Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"karunungan" poems
“Mahirap na daw turuan ng bagong laro ang matandang aso”, siguro nga totoo ito. Pero may mga bagay na nalalaman ang matandang aso na hindi alam ng mga kabataan ngayon. Alam ng matandang aso ang sagot sa maraming talinghaga at hiwaga na taglay ng buhay. Nakita n’ya ang mga paliwanag na nagbibigay ng liwanag; nakita n’ya ang mga katotohanan at kasinungalingan na nasa pagitan ng mga sulok-sulok ng buhay. Alam n’ya na hindi lahat ng kumikinang ay ginto, na hindi porke kalmada ang dagat ay wala nang darating na unos. Hindi ibig sabihin na kapag komokak ang palaka ay tag-ulan na. Alam n’ya na ang kamatayan ay hindi talaga kasawian kundi isang bagong yugto, isang bagong pagsisimula at isang bagong anyo ng buhay. Alam ng matandang aso ang pagkakaiba nang tunay na umiibig sa nalilibugan lang. kaya natatawa s’ya kapag nakikita ang mga kabataan na inaabuso ang salitang “pagibig”. Mahina na ang katawan ng matandang aso subalit nananatiling malakas ang kanyang isip; malabo na ang kanyang mga mata pero malinaw parin ang kanyang puso at pandama. Marami na s’yang naisulat at marami na s’yang binigkas na mga talumpati, alam n’yang hindi lahat ng nagbabasa at nakikinig ay natututo. Marami sa kanila ay nananatiling mga ungas at gago. Alam n’ya na ang karunungan ay hindi agad-agad na tinatanggap ng mga hanagal na nakikinig, na hindi ang talumpati at panulat ang talagang nagmumulat kundi ang mga karanasan at mga pinagdadaanan. Malalim na ang gabi pagod at inaantok na ang matandang aso pero hindi s’ya makatulog. Dahil alam n’ya na sa bawat pagkahimbing ay laging may naka-abang na bangungot. Na ang bawat bukang-liwayway ay hindi laging may dalang pag-asa. Na, ang maghapon madalas ay isang tanikala na iyong kailangan na hatakin. Hindi naging masaya subalit hindi rin naman naging malungkot ang buhay ng matandang aso, pero hindi s’ya nanghihinayang sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kasabihan na “ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka”.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 7:32 PM UTC
ANG MATANDANG ASO

Continue reading...
3
Nilikha silang kaagapay ni Adan, Sa hirap at ginhawa, sila'y naririyan, Maging gabay sa hinaharap man o nakaraan, At punuin ang gabi ng walang pag-aalinlangan. Isa kang dakila at isang huwaran, Isang ina at ilaw ng tahanan, Mga anak mo'y iyong inaalagaan, Winawasto ang bawat nilang kamalian. Babae, ika'y kapita-pitagan. Babae, ika'y hinahangaan, Babae, ika'y karunungan, Babae, ika'y kayamanan. Katalinuhan mo'y lumalabas, Katapangan mo'y naipamalas, Kasikatan mo'y pumapaibabaw, Kagandahan mo'y umaapaw.
