Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"guminhawa" poems
Duguan ang puso kong sugatan. Ang puso kong napag-iwanan. Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan. Hindi ko maintindihan. Akala ko ba walang iwanan? Pero sinarhan mo ako ng pinto, Sumama sa iba, tinalukuran mo ako. Hindi na ba ako mahalaga Kaya pinili mo sila? Sila na nasa ibayong dagat, Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat. Na kahit animo'y nahihirapan ka... Sa kanila ka pa rin pumupunta. Inay! Itay! Paano naman ako? Ako na naiwan dito. Mag-isa dahil wala ka. Mag-isang tinatahak ang aking buhay, Walang gabay. Walang kaagapay. Inay! Itay! Bakit natin kailangang maghiwalay? Bakit ba natin kailangang maghiwalay? Pera? Trabaho? Ang guminhawa ang buhay ko Kahit... wala kayo? Inay! Itay! Ganito na ba kahirap ang Pilipinas? Na ang mga magulang ko ay luluwas Magpapaka-alipin sa mga taong labas? Hahanap ng dolyar sa amo Dahil hindi sapat ang piso. Mag aalaga ng anak ng iba Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila. Inay! Itay! Umuwi na kayo. Nangungulila na ako.
0
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 8:25 AM UTC
D U G U A N
Ang pagibig sa karunungan ay walang katapat na halaga. Ang pilosopiya at salapi ay langis at tubig kailanman hindi ito maaaring magsanib. Si Socrates na ama ng pilosopiya ay hindi yumaman ni guminhawa ang kanyang buhay. Ang karunungan ay bahagi ng kaluluwa at ang kaluluwa kahit kelan ay hindi nangailangan ng salapi at materyal na mga bagay. Walang pera sa pilosopiya sapagkat wala rin pilosopiya sa pera. “Philosophy bakes no bread” pero ito ang pundasyon ng mga sibilisasyon. Ang kultura at ebolusyon ng lahat ng buhay at mga pangyayari at kasaysayan ay nakasalalay sa pag-unlad ng pilosopiya. Ang karunungan ay parang gulong na laging sumusulong. Ang lahat ng sangay ng kaalaman ay nakasalalay sa pilosopiya, pilosopiya ang nagbibigay buhay at nagpapagalaw sa mundo. Ito ang bumabago sa takbo ng panahon at isipan ng bawat henerasyon. “Philosophy bakes no bread” ang medisina, batas, arkitektura, literatura at lahat ng katha ng isip ay nakasalig sa pilosopiya. Walang kaayusan kung walang pilosopiya. Ito ang mapa ng mundo at kompas ng kasaysayan. Pati ang mga buktot na panukala at mga hangarin ay may bahid ng binaluktot na pilosopiya na binalangkas ng mga taong hangal. Ang pilosopiya ang lumilikha ng yaman at kahirapan depende kung paano ito ginagamit ng mga nasa kapangyarihan. “Philosophy bakes no bread” pero ito ang kanlungan at kapahingahan; ito ang nagbibigay ng kalayaan. Tanggulan ito ng mga mahihina at walang kayang lumaban. Sulo na nagbibigay liwanag at pumupunit sa dilim ng gabi.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:43 PM UTC
“PHILOSOPHY BAKES NO BREAD”

Continue reading...
4
Abuso at prostitusyon illegal sa mundo. Pangarap ng kababaihan hindi makamit. Suntok at sipa'y nararanasan nila. Itigil natin ang abuso sa kababaihan. Mga walang pangarap, prostitusyon ang pinangarap. Buhay nila'y nabigo, pag-asa nila'y naglaho. Nasakim sa pera, iniwan ang pamilya. Itigil natin ang prostitusyon sa kababaihan. Mga pag-aaral na nasayang napunta lang sa bisyu. Mga pamilyang iniwan, hindi man lamang binalikan. Madami silang pera, pero ang isip nila'y walang pakana. Itigil ang pang-aabuso at prostitusyon para guminhawa ang ating buhay.
