mga kutsilyong namutawi sa aking dibdib. Naalala ko ang araw ng ating pagtatapos, ang sabay nating pagsaksi sa takipsilim, ang unti-unting pag-angat ng buwan, at ang paglangoy ng mga bituin na tila mga isda sa ating paningin. Mahal. Oo, mahal pa rin kita, ikaw ang natatanging tama sa aking mga pagkakamali, ikaw ang rason sa likod ng mga bakit, ikaw ang ngayon sa tanong na kailan. Oo, ikaw, ikaw na minahal ko ng matagal na panahon at ngayon ay nilisan ang piling ko, sana nakinig na lang ako sa nanay ko, sana binuksan ko ang tenga ko para sa mga sermon ng ate ko, at sana nakita ko ang mga babala tungkol sayo. Ang tanga-tanga ko. Oo, ang bobo ko, sana nakinig na lang ako sa mga payo ng kaibigan ko.
Pusang Tahimik Feb 2019
Nakahigang pilit na nagmamasid
Sa madilim na apat na sulok ng silid
Ang sakit ay hindi pa rin lingid
Kahit na tiyak ang luhang nangingilid

Binabalot ng malamig na kalungkutan
Ang puso'ng di alam kung nahihirapan
Humahanap ng kumot sa isipan
Mainit na yakap sana'y masumpungan

Heto na nga at nalulunod na ako
At hininga'y kinakapos sa isipan ko
Pakiusap sana'y panaginip na lang ito
Sapagkat sa paglangoy pagod na ako

Isipan ay lubos akong pinahihirapan
Tila laging mayroong digmaan
Sa silid ng nakabibinging katahimikan
Ang isip ay matinding naglalaban

Sumapit na ang umaga
Ako'y wagi sa pakikibaka
Sa kalabang sariling likha
Ng isipang puno ng katha
JGA
Eugene Oct 2015
Doon sa amin;
kung saan ang mga bata'y nagsasaya,
nagpapaligsahan sa paglangoy,
sa sariwang batis at ilog sa aming nayon.

Doon sa amin;
kung saan ang mga binata'y nanghaharana,
nagbibigay respeto sa nakaugaliang panliligaw,
sa mga dalagang ramdam ang pagiging Maria Clara.

Doon sa amin;
kung saan ang mga matatanda'y,
nag-iinuman, sumasayaw, at kumakanta,
sumasabay sa mga tugtog na makaluma.

Doon sa amin;
kung saan tuwing sasapit ang linggo,
lahat ay gayak na gayak na,
upang pumunta't magdasal sa Poong pinagpala.

Doon sa amin may kasiyahan.
Doon sa amin may pagmamahalan
Doon sa amin may musikahan.
Doon sa amin, labis ang pagpapala.
Louise Feb 19
At oo naman,
oo nga naman;
dapat ay dahan-dahan...
kung hindi ay mabibigla.

Dapat ay hindi binibigla,
kung hindi ay madarama ang puwersa.

Dapat ay hindi pinupuwersa,
kung hindi ay hindi makakababa.

Dapat ay dahan-dahan...
kung hindi ay masasaktan.

sa pag-baba,
sa pagtalon,
sa paglangoy,
dahan-dahan...

sa pag-ibig,
sa pagsisid,
sa paghalik,
dahan-dahan lamang...
This poem is about freediving.
29 Ang ikalawang pagsubok ay pabilisan
Ng paglangoy mula dalampasigan

30 Ang mga lalaki na walo
Kailangang makuha ang bandilang ginto

31 Na nakatayo ng mga metrong labindalawa
Mula sa buhanging kinatatayuan nila

32 Mga banderang sa tubig nakalitaw
Na parang sa bangka’y mga paraw

33 Nakatusok ang patpat sa buhangin
Na mga paa’y aabot rin

34 Pangatlo si Agus na nakakuha
Malapit na sa dalampasigan ang una

35 Subalit kanyang ibinuhos lahat ng lakas
Naging pinakamabilis at nauna si Agus sa wakas.

-06/24/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 146

— The End —