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 10:30 AM UTC
Babae
Ang pagibig sa karunungan ay walang katapat na halaga. Ang pilosopiya at salapi ay langis at tubig kailanman hindi ito maaaring magsanib. Si Socrates na ama ng pilosopiya ay hindi yumaman ni guminhawa ang kanyang buhay. Ang karunungan ay bahagi ng kaluluwa at ang kaluluwa kahit kelan ay hindi nangailangan ng salapi at materyal na mga bagay. Walang pera sa pilosopiya sapagkat wala rin pilosopiya sa pera. “Philosophy bakes no bread” pero ito ang pundasyon ng mga sibilisasyon. Ang kultura at ebolusyon ng lahat ng buhay at mga pangyayari at kasaysayan ay nakasalalay sa pag-unlad ng pilosopiya. Ang karunungan ay parang gulong na laging sumusulong. Ang lahat ng sangay ng kaalaman ay nakasalalay sa pilosopiya, pilosopiya ang nagbibigay buhay at nagpapagalaw sa mundo. Ito ang bumabago sa takbo ng panahon at isipan ng bawat henerasyon. “Philosophy bakes no bread” ang medisina, batas, arkitektura, literatura at lahat ng katha ng isip ay nakasalig sa pilosopiya. Walang kaayusan kung walang pilosopiya. Ito ang mapa ng mundo at kompas ng kasaysayan. Pati ang mga buktot na panukala at mga hangarin ay may bahid ng binaluktot na pilosopiya na binalangkas ng mga taong hangal. Ang pilosopiya ang lumilikha ng yaman at kahirapan depende kung paano ito ginagamit ng mga nasa kapangyarihan. “Philosophy bakes no bread” pero ito ang kanlungan at kapahingahan; ito ang nagbibigay ng kalayaan. Tanggulan ito ng mga mahihina at walang kayang lumaban. Sulo na nagbibigay liwanag at pumupunit sa dilim ng gabi.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:43 PM UTC
“PHILOSOPHY BAKES NO BREAD”

4
“Study everything, join nothing” - The Maverick Philosopher Hindi naman masamang siyasatin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating buhay-buhay. Ayos lang na basahin ang lahat ng aklat na gusto **** basahin basta’t makakatulong ito para makamtan mo ang iyong mga hangarin. Ayos lang na sumabay sa hangin o kaya naman ay tumakbo sa buhangin siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa bangin. Minsan ka lang mabubuhay at hindi na muling babalik ang kabataan, karapatan mo na pag-aralan ang lahat ng gusto **** mapag-aralan. Hindi mo kailangan na pumasok sa paaralan at magbayad ng pagkamahal-mahal na tuition fee, hindi mo kailangan maki-tropa sa mga bolakbol o kaya naman ay makipag-plastikan sa mga pantas na kung tawagin ay propesor. Magbasa ka at huwag umasa, hawak mo ang iyong buhay kaya’t hindi mo ito dapat na iasa. Kumasa ka kung kinakailangan upang hindi maging alipin ng sinoman. ‘Hwag **** antayin na turuan ka ng iba, turuan mo ang iyong sarili. Ok lang na maging makasarili basta’t kaya **** dalhin ang iyong sarili. Kumbaga wala naman masama na magsarili gamit ang iyong daliri. Basta ito lang ang payo ko: ‘wag **** sayangin ang ngayon. Wala sa organisasyon ang tunay na pundasyon. Ang karunungan ay hindi isang donasyon, pinaghihirapan ito tsong. At wag **** sabihin na masyado ka pang bata o di kaya naman ay matanda na’t huli na ang lahat. Walang malambot at walang makunat sa coconut na handang matuto. Panghuli gusto ko tandaan mo ito. Ang buhay ay hindi isang magandang panaginip hindi rin ito isang masamang bangungot. Ang buhay ay buhay, ganon lang kasimple, ‘wag **** gawing kumplikado. Kung may gusto ka gawin mo, kung ayaw mo naman edi ‘wag. Ika nga walang sapilitan kasi wala ka naman kapalitan ang importante ay matuto ka saiyong bawat ngayon.
0
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 8:14 PM UTC
MATUTO SA BAWAT NGAYON

7
Hindi ba umaabot sa langit Ang mga panalangin Na binubulong ko sa hangin? Masyado ba Kayong Malayo Para makita Ang mukha kong Nalulunod sa luha? Habang Kayo ay Walang imik, walang kibo Ako ay napupuno Ng mga problemang walang solusyon Ng mga tanong na walang sagot. Pero sa aking pagsapit Sa kailaliman, kadiliman Doon ko lang natanto Ang dahilan kung bakit Ako'y tila inyong Tinaguan, tinalikuran Dahil sa inyong Nakakabinging katahimikan Ako ay nagising Sa aking napakahabang idlip Kung saan nilamon ako Ng aking mga Makasariling panaginip. Namulat ang mga Nagbubulag-bulagang kong Mga mata sa Katotohanan, kalayaan Na nasa harapan Ko lang pala. Doon ko rin lang naalala Na mahal Niyo pala ako At walang ibang tunay na ligaya Kundi mahalin din Kita At tsaka, Natuto na akong Maghintay ng may Karunungan at Umindak sa sayawan Sa kabila ng Inyong Nakakabinging katahimikan.
