Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"duon" poems
Mahal, Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya? Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan Na hindi ko malaman Kung saan nanggaling ang mga iyan Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata? Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako? Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw? Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko. At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita” Dahil ako? Naalala ko pa Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita” Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita” Dahil sabi mo, Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako Kahit masakit, kakayanin ko” At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.” Tinanggap kita. Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo. Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako? Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita? Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo? Hindi naman diba? Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal Hindi sila yung sinaktan at iniwan Ilang gabi akong umiyak Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba? Kung masaya pa ba ako? Kung pagod na ba ako? Hanggang saan yung kaya ko? At duon ko natagpuan Duon ko natagpuan ang sarili ko Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako” Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako? Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo? Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo? Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo? Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”? Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo? Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto? Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako Kasi mahal, gusto kong magpahinga Para muling madama ang init ng pagibig Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao Mahal, patawad. Mahal kita, pero pagod na ako Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
0
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 7:54 AM UTC
Mahal kita, pero pagod na ako

Continue reading...
62
maglayag gamit ang bagwis ng alapaap duon walang sino mang makaka-apuhap sa bawat hikbi ng pag-iyak halu-halong luha ng galak pakawalan ang enerhiya ng kamalayan sa araw-araw **** ensayo ng paglisan ipagmalaki ang kulay ng iyong pagbabago sabihin ng matingkad sa mundo at wag itago magpakatatag ka sa hamon ng kaibigan hawakan ang ningas sa iyong mga kamay maging mahina sa tawag ng pagmamahalan ibalik-tanaw ang ibinunga ng iyong tagumpay!
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 11:29 PM UTC
=_Tanglaw at Panglaw_=
ang buhay daw parang umiinom ka lang ng kape hanggat mainit at umuusok grab ka lang unti-unte abutin man ng paglamig sa muling pagbabalik duon mo lang mamamalayan kung paano ka nasabik ang kape tulad din naman sa ating buhay kanya-kanyang panlasa para hayahay ang buhay at kape may pagkakataong hinde natin timpla ang mahalaga ay kung paano naten haharapin ang bagong umaga "And what I'm trying to say isn't really new It's just the things that happen to me when I'm reminded of you !!! " wala sa tamis o tapang kahit na nga matabang ang ikasasarap ng isang kapeng timplado sa araw-araw na buhay ay nasa pait nito !!! " Like when I hear your name or see a place that you've been or see a picture of your grin or pass a house that you've been in one time or another it sets off something in me I can't explain and I can't wait to see you again !!! " kamusta ang buhay?  tara kape tayo
0
Nov 14, 2015
Nov 14, 2015 at 8:59 AM UTC
tatlong ihip
muli sa inyong harapan,walang kiyeme.Ako'y may luha ng galak  na sumasainyo pigil hininga sa mga katotong bantayog na nakakasalamuha ko halos hikahos kong kinu-kuyumos yaring mga mata ko na wala pang hilamos pagkat sa tulad kong aba' ,kada rima ay sadya talagang mana nga o para sa tao etong aking paghangos! isang nilalang na ang kara ay tila ba mapalad na albularyo na di man lang kapara ng doktor na malawak ang bokabularyo kaya't halina at ating paigtingin ang naturang tula at talumpati sa tamang panahon at termino ng huwarang tupa at puting kalapati ehem,,ayon daw sa isang bokasyon dapat raw eh mag-bukas 'yon Oo."ang hawla na seremonya sa KASAL at tanging tali lamang ang may SAKAL LAKAS sa paghila,manapa nama'y banayad AKLAS man ang reaksiyon ng pagaspas sa paglipad magsisitingala ay LAKSA hanggang ang pares ay magsidapo mapapahangang gaya sa SAKLA.,tagos agad walang kahapo-hapo edi wow aww aww...kahol ng bantay-bombang ASKAL habang nababakas ang kasiyahan ng kapwa magpupulot-gata at ng mga saksing sabik sa sabaw kapagdaka'y palakpakan naman ang siyang sa paligid ay pumaimbabaw LASAK man na sa paningin ang pulang alpombra,hinde naman matatawaran mga alaalang duon ay naihalal!
