"pagkabalisa" poems
Sakdal-lungkot ang mga anak Mo, Inang Bayan;
Sinakop na, pinaslang pa'ng mumunti **** katarungan.
Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit—
At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit:
Utak ang puhunan sa di-maarok na mga pag-alsa, kahapon;
Ni hindi nabatid ang mga luha't pawis ang sa mukha'y nangaipon,
Sa gunita na lamang ba mabubungkal natin ang mga nangagdaan?
Kung ang mga salitang sa pluma't papel nalikha'y hindi napangalagaan—
Sa paglalakbay Mo, Pilipinas, sa lansangang walang hanggan,
Sana maya't maya'y lilipad ka rin muli sa abang kalawakan;
Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit—
At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit:
Pagkukunwari ma'y ni 'di Mo maitatago sa oras ng Iyong pagkabalisa,
Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan ang s'yang Iyong natamasa.
Samakat'wid — habang buhay pa si Rizal ngayon ay 'wag nating itatakwil
'Pagkat tayo'y paunti-unting nakakahinga dahil sa kanyang pluma't papel.
Oct 19, 2011
Oct 19, 2011 at 5:48 AM UTC
090716
Sa gunita na lamang ba mabubungkal ang mga nangagdaan?
Pagkat sakdal-lungkot at sisi ang mga anak Mo, Inang Bayan.
Inalipusta’t pinaslang pa, ang mumunti **** katarungan!
Maglakbay ka sa lansangang walang hanggan
Lilipad ka rin sa alapaaap at abang kalawakan.
Humiyak Ka hanggang sa rurok ng sukbo’t hinanakit
Siyang lunas na mabisa sa dusa’t himutok na pasakit.
Itaas Mo ang ang noong aliwalas,
Taglayin ang silahis ng dunong at sining;
Kumilos nang may pagbubuntong hininga’t Iyong lagutin
Ang gapos ng Iyong diwa’t kumukulog na damdamin.
Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan
Ang natamasa **** pagkabalisa
Buhat sa kurtinang manlulupig ng Liwanag.
Buhay pa si Rizal at hindi Ka itatakwil
Tayo’y hihinga pa’t hahabi sa pluma’t papel.
Sep 21, 2016
Sep 21, 2016 at 6:14 AM UTC
032217
Iniwasan kong tumingin sayo
At ginawa ang mga bagay sa paraan na alam ko.
Akala ko kakayanin ko,
Dahil tingin ko sa sarili ko: malakas ako.
Sa una'y naging maayos ang lahat
Na para bang ang taas ko kung lumipad.
Dahil ramdam ko sa aking mga palad
Ang ihip ng hangin at ang mga ulap.
Sinabayan ko ang ikot ng mundo
Sinubukan lahat anuman ang naisin ko:
Mga bagay na labag sa kalooban mo
Na di mo ninais na gagawin ko.
Ang taas na nga ng aking nalipad,
Malayo-layo na rin ang aking napad-pad.
Ngunit sa puso ko'y meron pa ring hanap-hanap
Siyang bagay na di pa rin natutupad.
Tingin ko'y kaya ko nga ang lahat --
Na kahit mag-isa'y lahat matutupad.
Ngunit sa taas ng aking narating, ako'y bumagsak
At nagtamo ng malaking sugat.
Nalunod ako sa dagat ng pagkatalo
Na akala ko kaya kong manalo.
Na kahit magisa lang ako,
Lahat ay kakayanin ko.
Kinain ako ng sarili kong mundo,
Ng paniniwala kong malakas ako.
Na kahit hindi ako tumingin sayo,
Lahat ng bagay ay makakamtan ko.
Ngunit sa kabila ng lahat ay nandyan ka pa rin,
Tinulungan akong tumayo mula sa pagkakadapa.
Ginamot ang sugat ng pagkabalisa,
Kahit na pinili kong lumakad mag-isa.
Hindi ko pala kaya nang wala ka,
Sa paniniwala sa sarili'y, ako'y naging tanga.
Na ang hinahanap ng puso ko'y nasayo lang pala,
Maraming salamat sa pagmamahal aking Ama.
