Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pabango" poems
Ang babaeng maganda, alam ang kanyang hitsura. Pasimpleng tumitingin sa anumang pwedeng magsilbing salamin. Konting suklay, konting pulbo sa balat, ilang dampi ng pabango. Kung umiwas sa araw, parang bampirang malulusaw. Walang bakas ng pagod, kilala lamang ay lugod. Ang babaeng maganda, Prinsesa. Ang babaeng maganda, walang pinoproblema. Matayog ang lipad ng utak, daig pa si Icarus na nagkawatak ang pakpak. Hindi marunong tumingin sa daan, bahala ka nang mag-ingat, iwasan, huwag siyang tamaan. Gumuho man ang mundo, sa kanya lamang walang epekto. Dahil sa tulong ng lahat, naititiyak na hindi siya mamulat. Ganito ang babaeng maganda, nagmimistulang tanga. Ang babaeng maganda, puro na lang demanda. Walang labis, lahat kulang, kailangan laging nakalalamang. Kung nais magpahuli, pasensya ang hinihingi. Kapag nangunguna, “Pagbigyang daan ang Reyna!” Ito ang tama, ito ang dapat. Isinusuko ng lalaki ang lahat, para sa babaeng maganda. Walang-hiyang maldita. Ang babaeng maganda, bukod-tangi kung umasta. Bawat kilos, sukat mapaglihim, walang itinatapat. Walang kupas ang pag-ngingisi, sa likod ng maskara, naninisi. Damdaming kahapon, ‘di maasahang mananaig ngayon. Kay bilis maglaho ng pag-ibig. Kahit anong lirikong sawi, idinadaig ng babaeng maganda, na hindi marunong magtiwala. Mahirap magmahal ng babaeng maganda, dahil alam niya ang kanyang halaga. Mahirap magmahal ng babaeng maganda, pagka’t siya’y nag-aakalang walang ibang tulad niya. Mahirap magmahal ng babaeng maganda, kasi hindi niya alam kung paanong magmahal ng iba.
0
Jul 15, 2012
Jul 15, 2012 at 7:38 AM UTC
Mahirap Magmahal ng Babaeng Maganda (It's Difficult To Love A Beautiful Woman)

Continue reading...
60
Dumaan saglit sa bilihan ng damit Kahit sakto ang dala ay aking pinilit Pagkat pawis ay malala dahil mainit Sa pagkikitang ito lahat ay sulit. Sa harap ng salamin maiging sinipat Kung okay ang buhok at marapat Konting talsik ng pabango sa kwelyo Hindi muna ko maninigarilyo. Upang ako'y perpekto sa pagdating Lahat ay maayos sa iyong paningin, hinahanap hanap ang 'yong awitin Ng boses **** maliit ako'y bitin. Nagmamadali at baka mahuli Ayokong maghintay ka aking binibini Kahit hasel sa lahat basta dumating Sinira ang ipon para may pang sine. Kamusta ka na? Kumain ka na ba? Unti unting pinaplano ang sasabihin. Sa paglalakad ako'y napapaisip Ano ang uunahin, saan papupuntahin Sa di kalayuan aking nakita Maamo at maaliwalas **** mukha Sabay nagising sa katotohanan Sa noo ko ay biglang pinawisan. Nang biglang nauntog sa totoo Na ito ay panaginip lamang Hawak ang lakas ng loob Napalunok at parang.. Nabilaukan sa pagkakita Sa kamay **** may humawak Sa di bandang kalayuan Pumatak ang luha ng uwak At sabay bati ng kamusta Habang hagkan ka at yapos Ako ay kinakain ng sistema Ng matinding pagseselos At binalewala ang pagpapakilala Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan Sigaw ng puso'y nagaklas Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
0
May 23, 2016
May 23, 2016 at 8:51 AM UTC
Hasel
Hanggat maari ayaw ko pa sanang Iligpit ang mga pinggan at ilang kubyertos Na ginamit natin, ang damit **** Nakasampay sa ulunan ng higaan natin, Ang mga basyo ng lotion, shampoo, at Pabango na naiwan mo, lahat sila itinabi Ko, kasama ang damdamin kong binuo Mo sa maikling panahon na naglagi ka, Dito kung saan iniwan mo ako. Dumating na naman ang summer, at Heto ako, inaalala ang plinano nating Forever. Ang alon sa dalampisagan, Ang mga piraso ng batong inipon mo't Sinilid sa sisidlan ng tarheta, hanggang Ngayon binibilang-bilang ko pa, tila mga Patak Ng luha na hindi na titila. Ang dalawang Pirasong damit mo, ayun, nakasabit pa, Sa dingding na naging saksi sa mga Sandaling hiniram natin sa tag-araw. Dumating na naman ang summer, at Heto, ang dalampasigan, pinagmamasdan Ko, nagsasabing may forever...
