Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ESP Nov 2014
Naalala ko noon
Tinanggap mo ako ng buong buo
Sa inyong lahat ikaw lang
Kaya ayokong lumayo

Nagbago ka
Pinilit kong mahalin ulit kita
Kahit alam kong hindi na
ikaw ang dati kong kilala

Akala ko noon, magiging maayos ang lahat
Kung paano mo ako tinanggap noon
magiging ganoon din ngayon
Pero bakit hindi?

Ayoko sa lahat, iniipit ako
Ayoko sa lahat, papatali ako
Ayoko sa lahat, magiging alipin ako
Ayoko sa lahat, pipilitin ako

Gusto kong gawin 'to
Pero bigyan mo ako ng oras
Hindi ikaw ang mundo ko
na laging iikot lang sa'yo

Maraming nagsasabing
hirap na sila sa'yo
Gusto kitang iligtas
Gusto kitang magbago

Bago kita iwan
Sana kahit paano
May magbago
Kahit para na lang sa kanila

Babalik ako
At hinihiling ko
Sana bumalik ka sa dati
Parang noong unang tinanggap mo ako
Salamat marami akong natutunan sa'yo pero hindi ko na kaya.
cherry blossom Feb 2019
kinalimutan mo na kaya ako?
sa mga oras na nasa presensya ng bawat isa
naaalala mo rin kaya ang mga hangal na desisyong nagbuklod sating dalawa?

dahil ako, palagi.
sa tuwing nandiyan ay pinapauli-ulit
ang transisyon ng pagkawalay ng dalawang pinaglapit
sa pagkalimot ng isa
paulit-ulit nagsisimula sa umpisa
ani mo'y palabas sa sariling haraya

iniipit ako ngayon ng tahimik
ni walang imik sa pagitan nating dalawa
napagod na ang mga paang umakyat para lang matanaw
o magbigay ng senyas, nagdadasal na bigyang habag

napapangiti na lang sa mga gunita
dahil naaalala ang ilang beses na pagsuko at pagtayo namang muli
tulad ng paulit-ulit na pagtugtog
ng musikang nagpapaalala sayo
idk *** 2/4/19
tulad ng himig ng mga awit ng pag-ibig,
ang tamis at lambing ng mga ito.
kung may tinig ang pagmamahal,
maaaring ito ay boses mo.

bigla akong pinasaya,
ngunit bigla ring nagbago.
sapagkat parehong boses din
ang nagtapos sa ugnayang mayroon tayo.

ang tunog na noo’y nagbibigay-kalma,
ngayo’y iniipit ang pusong nagdurusa.
tinatakpan nang mahigpit ang mga tenga
kapag naririnig ang iyong musika.

ngunit kung ako ang papipiliin,
ayaw kong bumalik sa tahimik kong mundo.
at sa gitna ng ingay ng paligid,
sadyang boses mo pa rin ang hahanapin ko.

hirap sa pagtanggap
tungkol sa awit na nagtapos.
marinig lamang ang iyong pangalan,
ang hininga'y kinakapos.

nagsusumamo, nagmamakaawa,
magbigkas ka ng ilang salita.
hiling ng tenga at puso ko,
maari bang marinig ulit ang boses mo?
parinig ulit pt. 2

— The End —