Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
katrina paula May 2015
Marahil ito'y isang pagkamangha
Dahil nag-iiwan ka ng kuryosidad
Sa aking pag-iisip
(Di ko mailarawan,may pinupukaw ka sa'kin)
Subalit hindi...hindi ko kayang tanggapin
Na ito na nga'y pag-ibig, ni paghanga
(Pagka't panghahawakan ko ang tama)
Dahil tumitibok pa rin ang puso ko kahit wala ka
At patuloy pa rin akong nananaginip sa kalungkutan...
*m.a.
Jeremy Javier Sep 2015
Tumingin* si Kupidong hindi mapakali
Sa damdamin kong nag-aalab sa iyo.
Aking pagkamangha ng labis sa iyong mga
Mata na hindi makatingin sa akin. Sana
Magtapat ang naglalabang puwersa
Ng pagmamahal at pagkainis para ang
Nadarama ko sa iyo ay maibsan na.

'Di ba't nais mo na mawala ako; hindi ba't
Gustong-gusto mo na akong gumuho?
Ika'y torete na sa akin, alam ko 'yon. Kung
Mawala ako, mawawala ka na din
Dahil ako lang nagmahal sa'yo ng sobra.
Handa ka na ba mawala? Tignan mo sana
Akong nakaalis na sa iyong puder. Kung
Ibigin mo ako ng sobra at sumubok
Ka pumasok sa aking puso, makapapasok ka?

Kung papipiliin ka, ako o ang sarili mo?
Maging makasarili o subukang makabuo ng
Tayo? Ako'y pinipilit mo pa na bumalik
Sa'yo, sa'yong maliit na puder. Noon, simple
Lang ang nais ko, ibigin at umibig. Ngayon,
Ang pag-ibig ko'y may hangganan, ang
Puso ko'y napapagod. Pakawalan mo na
Ko at ang pag-ibig mo sa akin.

Silent inside the room, with darkness in the
Sanctuary, I sit here and try to seek you.
     (to alfia)
-J.J.
Nasaan ka, noong kailangan kita?
100221

Nauuna pa tayo sa mga alitaptap
Sa paggayak patungo sa dilim,
At doon sa papag ay sabay-sabay nating iitiklop
Ang ating mga paang napuno na ng alikabok
Para lamang mag-“indian sit.”

Ang ating mga halakhaka’y
Nagmistulang musikang humihele
Sa pandinig ng ating mga magulang
At ito’y mangingibabaw sa liblib na tahanang
Puno ng pagmamahal at pagmamalasakit.

Tunay ngang payak ang ating pamumuhay —
Tayo’y magsisilapit sa ginagawang liwanag ni Itay
Mag-uunahan na parang sigurado na kung sino ang taya,
Kung sino ang mag-aabot ng gas o posporo
Sa tuwing naisasambit ang mga salitang, “Nak, paabot.”

Nais sana nating hindi kumurap
Pagkat tayo’y nakatututok habang pinagmamasdan
Ang nagmimitsa’t nagniningas na apoy.
At ito ang liwanag na aasahan nating
Magbubuklod sa atin papalayo sa dilim
At magkukulob sa nasasakupan
Ng sinag ng ating mga paningin.

Hindi na natin alintana
Ang init na dumarampi sa ating mga balat
At tayo’y mapupuno ng pagkamangha
Sa liwanag na itinuring nating mahiwaga —
Mahiwaga sa ating mga matang
Walang ibang nais kundi magliwanag na.

Hindi na rin natin namalayan ang bawat segundong lumilipas,
Maging ang mga dahong kumukupas
Sa paghimlay nito sa ating mga paanan.
Panahon ay dumaraan ngunit hindi nang palihim;
At panahon din ang susukli
Sa mga alaalang nais nating manatili.
Brownout.. magrereklamo na rin sana ako kay PALECO pero bigla kong naalala noong kabataan namin. Mga panahong masaya kaming nanonood ng pagsindi ni Papa ng petromax.

— The End —