Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kaylangan" poems
Ikaw lang, (Pangako) Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit, Andito na ang iyong sandalang balikat Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat Napakaganda mo para saktan, hindi  kita matitiis Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman, Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan, Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang Hawak ang malambot **** mga kamay may ibinubulong ang boses **** malumanay “Andito ka na, di na ko nalulumbay, di ako sanay na ikaw ay mawalay” "Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan? Pinabayaan, at kinalimutan, Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang? Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
0
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 11:47 PM UTC
Ikaw lang, (Pangako)
NOBYEMBRE 20, 2018 hugis pusong inukit sa munting puno nagbunga ng matamis itong pagsuyo sa lilim ng mga sanga, saksi sa’ting pangako na tayo lang dalawa ang magkasundo ito ang ating tagpuan, na tayo lang ang may alam kaya nakalagay ang pangalan,pagkat dito ay atin lang ang payapang tahanan, ng ating pinagsamahan sa dahong kanlungan, na puspos ng pagmamahalan ang dibdib kong umaawit, habang pumipintig halina’t maging mainit ang dating lamig oh kay sarap palang kumapit, sa gitna ng ating bisig, (sa ilalim ng) hugis pusong inukit, simbolo ng dakilang pagibig may hangin na dumadampi wari’y halik sa’yong pisngi sa punong mumunti, rosas kang kasing pula ng ‘yong labi at meron pa bang tatatamis sa iyong mga ngiti kung tunay ngang ang ‘yong ganda’y nakakabighani sa punong may lilim, kasama kita aking sinta wala na kung hinihiling, kaylangan ko’y andito na sana dito nalang tayong dalawa’y mamalagi sayo ilalaan ang bawat sandali, at pangakong mananatili
0
Nov 20, 2018
Nov 20, 2018 at 12:05 AM UTC
Puso Sa Puno
Ang Paglimot ay isang pamamaraan upang makalimot. Sa isang simpleng salitang paglimot ito ay maraming mga masasayang alaalang syang magbabalik at hindi ito nakakatulong sa paglimot bagkus lalo ka lamang nitong sasaktan. Ang paglimot ito din ang pinaka mahirap na bahagi ng aking buhay bilang isang umiibig marahil ng bawat isa sa atin. Ang paglimot sa taong minsan ng naging parte ng ating buhay na ating minahal ng mahabang panahon at kahit sa haba na ng panahon na iginugul ay wala padin ang tamang panahon. Ang pagpapalaya sa taong ni minsan ay hindi naging akin. Hindi ba't masakit. Ou.masakit ang Masaktan at mahirap ang maranasan ang lahat ng ito, ngunit kinakailangan ko na din sigurong palayain ang sarili kong puso. O Kay hirap kang limotin. Minahal at minamahal kita ng hindi mo alam kaya't ngaun lilimotin na din kita ng hindi mo parin nalalaman ang tunay kong nararamdam. O Kay hirap ng palimot. Ligayang kakaiba sa tuwing ikay nakikita tila'y di ko maipaliwanag subalit ito ay kailangan ko ng limotin.Magawa ko pa kayang ika'y makalimotan ngaung pati sa pagtulog ko ay naroon ka sa aking panaginip. Ang kalimotan ka ay mahirap ngunit kailangan. Kaylangan kong turuan at tulongan ang aking sarili upang ikay makalimotan na ng tuluyan. Ang tanong ko Ano ang tamang pamamaraan upang ikay lubosan ng maibaon sa limot at ng wag ng masaktan pa ang puso kong mag-isang umaasa sa tamang panahon. O Kay hirap ang limotin ka.
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 11:09 PM UTC
"Ang Paglimot" November 28,2015
Isang araw nang matanong kita Mahal mo ba talaga Isang tulad kong di naman masaya Nakakagulat pa nga't nandyan ka Laging nasa tabi Na kahit umaga man o gabi Pinapasaya ako Mga matang inakip ang buong isipan ko Kaakit akit na salita binitawan mo Nang di mo napapansi'y Madalas kitang isipin Kaylan ma'y di nagbago Pangakong tinago Mga kasalanang naglalaho Unti unting nagagago ng tadhanang di natin mabago-bago kaylangan bang pahirapan bago makuha ang gusto katulad ng simpleng pagharap sayo marinig ang salitaang oo o ano mang salitang pwedeng makuha Para masagot mo ng totoo
0
Nov 23, 2015
Nov 23, 2015 at 3:41 AM UTC
Totoong kaylangang malaman