0
Jan 22, 2014
Jan 22, 2014 at 11:58 AM UTC
Nakakabinging katahimikan
Katulad ko, ang tao’y sadyang mapaglinlang kung minsan Hindi lubos maisip na kayang gawin ng sino man Sa mga nagtitiwala sa iyong karunungan At ito’y maging sanhi ng sugat sa munting tahanan. Ang mga nakapaligid ay apektado rin naman Ngunit hindi kailanman na mas binibigyang-pansin Ang mga mapanglait at mapanghusgang katauhan Kaysa hinagpis ng mga nagmamahal na magulang. Ako di’y nasasaktan sa kanilang pagdaramdam Salitang binitiwan ng mga taong malapit man Ang lakas ng loob ay unti-unting napapawi rin ‘Tsaka mag-isang nagkukubli sa loob ng tirahan. Hirap mang unawain aking naging karanasan Hirap ding tamuhin na ika’y kanilang tanggihan Bunga ng kasalanan ay buong-pusong tanggapin Akin ring susuurin kung ano man ang nailaan. Natitirang lakas at tapang ay aking gagamitin Tuloy pa rin ang laban sa likod ng kabiguan Hanggang masalimuot na pangyayari’y maliwanagan Namnamin pati ang nalalabi pang kasiyahan. Taos-puso kong panalangin sa iyo, Panginoon Na ipagkaloob ang hinihinging kapatawaran, Ipinagdadasal ko ang minimithing kapayapaan At ipagdiwang ang dalisay na bagong kabuhayan.
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 10:16 PM UTC
Isang Yugto Ng Buhay
Daan-daan, libu-libo Daang-libo, daang-libo Umaasang may milagro Limandaang-libong piso Kayamanang kinurakot Ng pamilyang naging salot Sa bayan kong binaluktot Isasabog, baryang simot? Marami ngang naniwala Iba nama’y sakali, baka Kapag pera ang nagwika Sumusunod tanang dukha Kapag baya’y maralita, Karamiha’y mangmang pawa Konting kiliti at banta Utu-uto bumabaha Dumaraming maralita Kailangan ng kalinga Karunungan ay biyaya Ibahagi, ‘wag magsawa. Kawawa ang sambayanan Kung palaging iisahan Ang 4Ps, pera ng bayan Hindi ng angkang kawatan Panloloko ay tigilan Pandarambong ay tutulan Diktadura ay labanan Kabataan, mata’y buksan Bagong bayani kaylangan Karununga’y kalayaan. Malalawak ang larangan Sambayana’y paglingkuran
0
Sep 23, 2017
Sep 23, 2017 at 3:05 AM UTC
Bumabaha ng Inuuto (Floods of the Credulous)
Ilang paglalarawan pa sa takipsilim para ikintal na nakayuko nang namimighati Bigyan sana nang malawak na karunungan para makapagpasya sa huling hapon at hapunan Paano isalaysay ang naganap kung ang sinta ay laging hanap Bihira kumain-nangangayayat Nauutal sa una at panapos na  pantig ng pangalan ng liyag Sa hindi inaasahan ang kamay niya'y hiningi ng binata na kakilala't nanligaw Ipinangalandakan ang kasikatan Lahat ng kayamanan ng Antigo ay kuyom ng kamay Hindi tubo sa lugar-isang dayo Magaling sa panunuyo, sanay makipagsalamuha sa kapwa-tao Batbat ng salapi ang anino Mabulaklak ang dila at minsan ay palabiro Ilang buwan pa ang inalis sa kalendaryo at nangyari nang biglaan Unang pagkakataon na nasilayan na nakabelo Saan ba tutungo?
