Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maarok" poems
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

Continue reading...
73
Sakdal-lungkot ang mga anak Mo, Inang Bayan; Sinakop na, pinaslang pa'ng mumunti **** katarungan. Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit— At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit: Utak ang puhunan sa di-maarok na mga pag-alsa, kahapon; Ni hindi nabatid ang mga luha't pawis ang sa mukha'y nangaipon, Sa gunita na lamang ba mabubungkal natin ang mga nangagdaan? Kung ang mga salitang sa pluma't papel nalikha'y hindi napangalagaan— Sa paglalakbay Mo, Pilipinas, sa lansangang walang hanggan, Sana maya't maya'y lilipad ka rin muli sa abang kalawakan; Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit— At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit: Pagkukunwari ma'y ni 'di Mo maitatago sa oras ng Iyong pagkabalisa, Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan ang s'yang Iyong natamasa. Samakat'wid — habang buhay pa si Rizal ngayon ay 'wag nating itatakwil 'Pagkat tayo'y paunti-unting nakakahinga dahil sa kanyang pluma't papel.
0
Oct 19, 2011
Oct 19, 2011 at 5:48 AM UTC
Pluma't Papel
#012116 #Genesis "Ikaw na siyang tagapangalaga ng mga tupa, Habang ako'y hamak na ligaw lamang, Sa lupaing yaong paraiso sa inyo. At kagandahan mo'y Siyang bukas kong may sigla." "Ginoo, ako'y hanga sa iyo Pagkat tupa ko'y iyong diniligan. Ni hindi mo sinadyang ako ang unahin." "Hayaan **** pagsilbihan kita, Kahit pitong taon pa. Giliw, ako'y maghihintay. Mabilis lang ang araw Sa pusong tunay na nagmamahal." "Paumanhin, tila nabalewala ang iyong pagpapagal. Kaya mo pa bang ako'y ipaglaban? Kung hindi ma'y, sana'y sambitin mo Nang maarok ko ang tugon mo." "Sinta, ako ma'y subukin pa Ng pitong taong muli. Ipaglalaban pa rin kita, Pagkat pag-ibig ko'y hindi limitado ng panahon." "Salamat pagkat ikaw ang kabiyak, Puso mo't lakas, tila'y napagod. Hayaan **** ako mismo Ang siyang magbigay kapahingahan."
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 9:34 PM UTC
Jacob and Rachel
sa kalaliman ng iyong pagtingin, hindi maarok, damdamin ko'y muntik nang malunod aking nakita, ang ‘yong pagkatao sa'yong mga mata, mga matang kay ganda, mga matang nababalot ng kahiwagaan at pagsinta. sa kalaliman na iyong pagtingin, aking narinig, yaong mga salita, mga salita na bago pa man sambitin ng ‘yong mga labi ay narinig na ng aking puso, na tila nagbigay kabuluhan sa damdamin at nagdulot ng kapayapaan sa aking pusong balisa; mga matang kay ganda na tila nangungusap, wala, ni ano, kahit anong salita—– binasag ng ‘yong katahimikan, kaguluhan sa’king isipan. sa kalaliman na iyong pagtingin, mundo ay tumigil, nabihag ang damdamin, aking nadama, dalisay na pagkatao, sa'yong mga mata, mga matang kay ganda mga matang nagrerepresenta, sa makulay na buhay, mistulang mga krayola na nagbibigay kulay sa malamlam at matamlay /// kong pamumuhay. © LMLB
0
May 14, 2018
May 14, 2018 at 7:50 PM UTC
Balintataw
Sa mata nila, ako'y walang saysay Sa mata nila, ako'y walang boses Sa mata nila, ako'y walang karapatan Sa mata nila, ako'y isang pagmamay-ari Hanggang kailan ko tatamuhin ang ganitong katayuan Ang pakiramdam na para bang wala akong kahalagahan Dahil sa ako'y mahina, maamo't inosente ay wari bang inaangkin n'yo na ang katauhan ko? At sa hindi inaasahang pagkakataon itinaas Mo ang mga gaya namin at sinabing sa amin naghahari ang Diyos, lumundag ang puso ko sa tuwa Pinatayo mo kami sa kagitnaan ng mga mas may dunong at kapangyarihan Ang pagkilala mo at pag-ibig mo sa bawat isa Lalong lalo na sa mababang gaya namin ay tunay naming 'di maarok Sa pamamagitan namin, binasag mo ang tradisyong nagpapaalipin at inimulat kami sa tunay na kahulugan ng kapakumbabaan at nang tunay na kahulugan ng kaharian ng Diyos sa iyong halimbawa at aral, maraming nagulantang.. Hinayaan mo kaming lumapit sa Iyo At ikinintal ang iyong iniwika Na ang sinumang 'di tumulad sa isang maliit na bata sa pagtanggap sa paghahari ng Diyos ay hindi mapapabilang sa mga taong pinaghaharian niya.
