Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
jerely Jul 2023
Ito ay sana.
Sana nandito ka sa aking tabi para marinig mo ang mga pahina sa aking boses na nangingibabaw.

Mga letra sa mga sumusunod na bukas. Oo may bukas pang pahintuin ang mga sandaling kay tagal kang hinintay.

Sa mga umaasa pa na may tayo pa.
Kahit sandali lang, alam kong may oras na tumatakbo sa isipan mo, at yun ay maging tayo o hindi.

Sana naging mainap ako sa ating dalawa.
Sana nilubos lubos ko ang mga sandaling kapiling ka.

At sana hindi ako maubusan ng mga sana.
Subalit hanggang dito na lang ang ating paglalakbay.
@jerelii
Copyright
July 10,2023
Gothboy Feb 2020
Hinayaan ang sariling anurin nang oras
Hinayaan ang puso mag hilom ang butas
Hinahayaan ko nalang sarili ko
wala din naman may pake
Paka hulog nalang sa bangin
paka lunod sa dagat
masakit iwan lamat
parang nag luhod sa asin

Gustong harapin ang problema
pero baka di pwedi
Ang problema kasi ang sarili

Lulutasin sana
Tatapusin sa isang bala

Inom nang lason sana isahaan akoy bulagta
ikakamatay palang lason yung lason na salita

Salitang binitawan
mga tao sa paligid
Di ko maiwasan
mga taong mapili

Mga perpekto
Gustong itama matagal nang tama
kunting mali mo lang
masakit na salita sayo tatama

Kaya mas mabuti pang patayin mabilisan saksak O baril sa mukha
kesa patayin dahan dahan sa masamang salita.
kahel Jan 2020
Hindi sa wala akong masabi.
Hindi sa wala akong alam.
Hindi sa wala akong pakialam.
Hindi sa 'di kita mahal.
Hindi sa ‘di ako lumaban.
Sa totoo lang,
Hindi lang naman Ikaw ang may mga katanungan,
Ako din, mas madami pa nga ata.
Ngunit 'di ko alam saan 'to hahanapin,
Saan ko 'to pupulutin,
Paano ko ‘to matututunan,
Basang basa na ang aking unan,
Ubos na din ang alak at pulutan,
Pero isa lang ang nasisigurado ko,
Dahil alam ko,
Na ang pupuna dito sa kalungkutan,
Sa bawat oras na nagkagipitan,
Sa pagmamahal na kakulangan,
Ay Ikaw, Alam kong Ikaw,
Na sa'yo ko pa rin makikita
ang tamang kasagutan.
Magsusulat ako hangga't maghilom itong naiwan **** sugat.
Apple Mae Aug 2020
Isang bukod tanging espasyong maaliwalas,
Kung saan dito ako nagkamalas-malas.
Madalas ako ay napapabulong,
Hanggang kelan ako makukulong.

Aminadong dito sa loob ay nahihirapan,
Sapagkat sarili ang kalaban.
Malalim ang iniisip,
Sa maliit na bintana’y napapasilip.

Kalayaan kaya’y makakamit?
O pag-asa ay ipagkait.
Mga pangarap ang siyang naibaon,
Mga oras at panahon ang siyang naitapon.

Ngunit hindi rito matatapos
Kahit na ako’y nakagapos
Sapagkat naniniwala ako na may Diyos,
Na tutulong upang pighati’y ang siyang matapos.
para sa mga nawawalan ng pag-asa
cj Jul 2019
sa oras na sa kasiyahan ay gipit
hahawakan ang pluma
na ang kapit
ay mas mahigpit sa bigti
Johnny Noiπ Jul 2018
la·bi·a
ˈlābēə/ noun
  plural noun: *****
1.       ANATOMY         the inner and outer folds of the *****,
at either side of the ******.
2. [                         ] plural form of labium.
la·bi·um
ˈlābēəm/noun/                plural noun: *****
1. [                                 ] ENTOMOLOGY
a fused mouth       part that forms the floor
of the mouth of an insect.
2.          BOTANY
the lower lip                    of the flower of a plant of the mint family.
late 16th century (in the general sense ‘lip,
liplike structure’): from Latin, ‘lip’;            related to labrum.
***** to    la·brum
ˈlābrəm,ˈlabrəm/                                          ZOOLOGY
noun: labrum; plural noun: labra
a structure corresponding to a lip,
       especially                   the upper border of the mouth
          parts of a                 crustacean or insect.
early 18th century: from   Latin, literally ‘lip’;
related to labium.                 ****·o·ris ˈklidərəs/noun: *******;
                                        plural noun: clitorises
                                        a small sensitive    & erectile
       part of the female genitals
at the anterior    end of the *****;
early 17th century: modern Latin,
                         [vul·vaˈvəlvə/
                          ANATOMY
noun: *****; plural noun: vulvas
the female external genitals.
ZOOLOGY     the external opening of the ******
or reproductive             tract in a female mammal
or nematode. late Middle English:
from Latin, literally ‘womb.’
          from Greek kleitoris

