Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lumiliit" poems
“Change is the only constant thing in this world.” ‘Yan ang sabi nila Mula sa isang musmos na sanggol na noon ay gumapagang lamang Ngayon ay lumalakad patungo sa landas na nais niyang puntahan Papasok sa eskwelahan upang matuto Tumatakbo at sumasabay sa karera ng buhay Mga bagay na lumiliit at lumalaki Mga gusaling nagsisitaasan Mga paniniwalang binabago ng panahon At mga damdamin na noo’y binubuo tayo Ngayon nama’y nagpapaguho sa’ting mundo. Oo, alam ko. Alam nating lahat na walang hindi magbabago sa lugar na ‘to. Maaring bukas ay masaya dahil andiyan siya Andiyan sila Makikinig siya Makikinig sila Ngunit sa susunod ay wala na Mga pangakong binitawan Nasaan na? Napako na nga ba tulad ng iniisip at sinasabi nila? Bukas makalawa maaring magbago ang ihip ng hangin Hindi ko alam kung bukas ba ay ganoon pa rin Maaring andiyan sila Oo andiyan sila Inuulit kong andiyan sila Pero baka sa isang araw o isang buwan maaring sa isang taon walang nakakaalam pagkurap ko ay maglaho na Maglaho na parang bula Na parang hindi sila nangakong parating makikinig May dalawang klase ng pagbabago Mga pagbabagong magpapatag sa’yo Merong wawasakin ang buo **** pagkatao Ngunit gagamutin mo ang iyong sarili Tatayo ka gamit ang sarili **** paa Dahil ikaw lang meron ka Oo. Sarili mo lang ang meron ka Kaya ikaw, oo ikaw. Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabago Kagaya ko Handa ako change Pinaghandaan ko ‘to Tinatanggap ko Pero hindi ko sinabing hindi ako apektado.
0
Oct 23, 2017
Oct 23, 2017 at 3:36 AM UTC
Permanenteng Pagbabago
Pag ikaw Ay kasama lahat ay parang kay bilis, Panahon at oras na mayron tayong dalawa Ay parang lobong umi impis... Lumiliit ng lumiliit, pa iksi ng pa iksi, Oras na maka kasama ka ay parang pinuputol na tamsi... Parang isang napaka gandang panaginip ang sa akin Ay iyong hatid, At ang maka sama ka Ay mawawala na lamang ng hindi natin batid.... Oras Ay gustong kong pigilan, Dahil kung anung meron tayo Ay ayaw kong mapunta sa kawalan.... Ngunit mahal ko, ayaw kong maging sagabal at pa bigat, Maluwag na tatangapin ang iyong pag lisan kahit ang puso ko’y mawawarat... Ang hirap isipin, mukha **** maganda’y di na muli pang makikita, Mga mata at labi ng isang anghel na aking sini sinta... Oh aking anghel san ba pupunta?? Ang langit ko bay mag sasara na??
0
Dec 5, 2018
Dec 5, 2018 at 7:16 PM UTC
Aking Anghel
"O aking minamahal sinta, Tara, kanta na tayo't magsimba.", Kay sarap balikan ang mga araw na 'to, Hanggang sa sarhan mo'ko ng pinto. Laging kasama sa samahan niyong umaawit, Sa lugar kung saan nakakahingi ng tulong sa langit, Ang puso ko'y gusto sayo lumapit, Sapagkat iyong ganda'y kaakit-akit. Kaya ako'y nangarap... "Sa pagtatapos ng aking paglalakbay, Sana magwakas sa iyong mga kamay, Sa kahit anong mangyayaring pagsubok, Ikaw ang ninanais na maging palayok". Umamin, nagbukas ng puso sa 'yong harap, Habang ang mata ko'y 'di kumukurap, Iba sa aking mga inaasa't iniisip, Ang pangarap ay hanggang panaginip. Lahat ng pawis, oras ng paghahanda, Mapupunta lang pala sa wala, Kaya't pag nakikita ako ng iba, Nagkukunwari nalang na masaya. Di naisip bituin ay masisira sa isang sulyap, Dumating pa si Hudas sa aking harap, Nakatikim ng halik ng isang taong mapanibughuin, At laking galit pagkat siya ay isang taladkarin. "O aking minamahal sinta, Sensya na't dinaan sa makata, Gawain ng isang taong nalulumbay, Makakagawa pa ng akdang-buhay Kaya sa mahabang panahon hindi magpaparamdam, Para makuha ng Hudas ang kanyang inaasam, Kahit ang puso ko'y nasisira't lumiliit, Ako'y maghihintay kahit masakit.
0
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 10:20 AM UTC
O Aking Minamahal Sinta
ang mga salitang nais **** sabihin natutunaw na lamang sa dulo ng iyong mga labi natutunaw na lamang sa dulo ng iyong mga daliri na tila'y kandila tumutulo sa sahig habang ang ilaw ng apoy nito'y sumasayaw sa hangin lumalaki, lumiliit at sa huli ay mawawala.
0
Mar 25, 2020
Mar 25, 2020 at 1:40 PM UTC
wala
Hindi ko rin alam. Kung bakit naguguluhan, kung bakit mas gusto ang pinaghihirapan. O mas gusto lang talaga mahirapan. Bawat tinginan na hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaka alam, nakakapansin, na meron talagang namamagitan sa atin. Isang napaka weirdong koneksyon na nagdudugtong sa mga isipan, iniisip pati ang pinaka malalim at ang pinaka sulok ng imahinasyon, kuha mo ako. At agad ay nakuha rin kita, hindi ko naman alam na pati pala ang puso ko nakuha mo na. O ako lang pala ang nakakaramdam, nakakaisip, nakakapansin, na ako lang pala ang nakakakita, nakakarinig, amoy ang bango ng iyong buhok sa t'wing bebeso o yayakap o lalapit upang tumabi, makipag-usap, oh sinta. Ganda ng iyong mga mata, chinita, halos hindi na ako makita kapag napapatawa, o hindi mo naman pala talaga ako nakikita sa paraan kung paano ko gustong makita mo ako? Oh sana, habang napapatawa kita, habang lumiliit ang iyong mata ay mas lumakas ang pandinig mo, na ikaw lang sinisigaw nito. Nitong puso ko.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:58 AM UTC
iyong mga mata