Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jandel Uy Mar 2017
Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim,
   Ikaw na nakakapit sa patalim:

Di ba nasusugat ang porselanang palad
    Na kasing lambot ng puwit ng sanggol?

Sa matalim na kutsilyong kinakapitan
      Ano mang oras hahatulan ng lipunan?

At sa higpit ng piring mo sa mata,
     Pasasaan pa't mabubulag ka na

Ikaw na babaeng gumigiling-giling,
   Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi

Ang sugatan **** puso'y walang gamot
    Ngunit ang kandungan mo'y sagot

Sa mga problema ng mga lalakeng–
      Naghahanap ng panandaliang saya.

Ikaw ba, babaeng hubad,
   Naranasan mo na ba ang lumigaya?

Kumusta na ba ang anak mo sa una **** nobyo?
     Balita ko'y di ka na niya kilala.

Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya
   Na pinagkakasiya ang padala **** barya?

Naalala mo ba ang bilin sa 'yo
     Ni Karla na siyang una **** bugaw?

"Huwag **** bigyan ng puwang sa utak mo
      Ang sasabihin ng Inay mo.

Sasampalin ka niya, di ng palad niya,
     Kun'di sakit na dama ng isang Ina.

At iyon ang pinakamasakit
    Sa lahat ng puwedeng sumakit."

Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili
   Kung saan ka nagkamali?

Kung ilang liko ang ginawa
     Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba

Na pinamamahayan ng mga paniking
     Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos

Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili,
     Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang

Ang buhay nila sa dilim,
    Pasasaan pa't nasanay na rin.

Ikaw na isang mabahong lihim
   Ng mga mister na may misis na bungangera

Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag
     Sa mga suso **** malusog, pinili nilang humimbing.

Ikaw na pantasiya ng karamihan,
   Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan

Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli,
      Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo,

O ng matandang libog na libog sa mabango **** kepyas
      Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa ******?

Saan ka na ba nakapuwesto ngayon?
    Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora?

Ilan na ba ang napuntahan mo?
  Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog?

Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque?
      Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo

Kahit na alam ninyo ng Diyos
    Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno.

Ikaw na babaeng walang pangalan,
   Ano ba ang itatawag ko sa 'yo?

Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid
  O sa mga artistang iniidolo mo?

Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne
    Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui

Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe
    Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina

Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot
   Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo?

Ikaw na babaeng marumi,
  Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta?

Wala ka nang kawala sa dilim,
     Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga
        at  magpapasalamat sa biyaya.

Ikaw na babaeng bukod tangi,
   Ginawa **** lahat pero hindi naging patas ang mundo.

Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi
    Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
Jeremiah Ramos Aug 2016
Langhap.
Kumuha ako ng isa galing sa inalok **** kaha,
Hinawakan ko 'to na tila bang nakasanayan ko na,
Naka-ipit sa hintuturo at hinlalato,
Nilagay sa aking labi,
Hinihintay ang pagsindi mo nito,
Nilapit ko ang sigarilyo sa sumasayaw na apoy upang magsalubong,

Bago lumanghap,
Ramdam ko ang puso kong kumakarera sa kaba
Tila bang nagpupumiglas lumabas,
Langhap.
Ubo.
Buga.
Langhap.
Ubo.
Buga.

Hawak ko ang isang kahang inaalok ko sa'yo,
Nasa bulsa ko ang isa pa na uubusin pag-uwi,
Kumuha ka ng isa,
Sinindihan,
Ako ang lumapit habang nakasabit sa'yong labi
Na tila bang naghihintay kang sayawan ng apoy,
Langhap.
Buga.
Langhap.
Buga.

Hawak ko ang kamay mo na tila bang ang tagal na natin nagsama,
Nakakapit, ayaw bumitaw, parang dalawang bagay na ginawa para magsama
Hinintay ang tamang oras,
Nilapit ko ang sarili ko sa'yo,
Umaasa na marinig mo ang tibok ng puso kong kalmado,
Nagsalubong ang ating mga labi.
Sa wakas,
sa wakas.


Buga.
Lumipas ang ilang linggo,
Tinigilan kita.
Hindi dahil sa gusto ko pero dahil sa sinabi nila na hindi ka nila gusto
Sinabi nila na nahulog ako sa'yo ng husto
Hindi ko alam na kasalanan na palang mag mahal ng sobra

Isang buwan nakalipas,
Hinahanap ka na ng kamay kong wala ng kinakapitan,
Ng labi kong wala ng hinahalikan,
Ng mga baga kong naghahanap ng usok na naging tama para sa kalusugan,
Hinahanap kita.

