Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2019
Nakahiga lamang sa sahig,
Lunod sa himig ni Shirley.
Tamang medley sa gabi,
Sa pagsapit ng umaga ay nananabik.

Pinaalala sakin ang iyong mga ngiti,
Lalo na yaong mapupulang pisngi.
Bakas na bakas sa labi ang hikbi,
Nang aking balikan ang lahat ng aking pagkakamali.

Nakakalungkot lamang isipin,
Kung paano nawala ang ating pagtingin.
Noong sandaling nag iba ang ihip ng hangin,
Bakit hindi kita nagawang sagipin.
October 9, 2019 - 02:57

Lumabas si George sa memories ko sa Facebook. Nagbasa ako ng lumang messages. Narealize ko na sobrang mali ng nagawa ko noon. Wala na.
Meruem
Written by
Meruem  Manila, Philippines
(Manila, Philippines)   
549
 
Please log in to view and add comments on poems