Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagaantay" poems
Alam kong pagod ka na sa ikot ng iyong mundo Maging sa iyong taun-taong pagkatalo Sa isang masikip na lungsod ay mistulang preso Hindi mo talagang nais na maparito Anim na taon sa malaking syudad Umani ng napakaraming kaalaman Alam mo naman ang iyong mga hangad Ang pangako lamang ang pinanghahawakan Nadudurog na tiwala mo sa sarili Sa iyong isipan, huwag kang paaapi Tagumpay ay malapit mo nang mawari Dahil siya ay ang iyong nasa isip at tabi. Pagasa ay wala sa malayo Nasa paligid ang mga kaibigan mo Na magsasabi sa iyo ng totoo ~ Tunay kang nagaantay Tunay kang magtatagumpay
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 1:10 PM UTC
Para Sayo,
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon Nagbabakasakaling malilimutan ka rin Ginawa na ang tamang desisyon Na sarili naman ang bibigyan ng pansin Sinusubukang kalimutan ang mga alaala Na magpapabalik ng aking dadamdamin Idinilat ko na ang aking mga mata Sa mga bagay na maari kong sapitin Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata Sinubukan ko At pilit na sinusubukan Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala Lugar na aking kinamumuhian Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat Mahal, hihintayin kita Hihintayin ko ang pagbabalik mo Hihintayin ko kahit imposible naman ito Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako Maghihintay ako Ngunit mahal, hindi ko maipapangako Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako Dahil mahal, tao din ako Gusto ko din na pahalagahan ako Gusto kong mahalin ako Yun nga lang gusto ko galing sayo Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo Kaya mahal, maghihintay ako Habang minamahal ko ang sarili ko Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa Sana mahal, maintindihan mo Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
0
Jul 21, 2017
Jul 21, 2017 at 6:49 AM UTC
Maghihintay ako
"Isang stored card po." Sabay abot ng 100piso. Pinasok sa makina "toot". Bumaba sa hagdan. "Hay, nakakpagod." Nakita ang mahabang pila ng mga taong nagaantay. Napa-buntong hininga. 5...10...15minuto wala pa din. Ako'y lumingon sa kanan't kaliwa. Inobserbahan ang mga taong iritable na sa pagaantay. Sa kaliwa, nakita ko ang isang lalaki, Postura, nakasalamin at kagalang galang ang suot. Mukha nagtatrabaho sa isang malakingkumapanya at may mataas na posisyon. Abala sa pagtingin sa relos na rolex ang tatak. Ako'y napatanong sa sarili ko, "bakit niya mas piniling pumila dito kung saan malulukot ang suot na barong?" Sa kanan naman ay isang studyanteng binata, Naka-uniporme, maangas ang dating. May naksaksak na earphones sa magkabilang tenga at sumasabay ang indak ng mga paa. Nais ko sana makihati sa musikang kanya naririnig. Sa likod ko ay isang babae, Napapamura na sa inis. Mukhang malalate na sa opisina. Naka-make up at nakheels. Gusto ko siya bulangan, "Ate, kalma lang. Hindi mapapabilis ng pagmumura mo ang pagdating nian." At sa wakas dumating na, Ang hinihintay ng lahat. Inihanda ko na ang sarili, dahil sigurado ako ay maitutulak, masisiksik, matatapakan at masisiko sa loob ng train ng MRT.
0
Jun 13, 2015
Jun 13, 2015 at 1:08 PM UTC
MRT
Nandito ako sa kabilang panig Nagaantay na muling marinig ang mga tinig  na nawala Sa ibabaw ng aking mundo at ng luha Sa kabilang panig nagbibilang ng mga araw sadyang kay tagal muling pagkikita, nag-aabang Muling pagsasama, nahihibang Paano ba hahanapin ang kahapon Naibaon sa sadlak ng alimuom Dumidikit sa kailaliman ng ilong Ang alaalang hindi maitapon Parang labadang hindi tinuyo ng sinag ng araw, nakulob Sa loob ng damdamin nagkukumahog Naghihikahos, nabuburyong Minsan pang ibalik, alaala lagusan ng saya ata kaba Kelan ka kaya makikita.
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 3:17 AM UTC
Wait
Aking binibini Nagaantay na ang probinsya sa iyong yakap at halili Pukawin mo ang himbing lupang sabik sa iyong pagkalinga at serbisyong mapitik Ngunit kung ikaw man ay hirap na Nandito lang ako Ang iyong magiging kwarto Pupunasan ang stress at anxiety mo Matulog kana ng mahimbing Pagkat bukas sa liwayway ay syang pagsibol ng hangin Unahin mo muna ang iyong nasasakupan Bukas makalawa ay ako naman.
0
Jul 12, 2020
Jul 12, 2020 at 11:37 AM UTC
to the governor
Mahal ko, noong ako'y iyong lisanin, Puso ko'y namatay din, HIndi mo man lang ako napansin, Dahil ika'y masaya na din. Paano ako, ako na nagaantay pa din sayo, ako na kahit papaano, minahal ka pero ito ako mahal ka pa din hanggang ngayon, Dahil di ko matanggal sa isip ko na wala na pala tayo. Paano ako na nagmahal ng todo sayo. Binigay lahat ng gusto mo at kahit papaano minahal mo din naman ako. Paano ang pagmamahalan natin? Hindi na ba natin ito maibabalik muli? Mahal pa din naman kita, kahit na namamatay na ako. Paano ako na minamahal ka pa din? Ganito nalang ba tayo, hanggang ngayon andito ka pa din! Hindi matanggal sa aking isip. Paano? Paano ako? Itong tangang nagaantay pa din sayo.
0
Nov 18, 2017
Nov 18, 2017 at 2:38 AM UTC
Paano?
Gabing mapighati, nagaantay sa tamang halik Pagdampi ng malamig na hanging ako'y nasasabik Sa iyong namang maiinit na titig sa aking matang nalungkot Wala nang sawa sa pagmanhid ng puso na iyong pagdulot
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 9:01 PM UTC
Nobyembreng Init