Daan-daan, libu-libo Daang-libo, daang-libo Umaasang may milagro Limandaang-libong piso Kayamanang kinurakot Ng pamilyang naging salot Sa bayan kong binaluktot Isasabog, baryang simot? Marami ngang naniwala Iba nama’y sakali, baka Kapag pera ang nagwika Sumusunod tanang dukha Kapag baya’y maralita, Karamiha’y mangmang pawa Konting kiliti at banta Utu-uto bumabaha Dumaraming maralita Kailangan ng kalinga Karunungan ay biyaya Ibahagi, ‘wag magsawa. Kawawa ang sambayanan Kung palaging iisahan Ang 4Ps, pera ng bayan Hindi ng angkang kawatan Panloloko ay tigilan Pandarambong ay tutulan Diktadura ay labanan Kabataan, mata’y buksan Bagong bayani kaylangan Karununga’y kalayaan. Malalawak ang larangan Sambayana’y paglingkuran
0
Sep 23, 2017
Sep 23, 2017 at 3:05 AM UTC
Bumabaha ng Inuuto (Floods of the Credulous)
Kaya ko na ba? Kaya ko nabang isipin na hindi kita nakilala at hindi mo pinasaya ng sandali ang buhay ko? Kaya ko na ba? Kaya ko na bang gumising araw araw na hindi titignan ang mga litrato mo nun masaya pa tau Kaya ko na ba? Kaya ko na bang sagutin ng walang pg aalinlangan ang tanong mo kung kumusta ako na hindi mg iisip na namimiss mo din ako Kaya ko na ba? Kaya ko na bang sabihin sa sarili ko sa harap ng salamin na sa bawat araw na hindi kita nakikita at nakakausap alam kong masaya ka na sa piling nya Kaya ko na ba? Kaya ko na bang banggitin ang pangalan mo na hindi iisipin na dati ay merong tau at ngaun kaylangan isipin ko na wala ng magiging tayo Kaya ko na ba? Kaya ko na bang hindi umiyak pag naiisip kita at ang mga nakaraan na kung paano mo ko minahal at sinabi sken na wag kitang iwan pero sa huli ako lng din ang iyong binitiwan Kaya ko na ba? Kaya ko na bang mglakad s harap mo na tulad ng dati di kita nakikita at hindi ka ng eexist s mundo ko at hindi ko na mararamdaman ang sakit ng gnawa mo. Sana kaya ko na... sana
0
Aug 7, 2018
Aug 7, 2018 at 6:02 PM UTC
Kaya ko pa ba??
Sorry Sorry kaayu nga ga samok² ra ko nimo, Sorry kaayu nga wala kooy ayo, Sorry kaayu nga gi guba lang nako imong adlaw, Sorry nga kaylangan pa ko nimo sabton every-time, Sorry nga dle tika madamayan sa mga time nga ikaw ang sad, Sorry nga daghan kay ko ug mga rason ug alibis, Sorry nga wala koy ikahatag para nimo, Sorry nga disappointment lang akong na gift, Sorry nga Disturbo ra kaayu ko, Sorry nga in.ani rako Sorry nga dili ko nimo ika pang hambog sa barkada ug pamilya , Sorry nga drama kaayu ko usahay, Sorry na kaayu ha? Sorry na nahigugma ko nimo, Lastly, Sorry you have to love worthless person like me.
0
Jul 14, 2019
Jul 14, 2019 at 3:08 PM UTC
Sorry
Sa mga oras na lumipas, nasayang at nawala Mabuti siguro kung di na natin ito ikabahala Madami mang ala-ala Unti-unting nauuwi sa wala Gusto ko tanongin kung bakit Kaylangan ba talaga maging ganito kasakit? Kaya ko bang maging masaya? Kaya ba kita makitang malaya? Ang inakala nating walang hangganan Mauuwi din pala sa iwanan Salamat sa ka-onting oras nating pagsasama Kahit ganon ang pagmamahal mo ay aking nadama Sana di mo ako sinaktan Dahil kahit anong pilit ko di na pwede ipaglaban At sa mga araw na lumipas Ang pagibig ay di padin kumu-kumupas Siguro nga tama na.... Paalam kasi.... tapos na.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 12:43 AM UTC
TAPOS NA
Mahirap pala sabhin usapan kaylangan ibahin “Joke lng po at haha ang aking reply pag feelings ko na ,ang hirap i- imply Bakit Kasi Ganyan ka  ang tanong ko sayo “Ewan” ang sagot pareho lng tayo Vans at Adidas man ang gusto ko Pero pramis and i swear babae tlga ako Mahihiya ako pag nabasa mo ito Baka tawanan mo lang itong tula ko Sabi mo nga ikaw lng ang pwede kiligin So u mean ako pde ...sa iba tumingin?? Di naman tlga kita pansin nun una kaya nga ng sorry! late kitang napuna pero happy ako pag kausap kita so friends n tlga tau ika nga nila Im not dat good in making tula pero ang cute mo tlga sa suot **** pula Ilan beses man akong mag thank u sayo Dont worry ok lng khit di maging tayo Hindi ko alam ang dapat sabhin Nahihiya ako sa dami ng inamin Baka tumawa ka un ang isip ko Sorry ha, eto kasi ang totoo Gusto na kita khit di ka maniwala Pag nalaman m ito, di ka kaya mawala? Masaya na ako masabi ito sayo Kahit friends lng tlga tayo.
0
Jul 16, 2018
Jul 16, 2018 at 2:35 PM UTC
Majal_12
Sa pagnanais kong mapasaya ka kahit ikalulungkot ng puso ko sinasakripisyo ko na,makita lang kitang masaya.Kahit ang  rason ng tawa't halakhak mo ay sa iba na. Ninais kong malibang ka pero d mo namamalayan napapalayo kana. Minsan ni tapunan ako kahit sulyap hindi na magawa. Sa sobrang pagkalibang mo ni hindi mo na namamalayan na ako pala ay nasa tabi mo. May pagkakataon na kaylangan ko pang kalabitin ka para malaman mong,ay andito pala ako.
0
Mar 15, 2023
Mar 15, 2023 at 2:53 PM UTC
Kasiyahan mo Kalungkutan ko