Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kisame" poems
kapag ganitong oras talaga na wala nang magawa kung hindi tumingala sa kisame ay mapapaisip ka nalang ng mga bagay na nais **** marating sa buhay at mga pangakong binitawan sa nakaraan. hindi rin maiiwasan na mapapikit na lamang sa panghihinayang kapag naalala ang mga panahong sana'y maayos pa. sisingit na rin ang mga pangarap na tila'y imposibleng matupad hanggang sa pinanghihinaan na ng loob na magpatuloy pa. sa lahat ng isinisigaw ng damdamin at pagod na sarili, sumabay sa alon. magpalunod at lumangoy. darating ka rin sa dalampasigan.
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 11:42 AM UTC
tulog na
Nakatingala sa kisame, ala-ala ko'y ligaw Sa dilim ng gabi'y ano pa bang tinatanaw Patalon-talon lamang ang sipat sa guhit ng mga ilaw Isip wari'y walang pagod, lagi na lamang bang ikaw Paikot-ikot ang higa, tila samyo'y naririto Binabalik sa diwa ang lumbay ng paglisan mo Gayunpama'y baon ang tamis ng mga halik Sana'y di na lamang panaginip ang iyong pagbabalik Unti-unti pa'y namumungay, ang mga mata'y nalumbay din Tutungo sa pangarap, susulong na sa lalim Impit na panalangin sa umaga paggising Kaabay na muli, magbabalik sa aking piling
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 11:46 PM UTC
Tula sa Pagtulog
sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya hindi ko nakakalimutan sabihin ang mga linyang ‘to: “ikaw ang pahinga ko” pahinga ko pagtapos ng mahabang araw makipagsapalaran sa buhay at para makahabol sa liga pahinga ko habang naglalakbay mula timog hanggang hilaga pahinga ko upang mapaalala na ang bawat pagkakataon na makasama siya ay mahalaga pahinga ko dahil napapakalma niya puso’t isipan ko nang walang bahala sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya, na siya ang pahinga ko, ako pala yung unang kakapusin ng hininga, boses ko’y di na madinig sa sobrang hina, mag-isa tuwing gabi at ang tanging katabi ay pangamba, habang nakatitig sa sapot sa kisame na gawa ng gagamba ngayon, napagtanto ko na sa mga panahong kinailangan ko siya para maging kalakasan ko, siya din pala ang magiging dahilan ng kahinaan ko sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya, na siya ang pahinga ko, hindi ko namalayan na pa kunti-konti na akong hinihingal, bumabagal, na-uutal, umaangal, nawawalan ng tamang asal, nakakalimutan ko na nga din ata mag-dasal. nakakapagod din pala ‘no? magpaalala palagi, kahit na hindi ka maalala, kaya pahinga muna ako, kahit ngayon lang, hihiga muna magpapahinga upang makahinga.
0
Feb 5, 2020
Feb 5, 2020 at 9:22 AM UTC
ikaw ang pahinga ko
Kailanma'y hindi ako nagsawa Hindi ako magsasawa Na titigan ang masaya **** mga mata Tingnan ang labi **** tumatawa Pakinggan ang boses **** musika sa aking tainga At tanawin ang nakabibighani **** mukha Hindi ako magsasawa Ilang araw man ang dumaan Patuloy pa ring ikaw ang nasa aking isipan Tila nga nalulusaw na ang kisame Kakatitig ko, at ang mahahalagang bagay ay isinasantabi Malaanan ka lamang ng oras Kahit man lang sa isipan ko At ang pananatili ng iyong mga bakas Ay ang hindi mo paglisan sa puso ko Dahil kung merong pagkasugat Kasunod agad nito ang peklat Na mananatiling sa aki'y nakatira At hindi na ito mabubura Pero mahal, hindi pa rin ako magsasawa Hindi ako magsasawang kabisaduhin ang iyong bawat paglingon Ang iyong mga di pagtugon Kabisado ko na ang iyong mga galaw Kagaya nang kung paano ko laging naaalala Ang iyong pagtanaw Pagtanaw mo sa akin kasabay ng iyong ngiti Kabisado ko ang iyong mga "hindi" Kabisado ko na kung saan kita makikita Sa mga lugar na minsan sa aki'y naging mahalaga Alam na alam ko kung kelan tumitibok ang aking puso Tuwing nakikita ko ang sapatos mo Itim at pula Ang kulay kung saan lagi kitang naalala Rinig ko na ang malakas na pagtibok At agad akong nagtatago sa sulok Hindi ako magsasawa Magpapatuloy ako At kahit nasasaktan ako sa mga pagbitiw mo Oo, ramdam ko ang pagbitiw mo Kahit pa hindi mo kailanman hinawakan ang mga kamay ko Oo, masakit Nasasaktan ako Pero pasensya na, magpapatuloy pa rin ako Lumipas ang mga buwan Sa aking puso ka pa rin nanininirahan Sa dami ng unos na aking naranasan Nahihirapan akong tumahan Hanggang sa napagtanto kong pagod na ako Hindi ko alam kung paano nangyari ito Biglaan nalang Kagaya ng paglaho mo Pagod na ako Pagod na akong intindihin ang aking nadarama Pagod na akong umasa Pagod na akong maghintay sa wala Ang umasa sa mga bagay na kailanma'y di mangyayari Mga bagay na hindi ko mawari Pagod na akong paniwalain ang sarili kong magugustuhan mo rin ako Paniwalain ang sarili kong may dadalhin ka sa pagbalik mo Pero nagkamali na naman ako Dahil nakalimutan ko Na hinding hindi pwedeng maging "tayo" Dahil iba ang gusto mo At hinding hindi mangyayaring magiging ako ang tipo mo Dahil hindi tayo talo Pagod na ako sa mga bagay na di pwedeng ipilit Pagod na ako sa pagkapit ko na dati'y mahigpit Pagod na akong kumapit Pagod na ako sa sakit Ngayon, gumagawa na naman ako ng tula Para sa taong iba ang nilalaanan ng kanyang mga salita Pero bago matapos ang tulang ito... Pakinggan mo ako Pakinggan mo ang bawat salitang aking sambit Pakinggan mo ang liriko ng aking awit Pakinggan mo ang tono ng aking tula Damhin mo ang bawat pagbigkas ko ng mga talata Dahil maaaring ito na ang magiging huli Ito na ang bagay na hindi ako magsisisi Sa huling pagkakataon, ramdamin mo ang aking pagkapit Ramdamin mo sa huling pagkakataon ang aking bait Dahil, sobra nang pait Ayaw ko nang damhin Ang mga sugat na dinulot nito Dahil ngayon, nagdurugo ang puso ko Habang tinitingnan ang mga sugat sa kamay ko nang dahil sa patuloy na pagkapit sa'yo Ako lang pala ang kumakapit Kaya tatapusin ko na Ako'y bibitiw na Nang sa gayo'y maging malaya ka na
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:54 AM UTC
Hindi Magsasawa

Continue reading...
