Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"oktubre" poems
Natakot ako noong araw Na nagising ako At naramdaman ko ang kabog ng puso ko Parang iba na ata Ang sinasabi nito Hulyo noong nangyari ito Ngunit Oktubre na nang aminin sa sarili Ang matagal nang ikinubling damdamin Dahil nakakatakot Nakakatakot ang mahulog Para sa isang taong hindi naka-abang Upang ika'y saluhin Nakakatakot malunod Sa lalim ng iyong mga mata Na baka hindi na makabalik pa At maiwang nag-iisa Nakakatakot sabihin Ang damdaming itinanggi Dahil baka di pakinggan At tuluyan nang iwasan Natakot ako pero sumugal ako ‘Di na ata kakayanin pang itago ito Ngunit matapos ang lahat Tama nga ako Tama nga ang paulit-ulit na sinabi sa sarili Hindi na dapat Bakit nahulog pa Bakit nalunod pa Bakit sinabi pa Sana tinago ko nalang Mas nakakatakot pala Nang tuluyang mawala ka
0
Jan 19, 2016
Jan 19, 2016 at 6:41 AM UTC
Pagpapanggap
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan, Enero, Pebrero, Marso ng kabataan Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam balatkayong pinasikip ng mga agam-agam mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham sa yungib ng pipíng isipan. Sa pagtalikód ko’y hiniwa ng balaraw ng panghihinayang ang banig na naidlip saglit sa magdamag na paglalamay banig na nilala ng mga dekada mula sa mga hibla ng pagsusumikap. Paalam, kaibigang nabingi sa tawag ng luho Walang alinlangang maririnig mo rin ang tibok at bulong ng puso Ninais ko sanang samahan mo ako at ating anihin ang mga uhay na mula sa binhing ipinunla sa mga alapaap. Ninais kong lasapin ang matamis na bunga, pinahinog ng tiyaga at patuloy na pag-asa. Subalit dagtang makapit, luhang mapait, kumikirot ang lupa sa patak ng namuong dugo ng bayaning nagbuwis ng sariling pagsuyo. Kikitlin ng Nobyembre ang bawat naiwang himaymay sa lamig ng yakap ng amihan - akala’y dakila ang dayuhang niyebe. Mamamaluktot muli sa maigsing kumot hanggang sa magising sa aguinaldo ng Disyembre at pagpasok na naman ng Bagong Taon walang kamatayang panahon aasa na naman sa **** na iba ang pangako at iba ang tugon sa dalangin at maraming tanong Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 1:31 AM UTC
Oktubre
Nadudual, nahihilo, walang gana kumain, walang gana gumalaw at gumawa ng pagbabago May motibo pero mabilis ding sumusuko nilalamig, nanginginig, nakatulala, kumukulo na ang sikmura Ibang-iba sa panlabas na anyong ipinapakita katahimikan, kasiyahan, kalituhan, sigaw ng pusong uhaw makakamit kaya lahat bago pumanaw? ika-29 ng Oktubre Nakaligtaan ang lihim na pagkakamali may oras pa bago maputulan ng tubig
0
Nov 29, 2022
Nov 29, 2022 at 10:00 PM UTC
Luha ng Ligaw na Kaluluwang Kailanma'y 'di Makikita (Filipino)
Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang buwan Agosto, ako'y sigurado na hindi sayo titibok ang puso Ngunit pagsapit ng Setyembre, damdami'y biglang nagbago Ngayon lang ba natanto na noong Hulyo pa napukaw ang damdamin? Sa pag-iingat sa aking puso ay tuluyan na ngang nahulog Bigla na lang natakot na sa'kin ay ika'y mawala Kaya nama'y walang ‘sing tamis ang ating pag-iibigan pagdating ng Oktubre Kahit nagtatalo ay mas nangibabaw ang pagmamahalan Subalit lalo lang lumala at nagkalabuan noong Nobyembre Ako'y nakapagsulat ng tula para sa'yo, mahal ‘Yon nga ba ang nagsalba sa ating dalawa? Disyembre, alam kong pagod ka na Gayunpaman ay pilit kong diniligan ang ating nalalantang pagsinta Ngunit imbis na diligan ay aking binuhusan kaya naman ika'y nalunod At nang ating salubungin ang bagong taon, ako nga'y tuluyan **** binitawan Hindi na sinuyo, wala ng paramdam Masyadong mabilis ang mga pangyayari ‘Di malaman kung saan gusto bumalik— noong Hunyo bago sa'yo'y nagkagusto upang pigilan nang mas maaga ang nararamdaman o Disyembre upang maitama ang aking pagkakamali Hindi naman inaakala na ganito magtatapos noong tayo'y magkalapit noong Abril Hindi na ba tayo masasalba ng aking tula sa pangalawang pagkakataon? Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang linggo Marahil ay iyong pinagpatuloy ang iyong paglakbay Habang ako'y nanatili sa lugar kung sa'n ako'y iyong iniwan
0
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 4:01 AM UTC
Sa Loob ng Isang Buwan
Nakahiga lamang sa sahig, Lunod sa himig ni Shirley. Tamang medley sa gabi, Sa pagsapit ng umaga ay nananabik. Pinaalala sakin ang iyong mga ngiti, Lalo na yaong mapupulang pisngi. Bakas na bakas sa labi ang hikbi, Nang aking balikan ang lahat ng aking pagkakamali. Nakakalungkot lamang isipin, Kung paano nawala ang ating pagtingin. Noong sandaling nag iba ang ihip ng hangin, Bakit hindi kita nagawang sagipin.
0
Oct 8, 2019
Oct 8, 2019 at 3:01 PM UTC
Ika-Siyam ng Oktubre.