0
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 7:41 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #39
Handa na  ipagtanggol katumbas man itong sampung buhay Ang halaga'y higit pa sa inipon na mga koral sa karagatan Kung binastos kahit malinggit ay kikibo ang nanahimik na balasik Hinintay humulaw ang bagyo at si Dessa ay sumakay bago umuwi ng bahay Lumusong sa baha sa baryo at ginunam-gunam ang sandaling yaon Kung may oras sa pag-aaral gayun din sa paglilibang Ngunit ang kunting kalayawan ay naging hadlang upang makatanggap ng medalya ng karunungan Hindi bakal at kawad ang pag-iisiip para di matukso sa mga bisyo Sa pagsusugal ay nalulong Hindi mahilig sa anumang  pampalakasang laro Napasama sa kapatiran Dumating ang mga araw ang alingawngaw ay umabot sa ama Nagpakalasing noong gabi bago naglabas ng mga hinaing Mga salita niya'y matutulis, umuulos sa laman
0
Jan 10, 2019
Jan 10, 2019 at 6:15 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #47
“Live as if you were to die tomorrow. Learn as if you were to live forever.” ― Mahatma Gandhi Malaking bahay, maraming pera at katakot-takot na mamahaling mga bagay-bagay. Ito ang pangarap ng marami at pinagsusumikapan ng halos lahat ng taong nabubuhay. Kunsabagay walang masama sa mga ito, ika nga libre lang ang mangarap. Pero hindi lahat ay pinagpala, hindi lahat nagkakamit ng pangakong gantimpala. Kaya nga may mahirap at mayaman. Habang may mga nagpapala sa initan ng kalsada may mga naka-de-kwatro na salaula at mga mapang-upasala sa loob ng aircondition na ‘kwarto. Masarap maging mayaman, yun bang masagana at hindi kinukulang. Yung kahit anong oras ay ‘pwede kang mag-abroad, o di kaya naman ay kumain sa mga mamahaling restaurants kahit anong oras mo mapag-tripan. Tapos pag summer time na syempre maliligo naman dun sa Boracay. Foam Party sa gabi at katakot’takot na sosyalan sa buong magdamag. Sarap talaga ng buhay ng isang mayaman. Pero anong halaga ng lahat ng mga ito? Madadala mo ba ang laksa-laksang karangyaan na tinipon mo? Diba hindi naman?   Karunungan, ito ang higit na mahalaga – higit pa sa kayamanan. Hindi katalinuhan na nakukuha sa mga aklat at natutunan sa mga mamahaling unibersidad. Ang maunawaan ang katuturan ng buhay mo yan ang importante sa lahat. Ang lubos na maunawaan ang mga hiwaga na nasa pagitan ng pagsilang at ng kamatayan ito ang tunay na kayamanan. Ang umibig at yakapin ang minamahal na parang hindi mo na makikita ang bukas. Katulad ito sa sanlibong sinag ng araw sa iyong puso. Ang makita ang paglaki ng iyong mga anak at makasama sila sa hapag tuwing oras na ng kainan. Ito ang mga tunay na yaman na walang katapat na halaga. Ito ang mga bagay na dapat nating pagsumikapan na makamtan.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 1:58 AM UTC
HIGIT SA KAYAMANAN

5
Isugpong ang lupa't langit Lumaon na pagsuyo'y naaanod Sa kanluran ay naninikluhod na sana maging malubay ang kasikipan ng loob Ipagkaila sa tapat ng altar Tumanda na naangkin ay di ibibigay Di sadya man mamutawi sa labi ng mga kaibigan Mag salangsang sa pag-ibig at nang humanggan Sa wakas ay kusang mabubuhay Sa walang panahon o oras Ihuhubog ang mundo na tumila Gaya ng dasal ng patay sa kalawakan Ipagkaloob ang kasarinlan sa marubdob na kinikilos ng itong kaluluwa Mahiwalay sa katawang tao At ang karunungan ang siyang magpapalakad sa gawa ng Maylikha Sapagkat natumbok ng hirang ang budhi Hindi na kaya maitakwil Mismo ang kanyang kamay tumarak ng salapang Sinugat ang kaluluwa - inalila ng kanyang pagnanasa
0
Mar 10, 2019
Mar 10, 2019 at 7:36 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #62