90
Patay sindi ang ilaw sa kwarto. Bawat pagsindi ay napuputol ang tulog na mga limang minuto pa lamang ang tinatagal. Kaluskos mula sa kisame ay pilit na sinasawalang bahala. Ang salamin sa aparador sa paahan ng aking kama ay mistulang naggiging larawan. Mayat maya'y nagkakaroon ng imahe ng isang babaeng naka trahe de boda. Balingkinitan ang katawan, bagsak ang balikat, bahagyang nakatungo't walang bahid ng kagalakan sa kanyang mukha. Ilang saglit lang ay mawawala. Dali-dali akong tumayo at binuksan na lamang ang pinto ng aparador. Ihinarap sa pader ang salamin, sabay balik sa aking kama. Ang loob ng aparador na lamang ang aking nakikita. Wala na ang babaeng nakaputi, di narin nagparamdam muli. Nawala narin ang nakakabahalang kaluskos sa kisame. Ang ilaw ay nanatiling nakasindi. Alas-tres na ng umaga nang ako ay nakatulog. Nagising ng alas-sais at nagmamadaling naligo't nagbihis. Iniligpit ang gamit sa bag, nagsuklay at napaharap sa salamin. Natigilan. Nakasara na ang aparador. - March 15, 2010, Vigan
0
Mar 16, 2010
Mar 16, 2010 at 1:34 AM UTC
Ang Aparador
0617 Gusto kong punuin ng letra ang bawat pader ng kwarto Yung tipong wala akong makikita na kahit maliit na espayo. Gusto kong guhitan pati ang sahig at kisame At dungisan ang salamin sa bintana Hanggang sa wala na akong masambit pa. Gusto kong kalimutan ang bawat mensahe na pilit **** pinapaalala Sa bawat sandaling sabi mo'y hindi kukupas ang mga naipinta. Ang makulay na pader ay pininturahan ko ng puti Ngunit ngayon, ang bawat salita ay wala nang halaga. At gaya ng pader na kulay puti, Wala akong makitang dahilan para balikan ka. Wala akong maaninag sa bintana na kahit katiting na pag-asa. Ayoko nang bumalik pa Kasi ilang beses na akong napuruhan. Sa isang iglap, nakalimutan ko ang mga salitang "mahal kita." Napuno ng masasakit na salita ang bawat pader Na kahit sa aking pagtingala Ay nananatili akong gising. At sa pagpadyak ko ng mga paa ko, Napuno ng bubog ang sahig na dating makintab. Nagdurugo ang aking mga talampakan At hindi ko maintindihan ba't ngayon lang ako nasaktan. At kung bakit pa ako pilit na bumabalik Sa alam ko namang madilim na silid-higaan. Inisa-isa kong tupiin ang mga damit sa lapag At pinuno ko ang aking maleta ng tanging mahahalaga lamang. Gusto kong bumawi sa sarili ko At ngayon, aalis na ako -- Hindi ka na mahalaga.
0
Jun 17, 2017
Jun 17, 2017 at 10:34 AM UTC
Vandalism
Nakahiga, tulala na naman sa kisame Tuloy ang daloy ng panahon Ngunit ang mundo ko'y nakatigil Kamay sa mukha, luha'y pinipigil Inaalala ang mga sandaling puno ng kulay Paligid ko'y umaapaw sa tawa't saya, dahil nariyan ka pa Ngayo'y nagpaalam na tayo, ngunit puso ko'y nakakapit pa Libutin man ang sansinukob, ikaw pa rin ang nais makita Kahit anong pagsusumikap na limutin ka Lalong lumalalim ang sugat sa bawat alaala Sa bawat pintig ng puso, hapdi ang nararamdaman Umaasang ang ating landas muli'y magtatagpo
0
May 14, 2024
May 14, 2024 at 10:25 AM UTC
Alas Diyes