Tatlong taong nakalipas,
Tumigil na akong maghanap.


Buntong hininga.

Tinanggihan ko ang isang sigarilyong nakalawit sa kahang inalok mo,
Inipit ang aking mga labi,
Pinigilan ang sarili,
Pinigilan ang pagpapapumiglas ng puso kong hinahanap ka pa rin.

Naglakad ako palayo,
huminga ng hangin na tila bang bago pa rin sa'kin
Sa wakas,
Hindi na kita hinahanap.
Sa wakas.
Poem about addiction (specifically to smoking) i guess
J Jun 2016
Mga sinambit **** salita,
Mula sa binitawan **** "mahal kita",
Naglalaro sa aking isipan,
Akin parin kinakapitan.

Sa pag pikit ko ng aking mga mata,
Ikaw ang laging nakikita,
Sa dinami daming dahilan para kalimutan ka,
Heto ako patuloy na nag-aantay kahit alam kong wala na,

Tanong ko sa aking sarili, bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa at marami namang iba,
Sa bawat luhang bumagsak sa aking mga mata,
Sa bawat sabi kong 'okay pa, okay na' may lihim na ayoko na at hindi ko na kaya.

Mahal ko, minahal mo nga ba ako?
Naniwala sa mga pangako **** napako,
Oo nga pala no? Lumipas na ang isang taon,
Ngunit ang nararamdaman kong ito hindi parin nakabaon.

Pero ipinapangako ko sa aking sarili,
Hinding hindi na ako magpapatali,
Sa mga matatamis **** salita,
**Kahit kailan hindi na ako maniniwala.
Tanggap ko na na hindi na para sakin ang iyong ipinipinta,
At sana sa pag pikit kong 'to hindi na ikaw ang makikita.
cherry blossom Jan 2018
Ang kailangan ko lang naman ay malaman na hindi ako nag iisa
Na sa layo ng paglalakad ay nandiyan ka pa
Sapat na sa akin ang maging mahalaga
Alam kong ilang beses mo nang nabanggit sa ‘kin ‘to
Pero nasaan ka na ngayon?
Alam kong madalas **** sambitin na nandiyan ka lang
Na hinahanap mo rin ako paminsan minsan
At akala ko kuntento na ako
Hinahagilap ko ang titig mo
Natatakot ako
Na hindi mo mapansin ang pagkawala ko

Ilang beses na rin ako nagpaagos sa alon
Ng walang nakapansin ng pagtangay sa ‘kin
Sagipin mo ako sa nagbabadyang pagkalunod
Hindi na ako magkukunwaring maalam lumangoy
Sagipin mo naman ako

Naiintindihan ko na hindi lang ako ang iniisip mo
Pero sana alam mo na ikaw lang ang kinakapitan ko
01/17/18h
fallacies Aug 2018
×
narinig ko sa isang sikat na himig at tono,
'aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo.'
aking aaminin, ikaw ang siyang pumasok sa aking isip;
sa mga salitang kanilang sinasambi't inaawit,
na tila musika mula sa isang panaginip.

naisip ko, paano ka naging siyang tahanan ko;
bukod pa don, ikaw rin ba ang siyang aking mundo?
kung saan malaking parte ng buhay kong ito;
naroon ka; hindi ka nawala ni hindi ka lumayo.

pero ngayong walang tayo na siyang kinakapitan ko;
nawalan ba ako ng tahanan? nawalan ba ako ng mundo?
naligaw ba ang musika sa dapat niyang tono?

pero sa kabila ng lahat, naisip ko;

kailan man hindi ka naging tahanan ko,
pagkat mas higit ka sa isang lugar
na inuuwian at tinutulugan
hindi ikaw ang tahanan; ikaw ang sa loob nito
na siyang dahilan kung bakit
ako umuuwi't natutulog sa tabi mo.
dahil hindi ka rin mundo na siyang iniikutan ko,
ikaw ang siyang kasakasama ko,
kasabay sa pag-ikot nito.

kaya aking sinta,
sa tahanan at mundong ito
iisa lang ang ninanais, iisa lang ang totoo
sa lahat ng ito,
ikaw ang siyang gusto.

— The End —