Ulap sa lupa ang maputlang buhok Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok Isang obra maestrang handog ng Panginoon Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon Tigib sa pinong linya at kulubot Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa Marka ng walang katapusang pag-aalaga Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod Upang tayo ay mabuhay ng malugod. Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 12:12 PM UTC
Sa Kagandanhan ng Puting Buhok
At sumibol ang mga mapagbunying isipan sa makapal na balat ng lupa. ang pinagtatakhan ko lang ay bakit tila tinatangay tayo ng malakas na daluyong ng karunungan patungo sa dagat ng kalituhan? ito ba'y matatawag na kamangmangan sa sarili o sakit na nagdudulot ng panghihinang tumayo sa paa, na taas ang noo, at may pagkukusa? ano nga kaya ang nagtatago sa likod nitong makulay na isipan? nanatili ang karamihan na pikit-mata sa pagtanggap ng mga kaisipan ng kapwa habang ang iilan ay abala sa paghubog ng mga bagong panaginip na syang lililok o lilipol sa buong sanlibutan. hindi man sinasadya, o inaasahan, nagsilbing mantsa sa puso't puson ang mga panaginip na ito. kahit na sa mga pagkakataong sarado tayo. walang malay nating sinasagap ang mga pakalat-kalat na talino na para bang pagkain kung ito'y manukso sa nagugutom na kalamnan. kahit pa ito'y ikamatay, mapagbigyan lamang ang uhaw na nararamdaman. hanggang sa tuluyan na itong umalipin sa sinumang magtangka na kumawala. o sumpa ng galit na apoy ng nagbabagang impyerno? tayo lang ang inaasahang sumaksi, maging alin mang panig ay tama o mali. malaya tayong mag-isip at mawalan ng saysay na parang alikabok sa higanteng pusod ng mabangis na lipunan. o kaya naman, palihim na sumibol sa gitna ng disyerto kahit na nag-iisa.
0
Aug 18, 2020
Aug 18, 2020 at 9:48 AM UTC
Henyo
tangan ang papel nagsusumigaw ang pluma sumisilab na damdamin nais kumawala magdamag na nilimi ideyang ibinubulong hinabi ng karunungan sagisag ng regalo ng Maykapal
0
Jul 30, 2016
Jul 30, 2016 at 1:31 AM UTC
Tula (Poem)
Ang buhay ay paglalakbay At nang minsang nakasabay Kaagad kang umalalay - Kapwa tulong ating pakay. Kulisap ng karunungan, Naging susi ng samahan, Naging tulay na ugnayan - Agham na para sa bayan. Sa iyo aming kaibigan, Salamat ay walang hanggan. Ngalan mo’y kaligayahan Hindi makakalimutan.
0
Nov 10, 2018
Nov 10, 2018 at 12:31 AM UTC
Dalit-Pasalamat
Nais kong humimlay ang tibok ng puso sa saliw ng taludturan Subalit pipi ang mga daliri sa pagdiin sa tipaan. Mga hikbi’y nalulunod sa naiwang bakas naghihingalong daing kalungkutang di-matawaran Para na kitang anak, at maraming salamat Itinuring mo akong tila pangalawang tatay mo rin At sa wika ng sabong, sa lalawigan nating alamat hindi ka na tatyaw, kundi mahusay na talisayin Narating mo ang rurok At iyong hinawakan ang mga alapaap ng iyong malaon nang pangarap Sa musmos **** puso namulaklak ang maliwanag Sa isip na pinagpala nagbunga ng pang-unawa, karunungan at syensya’y para sa madla, ipamahaging parang kawanggawa. Hinahanap ka ng mga kabag na kinatakutan ng iba ngunit iyong kinilala’t niyakap: “Nasaan na si Kuya namin? Bakit di pa dumarating? Tutubusin niya kaming pawa sa panganib ng pagkasira.” Naghihintay mga bundok at gubat May luklukan pa sa yungib kung saan namamahinga ang malayang pangkat. Subalit tahimik, walang sumasagot . . . Puyat ka sa magdamag ng buhay **** makulay at tampok. Hindi ka sumasagot - Naabot mo na pala ang tugatog. Magkaganun man, malayo pa ang layunin Kami’y tutuloy pa sa ating lakbayin Paalam kasama, kaibigan namin. Mga aral na naiwan, laging aalalahanin.
0
Dec 11, 2018
Dec 11, 2018 at 2:25 AM UTC
Paghimlay