"hibik" poems
PAG-IBIG, NAPA-KOMPLIKADO MO
NAGBUBUHOL-BUHOL ANG UTAK KO
MAPAGKUNWARI PA MINSA’Y SUSULPOT
WARI’Y NAGPAPANGGAP NA SUOT
MAPANGAHAS KA, AT WALANG PINIPILI
MATAPOS UMASA, PUSO’Y NASAWI
O MAPAGPANGGAP NA PAG-IBIG!
KAILAN KA MAKAKATIKIM NG GALIT?
TIWALA’Y NILAAN
PAGKATAPOS AY IIWAN
SUKDULANG HAPDI
KATUMBAS AY PIGHATI
HINDI MO BA NALALAMAN
KUNG GAANO KASAKIT MASAKTAN?
HINDI MO MANLANG BA TUTULUNGANG
MAG-HILOM ANG PUSONG NASAKTAN?
TATAWANAN MO NALANG BA
ANG PUSONG NAPILAYAN?
HABANG SA IYONG HIGAAN
IKA’Y SARAP NA SARAP SA PAG-HIMLAY?
O MAY AWA PA BANG NARARAMDAMAN?
SA PUSONG MINSA’Y MINAHAL
KAHIT HIBIK LAMANG NG BALIKAT
AY HUWAG SANANG IPAGKAIT
SA PUSONG MINSA’Y INIBIG
Mar 28, 2015
Mar 28, 2015 at 1:51 AM UTC
Hindi naman ako galit
Sayo'y hindi naman inis
Katapatan ganon parin
Kaibiga'y maramdamin
Patawad unang sambit
Nitong kaibigan ay hibik
Paumanhin nawa'y kamtin
Siyang aking panalangin
Sama ng loob ang dulot
Kaibigang aking nilimot
Ngunit hindi nayayamot
Mawala ka'y aking takot
Tawanan laging naaalala
Biruan nating masasaya
Payo mo'y pumapayapa
Ng pusong lagi lumuluha
Sanay 'wag akong limutin
Kaibigan nagtatampo din
Gaya mo rin, may suliranin
Araw-araw aking pasanin.
Patawad kung nahirapan
na ako ay pakisamahan
Patawad kung di masiyahan
na ako ay pakitunguhan
Sanay huwag magsawa
Laging may laan na unawa
Kahit minsan nagagawa
Sayo'y hindi na nakatutuwa
Mga salitang akin nabitawan
Pawang totoong kahulugan
Subalit kaaway pinipigilan
Ang pagbabagong inaasam
Ngunit iyong laging tandaan
Oh aking mahal na kaibigan
Ikaw siyang kinasangkapan
Upang tungkuli'y masumpungan
Salamat sa Dios sa tulad mo
Sa mabubuting aral at payo
Ako'y walang kabuluhang tao
Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
Jun 4, 2019
Jun 4, 2019 at 9:15 AM UTC
Sa sikip at kakapalan
ng iniwang usok,
mga langgam ay
di magkamayaw dito
sa kahabaan ng pila.
Hibik nang hibik nang
pumasok sa kaliwa
at sa kanan ng ika'y
nagaabang at tulala.
Tanda mo ba nang
dito'y nagkabungguan,
nakipagtitigan,
at nagtawanan sa
kawalan ng
ating kalikuran?
Sa hirap ng buhay
sinabi mo ang
iyong naranasan
at nangakong
hindi malilimutan ang
dating pinaggalinan.
Sa paglipas ng
apat na buwan
kahit bulong ay
hindi naaninag.
At ako'y nalinlang
sa pangakong
hinayaan mo na
dito'y matapaktapakan.
Jun 13, 2014
Jun 13, 2014 at 3:22 AM UTC
ikaw pa rin pala
ang pinagdadasal kay bathala
kapag gising na ang mga tala
sa dilim ng gabi
sa sulok na tahimik
bawat hibik
ngalan mo ang sabi
hindi ko hinihiling
na muling mabalik
tanging nais
tagumpay mo't mga ngiti
kaya't ngayong gabi
nakatingin sa buwang gising
na nag-iisang saksi
isang munting dalangin
para sa minamahal pa rin
Jul 23, 2018
Jul 23, 2018 at 12:46 PM UTC
Samo't saring emosyon
Tila bulkan na gustong sumabog.
Pakiwari niya'y lahat nalang ay kanyang kapintasan.
Maririnig ang hibik sa may dapit sulok.
Animo'y nagdadalamhati sa sariling sawi.
Siya'y pinagsapantaha sa kasalanang di ginawa.
Kanyang ipinagbatid nguni't tila sila'y bingi.
Umagos muli ang luha sapagka't pakiramdam niya'y hindi sapat.
Humiling sa itaas dahil ito'y nararapat.
At siya'y hindi binigo at binigyan ng abiso,
Isang salawikain na may naglalamang 'Sa mata ng Diyos'.
Nagbigay man ng kaginhawaan sa kanyang kaibutoran.
Datapuwa't hustisya ang siyang nararapat.
Hindi madaling magpatawad nguni't hindi rin madaling makalimot.
Darating man ang panahon na siya'y maghilom nguni't hiling niya'y kahit ngayon lang ay siya'y pagbigyan.
Sapagka't ang sakit ay nanatiling nakaukit.
Kirot na siyang nagbigay nang traumatiko.
At upang maibsan ang pakiramdam
nilinlang ang sarili at nagbabakasakaling halinhan ang nagbabagang deliberasyon.
Maaring marami ang nakakaalam nguni't tila sila'y bingi sa katarungan.
Sapagka't sila'y naaaliw sa kasinungalingan.
Na siyang nagbibigay sa kanila nang kaluguran.
Tanging hiling lamang,
na kung sinuman ang tumalima ay hindi danasin ang kanyang pinagdadaanan.
Dahil hindi madaling paratangan ng isang kasalanan na hindi naman ginawa.
Bagkus, pakinggan at umunawa para sa ikabubuti ng bawat panig.
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 8:21 PM UTC
Ngiti mo ay kay akit-akit,
Mga mata mo'y puno nang pighati.
Tila ito'y hibik ngunit walang kalatis.
Kaibigan, mayroon bang bumabagabag sa iyong paglingap?
Ipamarali mo at nang ika'y aking kalingain.
Datapwa't ako'y walang sinuman gayunman ako'y may kahabagan.
Kahit pilit **** inaakupado ang kanyang pag-iisip subalit pakatandaan na ang puso'y di marunong lumimot sa nakaraan.
Ano ba ang dapat **** gawin upang ika'y mapansin? Hanggang kailan matatapos ang iyong kalumbayan? Hanggang kailan mo siya alpasan? Mauuwi na naman ba sa balitaktakan?
May 23, 2022
May 23, 2022 at 8:51 PM UTC
Ang init ng lyong katawan,
Ang ginhawang nararamdaman,
Ang pakiramdam kayakap ka,
Hinahanap-hanap s'an man mapunta.
Sana'y kasama kita,
Sana'y makita man lang kita,
Sana'y di ako malayo sayo,
Sana mula ngayon hanggang dulo.
Sa lamig ng tahimik na gabi,
Nalulumbay, hinahanap ang katabi,
Ngunit sa paglingon ay wala ka,
Naalala ang pagitan nating dalawa.
Gusto kong hawakan ang iyong mga kamay,
Yakapin ka ng mahigpit ang walang humpay,
Hanggang sa madama ko ang tibok ng puso mo,
At hanggang sa madama mo na pareho lang tayo.
Aug 31, 2018
Aug 31, 2018 at 3:30 AM UTC