Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Feb 2019
Hayag ang liwanag ko sa gabi
Kung walang ulap sa aking tabi
Ako'y malaking ilaw na nakasindi
Na tila hindi napupundi

Ako'y gising sa gabi'ng malalim
At nagsisilbing ilaw sa daang madilim
Ngunit ang lahat ay matatago sa lilim
Kung ang langit ay makulimlim

Ako'y tiyak na masisiyahan
Kung sandaling pagmamasdan
Lumabas mula sa iyong tahanan
At mamangha sa ilalim ng buwan

Buwan ang aking pangalan
Masdan ang aking kagandahan
Bituin ang aking mga kaibigan
At ang tahanan namin ay ang kalawakan

JGA
JGA
George Andres Jul 2016
Nagtatanong ako kung bakit di ko mailarawan
Lahat ng naglalaro sa'king isipan
Na kailangan pa umaano bigyan ng isang kwadro
Sa inyong mga tamad na isipan
At trabaho ko pang sa inyo'y isubo ang matigas na katotohanan
Na para saaki'y isang malaking katangahan
At ginagamit lamang ng maraming nais magpasikat upang tumaba ang kapalaluan sa kani-kanilang tiyan
At kumain ng papuri na siyang lalamunin pang kape lang at pambili ng tinta ng bolpen o ng papel man 'yan
At ano pa ang sining kung wala ka nang mapiga sa utak **** kinain ng uod ang laman
Lumuluha ka ng dugo para sila'y mamangha; mga burgis na magpopondo sa iyong katha
Na ano? Kasabay mo lang rin pumasok sa pamantasan bilang dukha
Pero ibang iba na mga mukhang inalisan na ng pasakit ng pag-iisip
Kung ano na ang para kinabukasan o kung meron pa nga namang daratnang liwanag
O kung bukas ay ang kadiliman naman
Saan ka pupulutin lintik kang di naging gahaman na piniling 'wag magpakayaman sa mumunti **** naisin na pagnanasa ng 'yong katawan?
Pinili **** sundin ang tawag ng 'yong laman, ang tawag ng uhaw na kalooban
Ano nga ba ang silbi ng pagpapakain sa kanila ng iyong isipan kung maari namang ito'y bigyan mo ng isang kasangkapan o kaya ito'y laktawan
Ng kahit anong katanungan at pagpagin ang natutulog nilang kulot na taba mula sa pang-aalipin ng katamaran?
7816
kingjay Dec 2018
Binura ang sinalungguhitang alyas
Ang nag-alsa na biyas
Ang kaya ay katamtaman na hulugbigat
Dahil sumunong nang kapalaluan,
tumiklop ang tuhod

Simulang pagtingin ay noong una na nabighani
Nababaliw sa sinundang pag-ibig
Sa mala-rosas na labi at mala-kristal niyang mata na may salamin

Umaapaw na giliw ay sa kanya nakalaan
Kung sumandig man sa ataul ang katawan
Mahukay sana ang pinipintuho - bigay ng kalangitan bago mamayapa

Kahit mali ang pangkukulam ay gagawin para manipulahin ang manika
Mamangha sa mahika na taglay
Ganun kung magmahal, kahit balakyut dapat ay tupdin

Kumuha ng ilang hibla ng kanyang buhok
Tapos isinuksok sa bestida na kahapon niyang isinuot
Ginupit at lumikha ng damit ng manika
Sinambit ang inkantasyon ng pag-ibig
Pusang Tahimik Feb 2019
Buhay ang tula
Dulo ay may tugma
Mga salita'y umaakma
Sa damdamin ng may akda

Huwag ka'ng mabibigla
At manatili na mamangha
Sa mga liham na katha
Na isip ang lumikha

Ang pagsuyo ay makata
Na walang pag-aakala
Ang tiyakin ay abala
Tiyak **** makikita

Ang paksa ng tula
Ay tiyak sa simula
Suriin ang salita
Sa puso ay nagmula

Ikaw ay mapapaibig
At titikom ang bibig
Manlalambot ang bisig
Sa tula na may tinig
By: JGA
aL Jan 2019
Ibong malaya, sa paglipad hangin ay saganang bumabalot sa napakaliit niyang katawan.

Galing sa May-kapal, ang napakagandang tanawin na kanyang iniikutan at ginagalawan.

Sa buong maghapon ng araw, init at himig sa himpapawid ay gusto niyang subukan at balikbalikan.

Sa kanyang pahinga, sa malaking punongkahoy ay susumpong ng linong at kakanta.

Tunay bang malaya ang isang kaisipang tanging dala ay iisang dilag? Na wala namang magawa kundi ang mamangha sa kanyang ganda.
My metaphor, most wont be getting this, just like most of my works. Or people do not read it and take it seriously. Lol. Hahaha.
Prince Allival Mar 2021
Sana buhay pa rin ‘yung konsepto ng pagiging superhero nu’ng mga bata pa tayo.

‘Yung mga panahong masaya nating ginagaya si Superman o si Wonder Woman. Kunwari may kapangyarihan tayo at hangad nating makapagligtas ng mga tao. ‘Yung kaya nating buhatin ang mabibigat na bagay o ‘di kaya’y lumipad lagpas sa mga ulap.

Sana hindi ‘yun nawala.

Sana naniniwala pa rin tayo sa mahika, o sa himala, o sa mga pantasya na bumuo sa’ting pagkabata. Na kahit nadaragdagan ang mga taon sa buhay natin, hindi natin malimutan na tayo’y mga bayani sa’ting mga sarili —

Na nakakapagligtas pa rin tayo ng ibang tao sa pagiging mabuti, na kinakaya nating buhatin ang mabibigat na pagsubok at pighati, na kaya nating liparin ang mga pangarap nating mas mataas pa sa mga ulap.

Sana kahit kabisado na natin ang totoong mukha ng mundo, may bahagi pa rin ng pagiging bata sa’ting puso — mamangha pa rin tayo sa mga bagay, at kasabikan pa rin natin itong buhay.

— The End —