Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"huhugot" poems
Susulat ako ng isang libong tula Kung ito ang magpapahilom sa pusong pagal Sa pag-ibig Isusulat ko ang tula sa dalampasigan ng alaala Na kasing haba ng aplaya Hanggang sa maghilom ang pusong sugatan Dulot ng iyong paglisan Huhugot ako ng maraming tayutay at saknong Na may lantay at tugma Sakaling anurin ito at mabasa mo Sa dalampasigan ng aking puso. Ikaw ang hugot Ikaw ang sagot Susulat ako ng isang libong tula Dito kung saan taya unang nagsimula.
0
Sep 20, 2016
Sep 20, 2016 at 3:41 AM UTC
Susulat Ako ng Isang Libong Tula
Sa lawas ng dalampasigan ko isusulat ang libo-libong tula at mula sa mga himig ng alon sa laot, doon ako huhugot ng mga tayutay at saknong na may lantay at tugma.
0
Feb 4, 2021
Feb 4, 2021 at 8:06 PM UTC
Tabing-Dagat
Sa aking isipan, ika'y aking kapiling Sa aking gunita, alaala mo'y hiling Ngunit sa'n ako huhugot ng alaala Kung sa langit kasama ka na ng mga tala Hindi man lang kita nasilayan Mukha mo ay hindi rin namasdan Bisig ko ay hindi ka nabuhat Init mo'y di ko manlang nadama Ano kaya ang himig ng iyong pag iyak? Musika ba sa akin ang iyong halakhak? Maliliit **** kamay, nais kong hawakan Habang mga titig mo'y di pakakawalan Sa diwa ko'y yakap yakap kita Habang ako ay may heleng kanta Sa gayon sa iyong mga labi Mayrong hatid na maamong ngiti Aking anghel, dito sa puso ko Mananatili bawat pintig mo Dito sa aking diwa at isip Habang buhay kitang iuukit
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 2:52 AM UTC
Inukit kong Anghel
Tititigan kita, Aaralin ko ang hugis ng iyong mukha, Tatandaan ang bilog ng ilaw sa iyong mga mata. Tititigan kita, Huhulaan ko ang tumatakbo sa iyong isipan, Huhugot ng kahulugan sa iyong ekspresyon. Tititigan kita, At mangangarap ng tayo sa kinabukasan, Hahayaang madala ng imahinasyon. Tititigan kita, Habang may tinititigan kang iba.
0
May 23, 2016
May 23, 2016 at 9:50 AM UTC
Titig
Matagal nang nagsimula at patuloy na umiiral Ang ating matinik na pakikipamuhay sa ating bayan Palagiang nasasadlak sa karalitaan Ang dugo ng kabataan, alay sa kasarinlan Tayong mga bulag, sa siyensiya at kapalaran Sa pagmartsa ng kalabang hindi natatanaw Naulit ang kasaysayang may isang kurso at galaw Bala para kay tatay ang anak ang namatay Bumagsak ang ekonomiya Lumambitin sa aming mga leeg Iniasa ang pagtaas sa aming mga bisig Habang si Alejandrino dumarami't nagbubuntis Ang batang henerasyon Patuloy na nililitis Kung ganun, Huwag ninyo kaming pababayaan, Paglustayan, paghirapan At pakikinabangan Sa gayong mga pumalya at matatanda Ay may aakay Walang huhugot sa Inang bayan- Kundi kaniyang kabataan
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 12:54 AM UTC
JOVEN HERNANDO
Di ko alam kung paano ko sisimulan ang nais sabihin ng puso at isipan Di ko din alam kung anung salita ang pwedeng gamitin para ipahayag ang saloobin ng damdamin ko at kalooban Lungkot, Inis, Galit, pagtatanong Alin ba dito ang nararamdaman? Saan ba ko magtatanong? kanino bako makikinig para masagot ang mga tanong tungkol sa aking nararamdaman Nakakalito, nakakapagod, di ko na alam saan ako huhugot, ng lakas ng loob para sabihin ang hanggang ngayon ay damdaming di ko alam. Meron kayang makakasagot, o baka naman tutulong makalimot, sa pakiramdam na ito na di ko maintindihan. alam kong nalilito kana.. batid kong di mo ko naiintindihan Pero ang nais ko lang naman ay merong makaalam, ng tinatagong damdamin na hanggang ngayon ay di ko alam.... Spoken poetry by edeng espinoza
0
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 10:16 AM UTC
Di ko alam..