0
Jan 20, 2019
Jan 20, 2019 at 2:07 PM UTC
Kababaihan
#072821 Hayaan **** magsimula ako Kung saan ang mga salita'y wala pang ugat Kung ang lahat ng salitang ibinibigkas, Ipinipintig ng puso't damdamin Ay nagmumula Sa'yo. Gusto kong sabihin Sa'yo nang harapan Lahat ng nararamdaman Gusto kong sambitin Yung bawat tugma ng salita Na pilit na kumakapit, kumakalas, gustong kumawala Sa katauhan kong hindi alam Kung saan nga ba papunta. Hindi ko masilayan kung saan nga ba ang mga bituin Ngunit siguro ako na ang Norte'y mararating din. Sa paglalakad ko, Patuloy na nangungusap ang Iyong mga matang Hindi ko pa nasisilayan. Ang mga mata **** luha'y ibinubuhos ng kalangitan At sa bawat pagpatak nito'y Pilit kong iniaabot ang bawat butil At sinasabi ko sa sariling, "Balang araw, wala ng luhang matitira pa." Maging sa pagkilos ng mga bituin At pag-ihip ng hangin, Ay masasabi kong panandalian lamang ang mga ito. Wala Akong gusto at iba pang hangarin Kundi paliwanagin ang mga nakikita ng iyong mga mata. Gusto Kong patuloy kang tuamakbo, Patuloy kang mangarap Kahit na pakirtamdam mo'y ikay nag-iisa. Ngunit sa paniniwala **** iyon Ay dahan-dahan Kitang aakayin at tutulungan -- Tutulangan papunta.. Patungo tayo Sa pangarap Kong laan sa'yo. At kung Ako.. Kung Ako man ang pinipili mo, Hayaan **** ika'y bihisan ko -- Bihisan nang walang pag-aalinlangan. Yung pag-aalinlangan mo sa sarili **** hindi mo kaya, Yung pag-aalinlangan **** wala nang pag-asa, Na 'yung sinimulan mo noo'y tapos na. Pagkat sa bawat pahina, sa bawat letrang inihahagis sa Akin patungo sa'yo Na para bang ito'y pulang laso Na patuloy Kong ikinakabit sa puso mo -- Sa puso **** patuloy na lumalayo.. Patuloy na nanganagmba Sa kinabukasang hindi mo naman makita. At sa kurtina ng Liwanag Kung saan masisilayan ang tronong kumikintab Ginto at pilak at kung anu-ano pang makikinang ay balewala Pagkat sa presensya Mo'y tanging lahat Ay masasabi kong may lunas na. Ang liwanag ng Iyong pagtitiwala sa akin Ay nasilayan ko na. Salamat, salamat Ama. Salamat Panginoong Hesus Dahil sa krus tayo'y nagtagpo. Patungo ako, tumatakbo sa kung saan man -- Sa kung saan mang lupalop na hindi ko maintindihan Na lahat ng bagay sa mundo'y patuloy na dumadampi sa akin Patuloy na pinipilit na sila yung makita 'ko. Na sila 'yung magliwanag sa mga paningin ko. Ngunit sa pagku-krus ng ating landas, Ay masasabi kong, "Masaya ako, guminhawa ang buhay ko," Yung pangarap Mo, sana ay pangarap ko na rin.. Yung kagustuhan Mo, sana magustuhan ko rin.. Sa na'y maisunod ko ang mga yapak ko.. Patungo Sa'yo.
0
Jul 30, 2021
Jul 30, 2021 at 1:58 AM UTC
Patungo Sa'yo

71
kumusta, kaibigan? halika't pakinggan ang istoryang dapat **** malaman sana ako'y iyong paniwalaan dahil hindi ito kathang isip lamang hindi ko alam kung kailan 'to nag-umpisa ano, bakit, o paanong nangyari, limot ko na bigla nalang nakaramdam ng lungkot at pagkabalisa patagong pagtangis sa gabi'y aking iniinda habang ako'y nakatulala sa tala tinatanong ang mga bakit kay Bathala may mga boses na nang-aabala hindi makita-kita, sino kaya sila? pagkagising sa umaga'y nariyan na naman sila kasabay ng aking almusal ay ang prisensiya nila ngunit meron akong naisip na ideya sa wakas ay matatahimik na siya sa paglubog ng araw sa kanyang kanlungan kasunod nito ang paglaya ko sa bilangguan ingay na naririnig, nawala na rin nang tuluyan ngunit kasabay nito ang aking paglisan kaibigan, sana'y iyong maunawaan sa pagtatapos ng aking istorya ako'y tunay na naging maligaya ang aking buhay gumaan't guminhawa kasabay nito ang pagtahimik nila sa pagkupas ng aking larawan kasabay ng pagpatak ng ulan aagos ang lagaslas ng dalampasigan at ako'y tutungo sa paraisong kalangitan kaibigan, ako'y hindi lumisan sa mundo dahil ginusto ko kundi para ito sa ikakatahimik ko
0
Jul 23, 2021
Jul 23, 2021 at 4:08 PM UTC
Untitled
Salamat sa iyo Sa iyong mga salitang nagbibigay ginhawa Sa utak na pagod Sa iyong mga brasong tila pinoprotektahan ako Sa kahit anong sakit Salamat sa iyong pangagalaga Para sa isang baliw tulad ko Salamat sa iyong pagbigay-ginhawa Para sa ‘di matahimik na ingay ng aking kaluluwa Itong buong linggo ako’y biniktima. Biniktima ng mamamatay-tulog na kriminal. Ngayon, dahil sayo ‘Di pa rin ako makakatulog sa mga gabing lumilipas. Ngunit guminhawa ang aking isipan, At nanahimik ang mga boses na nagbibigay-sakit dito.
0
Dec 14, 2017
Dec 14, 2017 at 11:47 AM UTC
Isipang Gumiginhawa