0
Nov 19, 2019
Nov 19, 2019 at 12:39 AM UTC
Ang Batang Gaya Ko
Igorot Lovers. (lifetime) May mga letrang mahirap ilapat sa mga salita, Mga pariralang mahirap ikabit sa pangungusap Mga tugmang mahirap ipasok sa taludtod At mga taludtod na mahirap buuin sa isang saknong. Mga pangungusap na mahirap ilapat sa talata. At mga talatang mahirap gawing kwento. Mga awit wala sa tono at ritmo Indak na wala sa tyempo Parang mga tanong na walang saktong sagot. Makakaramdam ka ng kung anong di mo maipaliwanag, mahiwaga. Dahil ang totoong makabuluhang bagay sa mundo at hindi makikita Hindi mailalarawan ng mga salita Hindi maarok ng malalim na kahulugan ng tula Hindi maipaliliwanag ng mahahabang talata. Pagmamahal. ❤️
0
Feb 2, 2021
Feb 2, 2021 at 9:39 PM UTC
Mahiwaga
gaano man daw ang tatag at tibay ng isang bagay,, **wag na wag **** hihingiin,** kasi tiyak bibigay ! Sa aking paggising, tangi ko lang hiling di ko man marating hiwaga ng singsing maarok ko na rin sana ang mensahe mo at tanikala pagkat puso't diwa ko'y pinupukaw makulay **** imahe--napakalinaw [9 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters © copyright 2015 - All Rights Reserved 4 DAYS until Christmas kaba ~~~ beat 4-letter word
0
Dec 21, 2015
Dec 21, 2015 at 7:24 AM UTC
k a b a (4L)
Mahigit dalawang taong nawala at inuna ang kapakananng pamilya. Sa halos dalawang taong pag-iisa, akala ko ang hiling ko ay makukumpleto na. Nawala ang ningning sa aking mga mata, napalitan ng lungkot ang mukha kong dati ay kay sigla. Nang mapagtanto kong ako ay mag-isa pa rin pala na nilalabanan ang sariling mahalin ka nang tama! Malalim ang sugat kung sisisirin ko, ni hindi ko nga maarok ang pinagmulan nito. Ngunit sa bawat hapding dulot ng mga ito, ay may nangungulilang isang pusong sabik na bumangon sa harapan mo. Ngiting walang bukas kung ako ay tumawa. Siglang walang katapusan kung ako ay iyong makakasama. Hindi ba at kailangan kong ibalik ang dating sarili ko ay masaya at bigyang puwang din ang kasiyahang mayroon ako noong una. Sana sa pagsisimula ng pagbaong kong ito, maramdaman kong muli ang sayang nagmumula sa kaibuturan ng aking puso. Kakaibang siglang hindi na kailanman maglalaho pa at bigyang laya na ang isipan sa mga darating pang unos at delubyo sa buhay ko.
0
Mar 18, 2018
Mar 18, 2018 at 1:01 AM UTC
Pagbangon
Nagsisimula nang humakbang ang aking mga paa, Ilang sandali na lamang ay masasaksihan ko na, Na mararamdaman ko na ang pakiramdam na tayong dalawa ay magiging isa, At habambuhay na itatatak sa puso na tayong dalawa ay magkasama. Sa suot kong kulay puting kasuotan ako ay nakangiti, Habang dahan-dahang naglalakad patungo sa iyong tabi. Hindi ko mapigilang mga luha ay umagos mula sa aking pisngi, Ito na nga ang pinakakahihintay kong pinakamasayang sandali. Parang kailan lang nang una kitang masilayan, Dito sa dalampasigan ay mag-isa kang nag-aabang habang ang mga mata ay nasa karagatan. Naka-upo sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalangitan, Malalim ang iniisip at hindi ko maarok ang kailalaliman. Nang ika'y lapitan, sa mga mata mo'y pansin ko ang kalungkutan, Ako ay natigilan pagka't hindi ko alam kong nararapat bang tuklasin ang iyong pagkakakilanlan, O hahayaan na lamang kitang pagmasdan o basta na lamang kitang iwanan. Ngunit nang ika'y magsalita, nangyari ang kabaligtaran at doon nagsimula ang ating mahahabang kuwentuhan. Sinong mag-aakalang sa isang tulad ko ikaw ay pakakasal? Konserbatibo at mahiyain na ang tanging alam ay mula sa kabihasnan? Hindi katulad **** Inglesero, palabiro, at hindi mabilang ang kapintasan? Pero kinalaunan, lumabas din ang natatago **** kabaitan at kasipagan. Ilang hakbang na lamang ang lapit ko sa iyo, Pero humahagulgol ka na, inuunahan mo na naman ako! Magkagayunpaman, mahal ko ang isang tulad mo, Dahil sa iyo, nabuo ang isang tulad **** ikaw at ako!
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 10:06 PM UTC
Ikaw at Ako

24