Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 2016
Tititigan kita,
Aaralin ko ang hugis ng iyong mukha,
Tatandaan ang bilog ng ilaw sa iyong mga mata.

Tititigan kita,
Huhulaan ko ang tumatakbo sa iyong isipan,
Huhugot ng kahulugan sa iyong ekspresyon.

Tititigan kita,
At mangangarap ng tayo sa kinabukasan,
Hahayaang madala ng imahinasyon.

Tititigan kita,
*Habang may tinititigan kang iba.
From A Heart
Written by
From A Heart
1.3k
   3
Please log in to view and add comments on poems