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 9:05 AM UTC
WALANG FOREVER
"Bago yan ah" aniya ng makita ang converse kong pula. Wala eh, wala nako maisip para makuha ang antensyon mo, mapansin mo. Naubos nga lahat ng ipon ko para sa sapatos na to. Balita ko kasi mahilig ka daw sa kulay pula at nangongolekta ka daw ng mga branded na sapatos. Ako yung tipong hindi maganda namay porselanang kutis gaya ng iba. Hindi katangkaran, pero pwede nadin para sa isang kolehiyala. Walang bag na ang tatak ay Guess, At magagandang damit na galing sa Mall. Simple lang ako, laging may hawak na libro. Nalilimutan mag suklay dahil baka maiwan ng jeep papuntang terminal ng LRT. Hindi naliligo sa pabango na padala galing abrod. At higit sa lahat, hindi nag susuot ng ibang sapatos bukod sa pinag lumaan kong rubber shoes. "Converse yan diba?" Dagdag niya ng hindi ako sumagot sa pag pansin niya. Ang totoo ay hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam pano ibubuka ang mga bibig at sasagot ng "Oo, buti naman napansin mo". Wala ako lakas ng loob. Tanging pag tango nalang ng ulo ang  kilos na kayang gawin ng katawan ko. Kumaripas ako ng pag lakad papunta sa silya sa dulo ng masikip na klasrum. Nag simula ang klase. Hindi ako maka pokus sa sinasabi ng Prof patungkol sa "Theory of relativity" ni Einstein. Tumititig sa wall clock sa taas ng pisara na kinatatayuan ni Ma'am Montemayor. Sa wakas biglang tumunog ang bell na nag sasabing tapos na ang klase. Palabas na ako nang muli mo kong tawagin. "Hi, pwede ba ako sumabay sayo mag lakad papunta sa Math class?alam mo naman ayaw ni Sir. Henry ng late" pabiro **** sinabi. Wala nakong nasabi kundi ang mga katagang "Okay lang naman". Tinatago ang ngiti na gusto ng mag kumawala, habang nag iisip at nag papasalamat sa Converse kong Pula.
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 5:07 AM UTC
Converse na pula

26
sa pagbukas ng aking mga mata ikaw agad ang gusto kong makita sa umaga na gustong lunurin ng saya lunurin ng ikaw hinahanap ang nawalang "ikaw" nasaan ang "ikaw" nasaan kaba? kagabi lang katabi ka pero ngayon wala kana anung kalokohan to'? umupo ako at iniisip na ikaw ay umalis ng hindi nagpapaalam ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM? gumawa ako ng mainit na tsokolate na paborito natin inumin parati walang emosyon ang aking nararamdaman ang maliit na butas sa aking puso, na tinutusok ng kalungkutan ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM? sa pagbukas ng pinto ng ating aparador naisip ko na baka nagtago kalang para ako'y iyong gulatin handa sa kaba ng iyong hindi pag-alis sa aking pagbukas hinahanp kita hindi moko ginulat bakit hindi mo ako ginulat? hindi ka nagtago nasaan kaba? sinara ko ulit ang pintuan ng aparador niloloko ang sarili na ako'y gugulatin ulit sa pagbukas ko wala kapadin don hindi kapa din nagpapakita nakita kong nakasabit ang damit mo ang iyong amoy ang mahalimuyak na amoy ng paborito **** pabango na sana malanghap ko pa na sana malanghap ko pa ang amoy ng iyong pagdating nakita na kita sa letrato nating dalawa tinitignan ang ating mga imahe tinitignan ang ating mga ala-ala binabalikan kung anung meron pa takot bumitaw sa tadhanang biglang umayaw mga letratong tayo ay masaya tayo ay magkasama tayo na punong puno ng tawa nakita ko ang letrato na paborito nating dlawa pero ikaw hindi parin kita makita makikita pa kaya kita? hinanap kita nilibot ko ang bawat sulok pinuntahan ang dating tagpuan sinilip ang dilim ng kalungkutan binukas ang posibleng