u begin w/      ur ****
& end in ur  coccyx

The coccyx             is a triangular
arrangement           of bone that
makes up the          very bottom
portion of the          spine below
the sacrum.            It represents a
vestigial tail,         hence the
common term        tailbone.
Rekusasu Jan 2020
Oo, alam ko
Alam ko na hindi ako tulad ng ibang tao na paglalaanan mo ng oras mo
Kasi sino nga ba naman ako?
Para sayangin ang oras na iyong binubuo.

Alam ko na hindi ako yung para sa'yo
Alam ko na hindi pwede maging tayo
Alam ko na hindi para sa'yo ang isang "ako".
Bea Pineda May 2020
Lumipas ang oras, araw, linggo, taon
tila sa puso’y wala ng nakabaon
Iniisip na, okay na siguro ako
Nakalimutan na niya siguro ako.

Dumating ang araw na pinakainiiwasan ko,
Ang maalala mo ko muli,
Biglang umilaw ang cellphone ko,
Ikaw na naman ang nakita ko.

Nagulumihanan ako,
Litong lito,
Sa kung ano dapat ang mararamdaman ko
Pero sinabi ko sa sarili ko,
Tama na,
Paulit ulit na,
Tila parang nag-iikutan lang tayo ng walang katapusan

Gustong gusto kong sagutin ang mensahe mo
Ngunit sino na naman ang makakalimutan ko
Sino na naman ang mapapabayaan ko
Sino na naman ang papahirapan ko

Nagpasya ako,
Tama na,
Huli na ito,
Di na ko mahalaga sa iyo,

Tinitigan ko nalang ang mensahe mo.
Pero wala ng kasunod pagkatapos noon.
Dahil alam ko sa sarili ko na,
Ginagamit mo lang ako kung kailan mo gusto.

Pero kahit anong gawin ko,
Di ko maitatanggi sa sarili ko
Na hinihintay pa rin kita,
Sana makita mo halaga ko sayo
Na kahit hindi na tayo mag-usap at magkita

Mumultuhin ka pa rin ng mga alaala ko
At makikita mo pa rin ako sa kahit sinong babaeng ipalit mo.
Kurtlopez Aug 2023
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam".

Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala.

Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na.

Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas.

Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin.

Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito.

Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Kailan kaya ako magiging destinasyon?
Prince Allival Mar 2021
Balang araw,
Biglang babagal ang paglakad ng oras
Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas
Aawit ang mga langay-langayan
At luluha ang kalangitan

Luhang hatid ng matinding galak
Sa wakas ay wala ng iiyak
Dahil natapos na ang panaginip
Salamat at hindi ka nainip

Maraming istorya ang nais kong sabihin
Inipon kong lahat para sa'yong pagdating
Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay
Kung paano kita hinintay

Sa sandaling tayo'y magtagpo
Doon lamang magiging perpekto ang mundo
Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso
Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo

Sana nga bukas kapiling ko na ikaw
Sana nga bukas na ang ating Balang araw.
012025

Paanong ang mga bulalakaw
Ay kusang nagpapaubaya?
Mahuhulog sa lalim ng gabi
Dawit ang liwanag nitong taglay.

Sumapit ang ika-dalawampu ng unang buwan
At pumipisan pa rin ang mga mata
Sa lilim ng Kanyang kagandahan.
Ang yaman ng pag-ibig ay bukas sa lahat,
Sa palad Niya’y kakapit pa rin
Maging ang may tangan ng mga sandata.

