Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinaumagahan" poems
Parang kailan lang tayo'y nagkasama. Puno ng ngiti at maliligayang sandali. Madalas tayong magkausap, Chat sa gabi, text sa umaga. Magdamagang pag-uusap sa skype hanggang sa sumikat ulit ang araw. Kinaumagahan, nagtatanungan ng "May lakad ka ba?" "Gusto **** sumama?" "Tara, saan?" "Kahit saan, basta kasama ka." Minsan gusto kong tumigil ang pagtakbo ng oras tuwing magkausap at magkasama tayo, ang bilis kasi, kasing bilis ng pagtibok ng puso ko tuwing tinititigan mo ako sa mata. Di mo namamalayan ang pagtakbo ng oras 'pag masaya ka. Kasing bilis rin ng pagtakbo ng oras pagbabago ng atensyon na ibinigay mo. Ewan ko na lang ngayon, kung bakit kadalasan iniiwan mo na lang ko ng basta-basta. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kung pwede pa nga lang makasama kita sa lahat ng oras, ginawa ko na. Pero hindi rin pwede kasi may kanya-kanya tayong buhay. Siguro minahal kita ng sobra-sobra kaya hindi ko nakita ang mgapagkukulang at pagkakamali ko. O kaya ay laro lang sa iyo ang lahat. Para kasing pinakilig mo lang ako saglit tapos iniwan mo ako kung kailan mahal na kita. Iniwan mo ako ng wala man lang sinabing dahilan.
0
Nov 11, 2014
Nov 11, 2014 at 4:11 PM UTC
Pagsuko
Tayo lang naman ang magkasamang umukit ng hugis puso sa mga bituin, magkahawak ang mga kamay habang nagkukuwentuhan ng mga pangarap at hangarin Sana... hindi muna magtapos ang gabing ito Kung magagawa kong banatin at pahabain pa ang oras para lamang mapatagal sa'yong piling Ngunit kinaumagahan na nang ako'y magising... Akap akap ang sarili, mabigat ang damdamin Nagbuntong-hininga't bumulong nalang sa hangin Hindi ko na alam kung ligaya pa ba ang tunay na hangad Bakit ba lagi nalang ganito... Sa panaginip, patuloy mo akong dinadalaw Naniniwala ako sa salitang 'tayo' ngunit heto't nag-iisa na naman ako
0
Nov 12, 2016
Nov 12, 2016 at 8:12 AM UTC
[12] Hanggang dito nalang
Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Pero kailangan kong sabihin ang tibok ng puso ko. Wala rin namang mapapala dahil wala na ring pag-asa Kaya kung sasabihin ko ito, sa akin ba'y may mawawala pa? Kagagaling ko lang sa isang bagyo Pero nakagugulat na hindi ako sinipon, kahit basang-basa ako. Nagsumikap magbihis, para makapasyal uli nang makita ko ang matamis **** mga ngiti. Hindi na ako nagpigil, wala nang mawawala sa akin Kailangan kitang makilala, kailangan kong magpapansin. Pangalan mo lang ang mayroon ako, pero nahanap agad kita Akalain **** nasa iisang gusali lang pala tayong dalawa? Hindi ako gwapo at hindi rin malakas ang loob ko Nakakaawang kombinasyon sa mga panahong ito Mas gugustuhin ko pang magpasensya at maghintay Pero paano lalapit sa pagkapangit na manok ang pagkagandang palay? Inalis ko na sa utak ko ang pag-aalinlangan Alam mo na ito, dahil may bulaklak ka na kinaumagahan. Ayoko nang secret admirer, dahil hindi na tayo bata. Pinaalam ko kung sino ako, para makipagkilala. Sinulatan kita, makailang ulit Para alam mo na ako yung nangungulit. Kaso hindi ko alam kung bakit Ni isang sagot, wala kang binalik. Hindi ko na kaya maghintay pa ng matagal Kailangan ko itanong, kailangan ko malaman. Hindi ako magwawala kung hindi ka interesado pero sana sumagot ka, para hindi na ako manggulo. Ilang sandali pa, tumunog na ang telepono ko Lumukso ang aking puso ng makita ko ang pangalan mo! "Salamat sa bulaklak, pero mali ang pagkakaintindi mo "hindi ako naghahanap ng lalaking iibigin ko "Pagkat may iniibig na itong aking puso "Pasensya ka na, patawarin mo na ako". Matagal akong natulala sa aking nabasa Biglang lumiit ang mundo ko, hindi na ako makahinga. Naglakas loob akong sumagot at sinabing "naiintindihan ko "salamat sa pagsagot, at magandang gabi sa iyo". Gusto ko lang sabihin, sa mga makakabasa nito, walang ginawang mali ang dalaga sa kwento ko. Hindi ko man siya nakilala ng lubos ay nakatitiyak ako Nang inihulog siya ng langit, sobrang swerte nang nakasalo. Hindi ko gugustuhing agawin ka. Kasi kung maaagaw man kita, maaagaw ka rin ng iba. Kung mabasa mo man ito, okay lang bang hilingin ko kapag niloko ka nya, pwede bang sabihan mo agad ako?
0
Jan 27, 2016
Jan 27, 2016 at 1:58 AM UTC
Pag-amin ng isang Stalker

Continue reading...