0
Nov 13, 2015
Nov 13, 2015 at 3:25 AM UTC
" K A L A S - meyt "
Sa kanya pa salamat ang aking laging sambit... Dahil sa’yo, ay may na ramdaman ng hindi pinipilit... Nang makita ka, oh ano aking tuwa... Titigan ang Magandang **** mukha, hindi naka ka sawa... Di ma hanap ang saktong mga salita... Para ma ilarawan ang tunay nararamdaman para sa’yo aking sinta... Pag ibig mo mahal ko ang aking tanging hangad.... Ginagawa ko para sa’yo, Ako’y hindi nag papa bayad... Pag mamahal mo lang ang tanging ibig aking sinta... Ngunit mas lubos pa roon ang sa akin ay iyong pinag ka loob, Ngite’y Di ma ipinta... Lubos na pag mamahal ko sa’yo ay nais kong ihingi ng tawad... Dahil para sa’yo lahat ng ito’y masyadong maaga at sagad... Sagad? Malamang ang iyong tanong? Ulit sasabihin ko‘y walang tamang sagot sa aking bugtong... Pala isipan nga kung iyong iwika... Sagot ko ay malamang Ito ang naka takda... Na tayong dalawa’y ay mag kita at mag ka kilala... At dahil duon, sa akin ay naging inspirasyon ka... Sobrang mahal na mahal po kita... Kung Sabihin sa’yo ito’y pa ulit ulit at sadyang hindi na kaka sawa... At sanay nakikita mo Ito sa aking mga gawa...
0
Dec 7, 2018
Dec 7, 2018 at 1:48 PM UTC
Unang Liham
dahil wara katapusan an duon san mga mata mabubuhay akong minamatay san dating kaaway ko sa lawas na ini sa lawas na ini naghambog an talawon pinapagubtik an kaaluhan na nagpapamuda muda na nagpupukaw saakon gurugab-i kendi na nagpapahibi mesias na naghahala-hala magiging madalas an pagsid-ip niya sa bintana para laen ko makita an liwanag malaog siya sa kahon ko laen para magkawat kundi dagdagan an pagub-at makasakat an pagbagsak siya na ako masurat tula. ~Written by Melton Balicano (a bikol dialect) since these eyes have been weighed down on unending i shall live while being slain by an old foe in this body this body where the craven had once boasted surging chagrins that blaspheme blasphemy that rouses this corpse in the dark treats that shed tears a messiah that taunts. he shall constantly peep through the window so that I see no light he will break in my casket not to thieve but to burden further the downfall shall rise then he becomes me penning a poem. ~a translation of Balicano's masterpiece Glenn Sentes
0
Mar 6, 2013
Mar 6, 2013 at 7:59 PM UTC
Sepsis
6:40AM... Oras. Oras. Oras... Panibagong oras ang dumating, Ngungit di parin nagbabago ang aking hiling, Unang sulat ng taon, Parang tubig na umaalon. Sa sobrang lakas nito, Ako’y tinamaan sayo. Tinamaan sa bawat memorya, Na hinahanap hanap kung nasaan ka. Mga memorya kung saan bago, Na alam kong ako’y hindi matatalo. Pumasok ka pa lang sa buhay ko, Duon pa lang panalo nako. Di alam ang mga salita na bibitawan, Sa sobrang pagmamahal na nakasanayan. Isa lang ang masasabi ko, Sa’yo ko lang nakita ang tunay na pagmamahal na punong puno ng aking dasal. Na alam kong lahat ng ito ay hindi panaginip. Maligayang Bagong taon aking Binibini! Oras na para patunayan kung ano nga ba ang pagmamahal.
0
Dec 31, 2019
Dec 31, 2019 at 5:41 PM UTC
January 1, 2020
Sobra kung sobra, Pero para sa akin ay isa kang obra maestra.... Pinag isipan At pinag hirapan, Bawat hulma mo’y wangis ay kagandahan.... Ikaw ay dyosa sa aking paningin, Halimuyak **** hatid, halimuyak na hina hatid ng hangin.... Hangin na humahaplos sa aking puso, Hangin na nag hatid sa’kin, sa ating paraiso... Paraiso na tayo Lang ang may alam, Paraiso na likha mo, paraiso na aking ina asam asam... Duon ay tayo lang ang mag kasama, Tayo lang “sana”, ok lang po basta wag lang ma coma... Makalimutan ang aking Gustong tukuyin, Ala ala’y wag sanang tangayin ng agos ng hangin.... Ma iksi pero masasayang ala ala, Habang naka tingin sa iyong magagandang mga mata... Mata na kasing Ganda ng mga tala... Tala na nag bibigay sa akin ng saya, Saya na nararamdaman kapag ka piling ka.... Wag ka na sanang lumisan pa sinta...
0
Dec 7, 2018
Dec 7, 2018 at 1:47 PM UTC
Dyosa sa paraiso