Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ESP Apr 2015
Umaga
Gigising at babangon
Ni hindi ko man lang
Narinig ang huni ng mga ibon

Umaga
Isusubo ang kakarampot
Na kanin
Na parang di ko nalasahan

Umaga
Na walang kapeng nahigop
Dahil kailangan ko ng
Pumunta roon

Umaga
Na makikita kong
Nakakunot sila
At hindi ko na napapansing
Ako na rin pala

Umaga
Uupo sa silya
Sisimulan ko na
Gusto ko ng matapos na

Tanghali
Parang ayaw ko na
Hindi ko na kaya
Tanghali pa lang pala

Tanghali
Hihigop ng kape
Walang tama
Isa pa

Tanghali
Bakit hindi pa matapos
Ang araw na ito
Wala pa palang kalahati itong
Tinatapos ko

Hapon
Ang saya nila
Anong pinag-uusapan nila?
Pwede bang sumali sa saya?

Hapon
Tangina
Wala na bang katapusan?
Sino ka para sabihan ako
Na tapusin ko na ito?

Gabi
Sa wakas
Malapit na
Kaunting tiis pa

Gabi
Na
Umalis na sila
Ako, nandito pa

Gabi
Ako na lang mag-isa
Pahingi ng tulong
Di ko 'to kaya mag-isa

Gabi
Nagpapasalamat sa langit
Pinatay ang ilaw
Buhay ang diwa
Masaya ang kaluluwa

Gabi
Kay raming tao
Hindi lang pala ako
Marami pala akong kasama
Hindi ako nag-iisa

Gabi
Nang maisip ko
Marami pa pala kaming
Nagpapaalipin
Sa lugar na ito
Sentro kung saan
Ang mga tao
Nagmamadali
Walang pansinan
Walang pakialamanan
Walang buhay
Walang kaluluwa

Gabi
Nang mapagtanto ko
Ayaw ko nito
Kasama nila
Nasaan ang kaligayahan ng puso?
Nasaan ang kalayaan ko?
Nasaan ang kalayaan nila?
May mararating ba?
Sila
Ako
Tayo
Itong tanong na ito
May mararating ba?
Tanong na lang ba talaga?

Gabi
Nang makarating ako
Sa aking lugar pahingahan
Nag-iisip
Natulala...


Umaga.
Bagay na ayokong mangyari sa susunod na mga taon.
tintin layson Jul 2011
Nakita kita kanina. Nadaanan ka lang
ng dyip na sinasakyan ko. Ewan
baka nakita mo rin ako.
Kung napansin mo ko, yun ang hindi ko alam.
Malamang hindi.

Ganun ka pa rin, ganun ka palagi.
Magkasalubong na mga kilay,
nakakunot na noo. Siguro
dahil sa init. Ayun, kahit
mag-isa lang sa dyip, di
ko napiglan, napangiti na lang ako.

Nainis naman ako nung
isang beses, biglang
sinabi ng kaibigan ko, hindi raw
maganda yung ginawa **** artikulo. Ipagtatanggol
sana kita pero anong masasabi ko, eh
wala naman akong alam tungkol sa'yo.

Kaya eto pagdating ng bahay, binuksan
ko agad at binasa. Baka sakali
sa paraang ito maging close tayo.

At sa bawat salita, sinusubukang
intindihan ang ginawa mo. Pero ang totoo,
pinipilit intindihin ka. Baka
kasi dito, makilala kita.

Isang araw dati, lumabas ako
kasama ang isang kaibigan. 'Ah ok' na lang ang
nasabi ko, nang malaman kong
ang ex niya,
ay siya ring ex mo. Anliit
talaga ng mundo, noh?

Naalala ko tuloy nung hindi
mo kami tinulungan, kasi
busy ka, busy ka para sa bayan. Ayan,
lalo tuloy kitang nagustuhan.

Naisip ko nun, kahit
kelan hindi ako magiging bida
sa hawak **** kamera, kasi,
ang bayan mo, ang bayan ko, ang lagi **** inuuna.

Oo kahit ako natatawa, kasi
sobrang layo talaga ng
distansya nating dalawa. Mula
sa paniniwala hanggang sa mga ginagawa, hindi
kayang sukatin kahit ilang
ruler pa gamitin.

Hindi naman ako naghahangad
ng kahit ano. Ang makita ka nang di inaasahan,
sapat na yun. Ang mabasa
ka, okay na para isiping
kilala nga kita.

Makita lang ulit ang mga mata mo, maisip
o maalala lahat ng ito, okay na.
Pero sana alam mo,
may isang tao dito, napapangiti
dahil sa'yo.
It was during an Ondoy relief operation in UP when I started liking this guy. Oh well, he's the typical tibak that won't bother to care on what people think of him, very unassuming. And I liked him even more because of that. He was the kule editor that time. I guess it's the reason why I have a collection of kule. I wonder where you are now :)
120615

Ba't naantig ang puso?
Sa ngiti **** walang pasubali.
Ba't pagsilip ang tugon?
Bagamat palpak itong pag-ibig,
Maling panimpla ng pag-ibig!

Sana'y maplantsa ko ang nakakunot **** noo,
Sana'y masalo ko ang ngiting sa iba ang tapon,
Sana'y mahawakan ko ang puso **** moog,
Sana, sana, bagkus ito'y nakatikom.

Minsan, sana'y hindi nalang nagtapo,
Minsan, sana'y hindi nalang nagpaubaya,
Minsan, sana'y kinitil ang tibok.

Ako'y haliging hinampas mo ng maso,
Konkretong biniak-biak,
Ilaw na pinatay-sindi't naging pundido.
Ako'y halamang binunot,
Telang pinunit at sinunog,
Papel na ginupit-gupit -- *
Ang saya'y* naging sanay
Hanggang maging **sayang.
Matias Feb 2018
mahirap labanan ang pakiramdam
mahirap ipilit ang isang bagay
mahirap pigilan ang mga mangyayari sa paligid mo
hanggang saan ba ang kaya **** ibigay?
hanggang kailan ka magiging matatag?
hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo?
hindi ka ba susuko?
hindi ka ba napapagod?
natanong mo ba siya KUNG mahal ka pa niya?
at mas masakit kung hindi mo natanong na minahal ka ba niya?
mga hiling na gustong maabot
mga taong nayayamot sa mundong kulot-kulot
mga noong nakakunot
mga buhok na napapanot
kakaisip sa mamaya bukas at sa susunod pang mga gabi
wala na siya at di mo katabi
mata mo'y may luha
dahil sa gusto **** di mo makuha
ikaw ay sobrang ng napapagal
pagod na pagod na kakahabol kaya ikaw ay hinihingal
pilitin **** maging masaya
kahit wala na siya
hindi sa lahat ng pagkakataon
hindi sa lahat ng direksyon
kasunod, kabuntot mo siya
o ikaw ang nakabuntot sa kanya
bawat tao ay may kanya kanyang landas
at sa bawat landas ay mayroong hudas
sa iyong pagtakbo
bawat pagtapak mo ay titignan mo
wag kang tumingin sa isang direksyon
imulat mo yung mga mata mo
dahil hindi mo alam may ahas na kakagat sayo
at dala nito ay lason
lason na magpapahina
lason na papatay
at tatapos sa iyong buhay.

— The End —