46
Nakaupo sa isang tabi Habang ang hangin ay umiihip Lumalalim na ang gabi Ikaw pa rin ang iniisip Dumating ang kinaumagahan Usok ng kape ang pinagmamasdan Luhang hindi mo inaasahan Umaasang may taong pupunas nyan Sa hapon ika'y magsasaya Kasama ang mga kaibigan o kabarkada Ngunit darating ang oras na uwian na Di na namalayan na ika'y nag iisa
0
Jun 7, 2015
Jun 7, 2015 at 10:55 AM UTC
Gabi, Umaga, Hapon
Pero siguro nga nababad na lang ang utak mo sa alak. Isusuka mo lang kinabukasan lahat ng salita **** binitawan. Binuga mo lang din palabas ng iyong baga ang pagmamahal na sinabi **** iyong handang ibigay. Nabilang ko ang bawat laklak, bawat sigarilyong iyong nasindihan. Pinagmasdan lamang kita. Pinagmasdan kung paano mo sasayangin itong gabi para lang iyong malimutan sa pagsapit ng kinaumagahan.
0
Dec 11, 2015
Dec 11, 2015 at 1:42 PM UTC
Alak
ilang beses mo itinatakda sa telepono ang alarmang gigising sa 'yo kinaumagahan? tipong ididilat mo na lamang ang mga mata, magdadasal, babangon, iinom ng mainit na kape, at wala nang iba. sana ganoon din dito sa amin. sa munting tahanan namin dito sa mandaluyong, pinalaki kaming alerto sa wangwang ng mga bumbero. ito ang alarmang gigising sa 'min kahit kami'y mga gising na. mapapipikit ang mga mata sa takot, sabay takip ng tainga, dahil sa sunod-sunod na sunog, tanaw mula sa bintanang karatig ng kama. paano nga ba matulog nang nakatatak sa isipan ang sangkatutak na pamilyang walang matutulugan? tag-ulan pa naman, maaaring bumaha. at sa tanghali kinabukasan ay bilad sa lansangan. paano nga ba matulog sa ugong ng mga trak na kumakalampag sa dingding, nanunuot ang alingawngaw sa balat? paano nga ba matulog sa ilalim ng kahel na kalangitan? takipsilim sa pagsapit ng alas-dyis ng gabi. kinain ng nagniningas na apoy ang orasan. pribilehiyo na ang tanungin ang sarili kung paano ka gigising bukas 'pagkat paano nga ba sila matutulog?
0
Jun 14, 2020
Jun 14, 2020 at 10:45 AM UTC
snooze
Pitumpu’t Lima, ‘Yan ang taong nandito ka. Ngayong upos na ang ‘yong kandila, Ilaw mo’y ‘di na mapupundi pa. Huling gabi mo na ngayon sa’yong tahanan. Ngunit ang buhos ng ula’y parang wala ng katapusan. Hindi ko alam anong gusto ng kalangitan, Subalit bakit ito’y tila nakatatahan. ‘Di ko lubos maisip na sa kinabukasan, Eto na ang huli kong masisilayan. Kung gaano sana kalakas ngayon ang ulan, Lahat ng ito’y hihina rin sa kinaumagahan. O kay dagli ng iyong paghimbing Sakit na ‘di mo mahahambing. Sa kabila ng hirap na ‘yong dinaing Lahat ng ito’y ‘di na sa’yo makararating. Sa larangan ng sining, Kami sayo’y nahuhumaling Iba ang taglay **** galing, Isa kang batikang itinuturing. Sa mga obra **** iniukit, Pasasalamat ang aming sambit. Mga ala-ala ng bawat saglit, sa puso’t isipa’y nakaguhit. Hindi man kasing husay at talentado, Larangang ito’y patuloy na isasabuhay ko. Pinapangako ko, aking Lolo Sandali nalang, Apo mo’y magiging arkitekto. Kung kami ay maglalambing, piging ang nakahanda sa’yong paggising. Tiyak ngayon atensyon mo’y sa lola nakabaling Kung mayroon lang kaming isang hiling, Ito‘y muli kayong magkapiling.
0
Jan 22, 2022
Jan 22, 2022 at 2:03 AM UTC
Ukit Ama
Alas dose Nagsisimula ang mga hirit sa pagsibol ng liwanag ng nagiisang buwan Dalawang anino ng mga pusong pinagkaitan ng panahon at pagkakataon Mga diwang hirap makatulog sa kabila ng pilit ng dalawang pares ng mata para pumikit Ala una Nagising sa biglaang pagtawag Sa kabilang linya, ang boses ng nagiisang tangi Mga matang pilit na dumidilat ngunit singkit pa din Alas dos Nagsisimula pa lang ang gabi Mga palitan ng salita at biro Oras na para matulog para sa isa, may pasok pa kinaumagahan Alas tres Ang oras ng kadiliman Na nagsilbing liwanag para sa dalawa Mga tawa nilang mas lumalakas At damdaming mas lalong lumalala Sa kabila ng lahat, hindi man tama Pagsapit ng alas kwatro Natulog siyang may ngiti At panalangin Na sana’y ganito sila palagi Ng kanyang natatangi
0
Jun 10, 2021
Jun 10, 2021 at 3:44 PM UTC
Alas tres