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 11:06 AM UTC
kumusta, kaibigan?
halika't pakinggan
ang istoryang dapat **** malaman
sana ako'y iyong paniwalaan
dahil hindi ito kathang isip lamang
hindi ko alam kung kailan 'to nag-umpisa
ano, bakit, o paanong nangyari, limot ko na
bigla nalang nakaramdam ng lungkot at pagkabalisa
patagong pagtangis sa gabi'y aking iniinda
habang ako'y nakatulala sa tala
tinatanong ang mga bakit kay Bathala
may mga boses na nang-aabala
hindi makita-kita, sino kaya sila?
pagkagising sa umaga'y nariyan na naman sila
kasabay ng aking almusal ay ang prisensiya nila
ngunit meron akong naisip na ideya
sa wakas ay matatahimik na siya
sa paglubog ng araw sa kanyang kanlungan
kasunod nito ang paglaya ko sa bilangguan
ingay na naririnig, nawala na rin nang tuluyan
ngunit kasabay nito ang aking paglisan
kaibigan, sana'y iyong maunawaan
sa pagtatapos ng aking istorya
ako'y tunay na naging maligaya
ang aking buhay gumaan't guminhawa
kasabay nito ang pagtahimik nila
sa pagkupas ng aking larawan
kasabay ng pagpatak ng ulan
aagos ang lagaslas ng dalampasigan
at ako'y tutungo sa paraisong kalangitan
kaibigan, ako'y hindi lumisan sa mundo dahil ginusto ko
kundi para ito sa ikakatahimik ko
Jul 23, 2021
Jul 23, 2021 at 4:08 PM UTC
alam ko na sa simula,
dambulahang pasakit
naghihintay sa akin
sa unang araw ng sigwa
kalakip ang pagpapagal
s'yang hampas ng kalbaryo
doo'y hihimlay na lamang ako
sa mundo ng kabagalan
dahil alam ko na ang kahihinatnan
tatagal lamang, oras ng wakas
isang mahabang pagbabagtas
s'yang aking mararanasan
dahil pilay ang pugad naming kawan
gapang, gapang, gapang lamang...
hangga't may lupang matatapakan
hangga't may krudong susunugin
tanggap ko na ang lahat
aabutan ko din sa huli,
pagkagat ng dilim
huwag ko na lamang intindihin
upang maging manhid ang diwa
pagdapo man ng pagkabalisa
sakyan ko na lamang ito
bahala na sa kinabukasan ko
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 10:07 PM UTC
Sanay na sa tapang ng kape
Mapa-barako, cappuccino, espresso
Instant coffee, iced coffee o galing
Man yan sa vendo machine.
Wala nang bisa ang caffeine
Di na ramdam ang nerbyos,
Maski ang biglaang palpitations.
At hindi kompleto ang mga gabi
Kung walang ang init, mula sa
Tasang tangan, upang ibsan ang ginaw.
Saksi sa matang puyat
Sa mga gabing walang inspirasyon
Sa tuwing nagsusulat
Sapagkat ngayong gabi ay iba na
Ang dahilan ng patuloy na pagdilat
Di na kape ang dahilan ng kaba,
Ng pagbilis ng puso at paghinga.
Marahil nga ay mas malakas ang tama nya.
Dahilang kasabay ng pagkataranta
Ay ang tulo ng pawis mula sa likod ng tainga.
Sya na rin ang isinisigaw,
Sa bawat tintang ipinahid
Na nilangkapan ng maliliit na patak ng kape
Na nagmamantsa sa sinintang pahina.
Ang bawat piyesa ay may ibang kulay na.
Hindi pala kape ang gigising sa diwa,
At hindi rin ito ang magiging dahilan
Ng pagkabalisa, Sapagkat narito ka
Ikaw na nagbigay ng malakas na tama
Tamang kung minsan ay di na pala tama.
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 10:42 AM UTC
walang bago
sa naimbak na lumot
sa butas na alulod
tiyak ang emosyon
mata'y napupusyaw
pipikit saglit
lalamunin ng tugtog
ang bagyo
tahimik sa gitna
nakamamatay sa paligid
at hindi mo iyon batid
walang bahid
ng luha
walang pantay
ang kulay o paa
sa pagkabalisa
magkapatong
ang binti sa ginaw
walang tunog
ang hudyat
hindi mulat
ang bantay
walang tabing
sa hangin
walang pader
sa habagat
o bundok sa baha
walang ulila
o buhos na tila
inipong ragasa
pagtitimpi
lumot
na naimbak
lumikha ng buhay
ulan
Jul 18, 2018
Jul 18, 2018 at 7:21 AM UTC
at kung nababasa mo man 'to
o biglang maalala mo lang ako
tandaang lahat ng sinabi ko sayo
tungkol sa lungkot na sinabi mo
tungkol sa pagtrato sa iyo
ng sariling pamilya mo
dadaan lang yan
at lahat ng problema ay lilipas
pagtingin mo sa buwan
ang liwanag na gagabayan ka'y
patutulugin ka sa gabi
upang malimutan ang natapos na paghikbi
hanggang sa bukas ay kakayanin mo na muli
nandito lamang ang mga letra't salita
na handa kang damayan hanggang sa pagkabalisa
at pag-ngiti
kung nababasa mo man 'to
o maalala ang pangalan ko
totoo
Apr 1, 2020
Apr 1, 2020 at 9:18 AM UTC