Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinakausap" poems
*Puso'y tumibok, Hindi hinimok. Kusang sumibol, Hindi naghabol. Naramdaman ang pintig, Binuhay ang pag-ibig. Nagmahal ng buong puso, Umibig ng totoo. Ngunit.. Hindi sinuklian. Hindi ipinaglaban. Ipinagpalit sa iba, Iniwang mag-isa. Luhaan ang mata, Damdami'y nagdusa. Piniga't sinaktan, Nawalang saysay ang ipinaglaban. Kaya... Nagmukmok sa kuwarto, Nagkulong, nagtago. Sarili'y inilayo, Nanlumo, tuliro. Tulala't mga mata'y mugto, Hindi kinakausap ibang tao. Nabaliw, nagpakatanga. Nagmahal na nga lang, nasaktan pa. Subalit.. Buhay mo'y mahalaga. Pamilya mo'y naririyan pa. Sarili mo'y nilikha, Nang isang Diyos na mapagpala. Maging matatag ka, Kalimutan ang sakit at magsimula. Matuto ka, Magbalik loob sa Kanya...*
0
Oct 16, 2015
Oct 16, 2015 at 12:01 PM UTC
Nagmahal, Nasaktan, Nabaliw, Natuto
Patawad kung di na ako nagsasalita, Kung di na kita kinakausap pa, Ayaw ko kasing masaktan pa, Parating na kasi ang araw na lalayo kana. Patawad kung nilalayo ko na sarili ko, At kung iniiwasan ko nang mga mata mo, Mahihirapan akong kalimutan ang mga titig mo, Lalo na ang epekto sakin nito. Patawad sa paghintong alagaan ka, Mahirap kasing makasanayan pa, Hahanap-hanapin kasi kita, Sa ganitong paraan mapapadali ang limutin ka. Patawad kung pinipili kong burahin ka sa aking ala-ala, Kasi ayaw kong may pinanghahawakan pa, Sana wag mo isiping hindi ka mahalaga, Minsan lang kasi ako magmahal kaso nawawala pa. Naiintindihan ko ang rason ng iyong paglisan, At dahil dito hindi kita pinipigilan, Sana masaya ka sa iyong pupuntahan, Patawad kung ibabaon kita sa nakaraan.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:41 PM UTC
Patawad Kung ( Tagalog )
Naalala ko noon, Hindi tayo nagpapansinan, Hindi tayo nagkikibuan, Hindi tayo naguusap, Lumilipas nga siguro ang isang araw na wala tayong pinaguusapan. Pero hindi mo lang alam kung gaano kita gustong mahagkan, masilayan, mahaplos ang iyong mga kamay. Noong mga araw na kapiling pa kita. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, kasi abalang abala ka sa ibang bagay. katulad nalang ng 'katext' mo Hindi mo alam kung gaano kita gustong kausapin. Hindi mo alam yun. Hindi. Hindi. Kaya ngayong wala kana :( tanging hiling ko lang naman kay bathala ngayon ay ang: Ibalik ang lahat. Ibalik ka nya. Ibalik ang mga araw na gusto kita yakapin. Ibalik ang mga araw na gusto kita hagkan. Ibalik ang mga araw na gusto kita kausapin. Pero alam kong malabo pa sa mata ng mga lola natin na mangyare ang ganung bagay. Kaya, eto ako. Kontentong kinakausap ka sa PUNTOD mo. Niyayakap ka sa Hangin. Kinakausap ka sa Dasal. Iniiyakan t'wing sasapit ang hating gabi. Hinahalikan ang LAPIDA sa PUNTOD mo. Pero alam kong alam mo na. Kung gaano kita gusto ng makasama ullit :'( Alam kong alam mo na. Gusto na kitang sundan dyan. pero hindi pa. Hindi pa. Hindi pa NGAYON. Dahil naasa akong, MABUBUO TAYO ULIT DI MAN DITO SA LUPA KUNDI SA KABILANG MUNDO #newbie #IMissMyMom
0
Jan 8, 2016
Jan 8, 2016 at 8:37 AM UTC
Paalam Na
Sa pagkakataong ito,masasabi  kong masaya ako Kasi naging tayo,Sa loob ng paghihirap ko Nakuha ko na din ang mahal ko Naging masaya tayo Sa araw araw na kinakausap mo ako Lagi mo ako sinasabihan ng mahal mo ako Pero lahat nagbago Nagbago nung nagkaproblema ka Yung problema mo pati relasyon natin,nadamay na Yung akala nila perpekto,ayun nasisira na Hindi ko iniisip na baka pagod kana Pero nababasa ko sa mga mata mo na awat na Hayaan nating puso ang magdikta Kung itutuloy pa ba ang magandang alala
0
Aug 22, 2016
Aug 22, 2016 at 10:47 AM UTC
Tayo
mag isa kang naglakad palayo naiwan akong nakaupo sa nilisan **** bangko sinubukan kong hintayin ang pagbabalik mo pero ako ay nabigo, ngayon habang nakatingala ako sa kalangitan pilit kinakausap ang buwan humihingi ng kasagutan sa komplikadong katanungan araw araw hinihintay ko ang sagot walang pake kahit nakakabagot gusto ko nang malaman ano iyong dahilan bakit mo kinailangang lumisan Isang bagay na natutunan ko nung ako ay iwan mo isang bagay na buong buhay kong pagsisihan isang malaking kamalian na nagawa ko sa isang karanasan at ayon ay maling mali maling mali na ginawa kong permanente ang isang panandalian
0
Apr 12, 2017
Apr 12, 2017 at 11:23 AM UTC
Ginawa kong Permanente ang Panandalian
ang sarap uminom habang malamig ang panahon habang nakikinig sa mga huni ng mga ibon bumili ako ng isang bote ng alfonso lumipas ang ilang oras tinamaan na ako heto nanaman tayo naalala ko nanaman yung dating tayo ikaw nanaman pumapasok sa aking utak sarap na sarap ako sa paglaklak naubos ko na hanggang sa huling patak hindi pa din gumagaling yung puso kong wasak napaisip ako ano ba talaga meron sa alak nabaliktad na ata at alak na ang may balak pangalan mo na ang nababasa ko sa tatak walang tawad na iyak at walang humpay na mga sapak napapaisip kung hanggang alaala na lamang ba at umaasa na ikaw ay babalik pa at magigising ka at parang kinakausap ka ng alak na itigil na wag ka na umasa dahil kapag iyong binaliktad ang salitang alak kala mo totoo kala mo mapapasayo kala mo hanggang dulo wag ka maniwala sa maling akala -r.g.