Sa wakas at hindi na muling mauubusan pa
Ng hininga ang gabing walang himpil sa paghikbi.
Hindi na muling pipikit at hahawi sa dilim
Na nagbabakasakaling masaklawan nito
Ang Ilaw na papawi sa kanyang pagkabulag.

Ilalantad na ang sarili
Na para bang ito na ang huling paghinga.
Hindi na iaantala ang panahon,
Ngayo’y oras ay hindi na kalaban pa —
Ngayon ang tugon nya‘y “oo”
Pagkat ang bukas ay wala nang pahina.
Clara Mar 2022
At noong una kong makita ang katawan **** maputla at malamig,
Noong ang suot mo'y mga sugat imbis na alahas at palamuti,
Bala't mga bubog imbis na hikaw na pilak,
Mga pasa't bugbog imbis na koloreteng mas mapula pa sa mamahaling alak,

Kasama ang papel na hawak mo sa iyong kaliwang kamay na nagsasabi,
"Walang salitang lalabas sa iyong mga labi,
Ikaw, ako, at ang siyang oras na nalalabi,
Ang katotohanan ay nakatago sa aking labi,"

Ngunit sa ngayon,
Ang kamay mo'y buhangin,
Na sa lalong paghigpit ng aking pagkakabigkis,
Ay mas lalong nauubos at umaalis,

At sa pangalawang pagkakataon,
Kapag ang mga mata'y muling nagkita,
Ang mga daliri'y hindi na isasarado,
Hindi na hahayaan na kahit isang butil ng buhangin ay malaglag mula sa aking mga palad,

Pero sa ngayong tinitignan kita,
Kahit pa na wala akong makita kundi itim at asul,
At ang mga mantsa ng luhang naging dugo sa kakamakaawa,
Mas lalo kang gumaganda,
At sana,
Pati ang langit makita ka.
The poem was written in 2019 as an entry for the writing committee in a college theater organization. It was written during the height of the EJKs in the country.
Aphrodite Jun 2020
Sa dinami-rami ng taong makikilala mo,
Doon ka pa nahulog sa taong hindi ka gusto,
Sa taong akala mo ay totoo,
Sa taong nangakong pag-ibig ay 'di magbabago,
Sa taong nangakong walang iwanan,
pero bigla na lang naglaho't lumisan.

Sa bawat araw na nagdaan, siya ay napapanaginipan,
Sa bawat segundo't minutong lumilipas, hinihiling na sana siya ay makapiling,
Sa bawat oras na 'di palagian , siya  ang gustong makasama,
Ngunit huli na, kasi masaya na siya sa iba.

Para sa taong nang-iwan, sana masaya ka,
Na kahit gaano kasakit,
Mas pipiliin ko pa rin na makita ang iyong mga ngiti,
Ngiting siya ang dahilan at hindi ako.
Eindeinne Moon Aug 2023
Mananatili akong sa’yo hanggang dulo
Kung hindi man maging tayo,
Hanggang sa huli
Kahit ang Panginoon, ang mga tala at buwan sa kalangitan ang saksi;

At hindi ko kailanman maikubli
Kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo.

Mananatili akong sa’yo, sa mga oras na kailangan mo ako
Sa mga araw na wala kang masasandalan
Ako ang kanlungan mo
Ang iyong maaasahan

Mananatili sa iyong tabi
Kahit sa mga gabing hindi ka mapakali,
Sa’yo lang ako naging sigurado
Sa’yo lang ako naging kuntento,

Mananatiling sa’yo
Sa’yo hanggang dulo;

Pero hindi payapa ang aking mundo kung wala ka
Mahal, ikaw ang aking pahinga, ang aking payapa,
Sa mga panahong ako ay pagod at gustong mapag-isa
Sa iyong piling, ikaw ang aking tahanan

Ikaw ang aking magpakailanman
Ang aking tahanan
Ang aking masasandalan
Ikaw at ako’y nasa kanluran

Ang iyong mga kamay ang aking gustong hawakan
Ang iyong tinig ang aking gustong marinig
Ikaw ang aking kasiyahan sa mga araw na ako ay nalulumbay;
At ikaw lamang ang aking mamahalin habangbuhay.