pinagtaguan hinahanap ka saan-saan tinanong ang mga tao sa lansangan hindi parin kita makita saan kaba tama na ang taguan magpakita kana lumabas kana sige na labas na ayoko nang magisa tinanggap ang katotohanang ikaw ay wala na na iniwan mokong walang ideya kung nasan ka saan kaba nagpunta? kung alam kolang na akoy iiwan mo edi sana ikinulong kita kung alam kolang na ikaw ay aalis edi sana ikinandado nalang kita sana sumulat ka manlang o kaya nagiwan ng ideya kung nasaan ka man habang ako nandito parin hinihintay ang iyong pagbabalik nakahiga sa kama nagpapahinga katabi ang mga unan mga basang unan na nilunod ng luha at iniisip ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:30 PM UTC
tula ni VJ: "umalis ng hindi nagpapaalam"

82
May mga bagay na ating hinango mula sa makikinis na tela, Nilagyan ng mga sariwa't  kakaibang mga pabango, Pinuno ng ginintuang mga pilak at diyamante. Tapos hinabi mula sa sapot ng nakalalasong gagamba, Habang dinidikitan ng mga perlas na mutya Ngunit maniwala ka sa aking sasabihin Na bawat telang makinis ay gagaspang rin. Ang iyong mga pabango't ginto ay nanakawin. Ang iyong hinabi ay maluluma rin, Kasama ng mga perlas na kailanman ay magniningning. Ito'y kung wala kang gagawin...
0
Feb 26, 2017
Feb 26, 2017 at 4:15 PM UTC
Kayamanan
sinampal ng reyalidad 'di tayo magka-edad eh ano naman? sambit ng rebelde basta 'wag ka ng manangis sayang ang agos ng ilog may pag gagamitan ka nyan ako'y malapit na pagmasdan, mas lumilinaw ang 'di sukat akalain unti-unting niyayapos ng panalangin na minsan magiging akin at tatawagin, sasabihin na itong 'di maipaliwanag natuklasan magyabang akin, tayo, sabay aaminin marahil marami nga sila makitid na lansangan tila mga pang-unawa nakahilera ang bawat tanong kasabay ay pagbugso ng ninanais huwag mag alala dalawa ang pag-ibig nakahain at naghihintay sa'yo kahit anong talinghaga sa ating paliwanag, tayo pa rin ang sampid gayong pahirapan ang pinagdaraanan, magkaiba pa rin ang batid ganito kapayak ang pag-ibig ko mahigpit na yapusan; araw araw simple at dalisay matagal namamatay kaya kahit nakakakapos hininga masaya na ako at naaninag ka
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 11:46 AM UTC
pabango ng iyong mga mata
Sa t'wing ika'y papalapit Ilong ko'y umiinit Please lang, kilikili mo'y **** ipit Pahinge nga ako ng sipit Ilong ko nalamang ang iiipit Dahil pati mata ko'y namimilipit
0
Aug 17, 2015
Aug 17, 2015 at 9:44 AM UTC
Magpalit ka nga ng pabango
ganon siguro talaga maaring may malimutan kang mga pangyayari ngunit hindi ang maliliit na detalye kulay ng bimpo amoy ng pabango kung paanong ang kamay mo'y pumulupot sa kamay ko tulo ng luha mo takot sa mata mo mga ngiting minahal ko boses mo at matatamis na mga yakap mo na bumubuo ng isang malaking pangyayari sa buhay ko ngayon na kada pikit may sakit bawat sambit ng pangalan mo ay may kakabit na pagkasawi dahil ang mga maliliit na detalyeng ito ay nakatago sa isipan naka ukit sa puso dumadaloy sa dugo at hindi kailanman maalis kahit pa gaano ka liit ang mga detalye
0
Oct 20, 2019
Oct 20, 2019 at 10:01 AM UTC
detalye
Mayo 2015 – Ika-1 ng buwang ito, Smokers’ Night sa Crim. na departamento Unang pagtatagpo na may pagsuyo Pagkain, damit at pabango Ika-25 na petsa, may kambal na okasyon ang TED sa tuwina ASEAN Symposium at Lit. Day na pambata Sa tula ipinahayag ang nadarama sa tagalitrato ng programa! -11/11/2015 (Dumarao) *1st MiJo poem
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:39 PM UTC
Mayo 2015 ng MiJo