0
Jul 29, 2017
Jul 29, 2017 at 11:23 AM UTC
ALAK O KALA?
Ako ba'y naghihintay sa wala? Parang kay tagal mo nang nawala Ganun rin ba ang nadarama mo para sa akin Ako lang ba ang ganito sa atin? Sarili ko'y pipigilan Hindi kita hahayaang malaman ang aking saloobin Lahat ay gagawin manatiling kaibigan mo Gagawa ng paraan para makasama mo Hindi ako aamin Ayaw mo naman talaga sa akin Huwag mag-alala, ako'y lalayo na Pagkatapos ng Linggong ito, ika'y kakalimutan na Damdamin ay hindi hahayaang lumago Natatakot na hindi mo naman kayang magseryoso Ano ang aking magagawa Hindi naman planado ang aking pagsinta May mga bago ka bang babaeng kinakausap? May bago ka bang kinikilala? May bago ba na maganda, matalino, masayang kausap at kasama? Anong laban ko eh ayaw mo nga magkwento?
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 5:59 AM UTC
REMUE /reh-moo/
Sa mga gabing tahimik kinakausap ko ang iyong natatanging larawan at sa aming paguusapan na i-kwento ko sa kanya ang aking nararamdaman mga lihim at mga masasaya nating mga ala-ala dahil sa paraang ito alam kung papakinggan mo ang aking mga tugon at mga panalangin ngunit bakit sa tuwing Hawak ko ang nag iisa **** larawan napakaraming "Bakit" na gumagambala, mga tanong na naghahanap parin ng kasagutan sa aking isipan. At kung sakali man na masagot ang aking mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Kung sakali man na mapakinggan ang aking nga tugon at mga panalangin sana handa kana sa mga hamon ng buhay at Higit sa lahat sana handa kana sa nabuo nating pagmamahalan. At wag kang magaalala maniwala ka na "Mahal kita". Dahil kung mahulog man lahat ang mga bulalakaw sa kalawakan hinding hindo ako hihinto sa paghiling. At kung hindi na lumiliwanag ang buwan at ang mga bituin ako ang magsisilbi **** liwanag sa gabing madilim at sa gabing ikaw ay nag iisa. Hindi ako magsasawang ipaalala sayo kung gaano ka kaganda hindi ako titigil sa pagsabi sayo na mahal kita kahit na sa bawat pagbanggit ko sa mga salitang ito ay sakit ang naaalala mo. Ngunit pasensya na kung hanggang salita nalang ako sa nag iisa at natatangi **** larawan na hawak hawak ko ngayon at hindi na kayang hawakan pa ng nagdurugo kung mga kamay
0
Jul 17, 2018
Jul 17, 2018 at 10:21 AM UTC
Ang Iyong Larawan
"Distansya" Alam mo ba kung ano ang pinakamalayong Distansya sa dalawang taong magkasintahan,Partner,mag Asawa O ninyong Dalawa? Hindi ang lawak ng karagatan, Hindi rin ang tayog ng himpapawid sa kalangitan, Hindi rin ang nadistino ka sa ibang lugar at lalong hindi rin ang pagitan ng bansang pinuntahan para maghanap buhay. Kundi ang Distansya sa pagitan nyong dalawa. Yung tipong Kasama mo sya,nahahawakan mo pa at kinakausap mo ng harap harapan, Pero hindi ka nya naririnig. Parang wala ka lang sa paligid nya. Hindi nya nakikita ang Prisensya at pagmamahal mo kahit magkadikit lang naman Kayo. Kahit anong gawin **** pagsisikap para maging mag kaugnay kayo, Kung yung taong pinag-aalayan mo ng pagmamahal mo ay d na nakikita o hindi na napapansin ang halaga mo. Baka naman kasi,abala na sya sa mga bagay na malayo at wala sa tabi nya. At prisensya na ng iba ang hanap nya. Ikaw,anong Distansya ang meron sa inyong dalawa?
0
May 3, 2024
May 3, 2024 at 4:57 AM UTC
Distansya
Yung di tayo magkakilala Tipong ngayon lang nagkita Yung kinakausap kita Na tila hangin ka lang pala Yung ngingitian mo ako Kahit alam **** malungkot ako Tatayo at malakas natatawa At sasabay ang patak ng aking mga luha Sabay aper sayo Tapos kakaway ka palayo Hahabulin kita At titigil ka bigla Ikay bibigkas ng malakas Bulong lang saakin an lakas Maglalakad tayo At di na muling magtatagpo
0
Jan 15, 2018
Jan 15, 2018 at 8:10 PM UTC
Tula #1