Hindi kita papalitan
Hindi kita bibitiwan,
Hindi kita susukuan
Mananatili akong sa’yo,

Hindi kita iiwan
Dahil ikaw ang aking ligaya,
Ikaw lamang ang nag-iisa
Mananatili akong sa’yo.

Huwag kang mag-alala
Hindi ako mawawala;
Sasamahan kita kahit saan man tayo mapunta
Basta’t ikaw ang aking kasama.

Ikaw ang natatangi
Ang kailanman na hindi ko kayang itanggi,
Ikaw at ako’y isinulat sa mga bituin sa kalangitan
At dahil sa ating wagas na pagmamahalan;

Hindi kita ikakahiya
Ipagsisigawan sa buong mundo
Kung gaano kita kamahal sinta
At dahil ang puso ko’y sa’yo.
Eindeinne Moon Aug 2023
Lumalalim na ang gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Ikaw lamang ang nais kong makatabi
At ang aking gustong makapiling
Oh, paligaw-ligaw tingin
Ikaw lamang ang tanging minimithi

Ayoko munang umuwi
Dito ka muna sa aking tabi
Ayoko nang sa iyo ay mawalay pa
Huwag mo na akong iwan pa

Huwag muna tayong umuwi
Kay sarap pagmasdan ng buwan ngayong gabi
Hawak ang iyong kamay at lasap ang preskong hangin
Ngayo'y nadinig na aking panalangin

Kay sarap pagmasdan ng mga tala
Singkislap ng iyong mga mata
Hawakan mo lamang ang aking kamay
At tayo ay nakatingala sa alapaap
Ikaw lamang ang aking sinisinta, aking pinapangarap
Ang aking minahal ng tunay

Sapagkat hanap ng puso ko'y ikaw
At wala nang iba pa
Dahil mahal kang talaga
Ibubuhos lahat ng pagmamahal at oras sa iyo
Habang ako ay nandito pa sa mundong ibabaw
Ako ay nangungulila sa tuwing tayo ay magkalayo

Sa iyo lamang ako uuwi
Sa iyo lamang ako mananatili
Ikaw lamang ang aking nag-iisang, sinisinta
Yhinyhin Tan Jan 2024
Totoo nga ang sinasabi nila.

Na kapag umiibig, ang mga mata ay hindi nakakakita.

Dahil puso, puso ang siyang nagmamagaling at namamahala.

Na kahit ilang beses ka na niyang pinaluha, ang huling mutawi pa rin ay ang patawarin siya.

Isip tuloy nagsisimula nang kumontra, "Hanggang kailan?" aniya.

Ngunit ang malambuting puso, ang oras at wakas ay wala sa bokabolaryo niya.

"Digmaang malamig" ni Yhin
1182024854am
Cold ward
RJ Arcamo Sep 2019
Nung nakilala kita ligaya'y umapaw
Di maitago ngiti sa araw-araw
Bawat pag-uusap natin ay damang-dama
Puso'y sumisigaw sa tuwing ika'y kasama

Walang oras na di kita inisip
Tila di na nais pang maidlip
Ngunit napagtanto kong ako'y mali
Nang malaman kong di ako ang napili

Pag-ibig mo'y laan sa nakaraan
Di sakin na nasa iyong harapan
Lungkot at sakit pumalit sa saya
Nung panahong ika'y aking naging akala.
Gumising ako ng may sigla
Lumipas na ang mga oras
Ang saya na dala ko ng umaga
Tila kumilimlim nung tanghalian

Takot akong mamatay
Pero takot din akong magpakamatay
bakit wala pa din akong sagot
sa mga
hi da s Jun 2021
ando sentada sozinha agora e racionalizando as emoções
tentando organizar como faço com a parte sólida da vida ao redor
e teimosa do jeito que sou não assumo a verdade doentia do controle total de se estar dominante na operação

então pra fluir tem que ser como?
oras, livre, é óbvio

sentimentos e emoções não tem coleira
não são domesticáveis e só vem quando querem

pra sentir pura e vividamente ou pra falar a respeito, usar o termo na sua mais pura integridade artística, moral ou seja lá qual for
é preciso deixar correr livre
como pensar que o peito é um campo ou um matagal alto ou uma praia extensa e existe uma coisa que tem corpo pra pernar à toa

sem julgar e sem medir

e é assim que se usa essa coisa do sentir
que é se deixar levar quando tirar a peça que do raciocinio

não tem lógica

é tudo emvãova~voa~voa~voa~voavõavãoa~voa~vão
Kurtlopez May 2023
Gawin mo'kong pang-apat sa 'yong mga prayoridad; sarili, pamilya at pangarap.

Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipag-agawan ng puwesto sa mga bagay na nararapat **** unahin, bagkus ay susuportahan kita at kung dumating man yung araw na kailangan mo munang lumayo upang abutin ang iyong mga pangarap—ihahatid kita.

Hihintayin kita.

Naniniwala akong may tamang oras na nakalaan para sa'tin ang mundo kung kaya't hindi na muna ipipilit ang mga bagay na hindi pa napapanahon.

Darating din tayo dun.

Kapag tama na ang panahon.
Kapag sumang-ayon na ang pagkakataon.
Haizel Gacias Mar 2021
Ilang araw at buwan na ang nagdaan,
Ilang oras na ang lumipas...
Ilang gabi na ang aking nasilayan,
Sana, okay na ang lahat bukas.

Pagpikit ng aking mga mata,
Mukha mo ang aking nakikita.
Paano kita malilimot kung pati sa pagtulog ay nakikita ka?
Paano kita malilimot kung pati sa panaginip ay dumadalaw ka?

Oo, akin nang aaminin.
Hindi pa rin kita magawang limutin.
Sapagkat iyong mga salita ay naka-ukit na.
Sapagkat iyong larawan ay nakapaskil na.

Ikaw pa rin ang nasa isip at puso ko.
Ikaw pa rin ang dahilan ng mga ngiti sa labi ko.
Ikaw pa rin ang dahilan sa bawat gising sa umaga.
Ikaw lang at wala nang iba.
to the one who broked my heart
-
Hindi kita matitigan,
kasi alam kong sa oras na nilingon kita,
iiyak ako, magmamakaawa, magtatanong nang paulit-ulit:
kung saan ako nagkulang; anong pwede kong gawin; pa'no 'ko makakatulong; hanggang kailan ako maghihintay;
pwede bang 'wag kang umalis?

Hindi kita tinitigan, pero hindi ko maiwasang itanong:
kung sa mga taon na lumipas, ito ba ang dahilan kung
bakit hindi mo na 'ko matitigan,
kung bakit laging kulang sa oras,
kung bakit laging huli ako sa listahan ng mga prayoridad mo sa buhay,
kung bakit hindi na kita napapatawa;
kung bakit kapag tinatanong kita kung masaya ka, sinasabi **** "hindi ko na yan iniisip"

Sobrang daming tanong na nabalewala nang tinanong kita:
"hiwalay na tayo?" at sinagot mo nang:
"sa ngayon."

dalawang salitang pinanghahawakan at pilit kong binibitawan.
Kurtlopez May 2023
"Gusto kita"

Oo gusto kita diko alam san ba 'to nag simula.
Basta nagulat na lang ako isang araw na, boom! Gusto na kita.
Gusto kang makita, gusto kang maka usap, gusto kang makabiruan sa bawat oras.
Gusto ko rin sana mapansin mo,
Pero pano kung sa lahat nang mga sinasabi ko, babarahin mo lang ako.
Kaya dinadaan ko na lang sa biro ang lahat, nang sa ganon mapatawa parin kita kahit na simple at totoong paraan.

Gusto kitang kitain pero paano Kung hanggang magkaibigan lang?
Xuji Ashura Jan 4
Ang panahong itoy babalik pa ba? tanong ko muli
Huling salitang iniwan sa taong iniibig
''Oo maghintay ka lang''
sabi niya pabalik
Saad niyang aki'y ikinananabik
Hihintayin ang tamang panahon na ito na muling magbalik,
Ako'y umaasa at nag hihintay
Nag aabang sa oras na tayo'y muling maglalakbay,
Umaasang matutupad mo ang iyong pangako
Nang di masayang itong oras ko,
Nalulungkot ng ika'y umalis
Kahit sa ikabubuti natin itong nais,
Ilang pahina na ang nasayang
Para sa panahon nating gayon din ay nasasayang,
Aking hiling bago mag tapos ang pahina ng buhay ng libro ko
Ay sana'y bumalik ka at mahalin mo ulit ako.

— The End —