Naalala ko noon, saksi ang kalawakan kung gaano natuwa ang aking puso ng ika’y nakita. Ramdam ko ang tibok ng aking puso, dahil sobrang kinikilig ako. Magkahawak kamay. Yun bang HHWW sa burnham park pero.... pero isang gabi, bigla nalang bumigat ang pusong dating kinikilig, at biglang nagkahiwalay ang ating mga kamay. Mga ala alang inukit dito sa aking puso, bigla nalang nag laho.
Ang ngiti sa aking mukha napalitan ng sakit, ang dulo ay iyong natagpuan. Bakit? Bakit hindi ka lumaban? habang ako, hindi nawawalan ng pag asang mananatili ka dito. Bakit hindi ka kumapit? Habang ang kamay ko’y mahigpit ang kapit sa kamay **** bigla nalang nanlamig. Noong gabing yon, naglakad lakad kung saan saan, at ang mga nadadaanan nakikisabay pa sa aking kalungkutan mga tugtugin na para bang alam nila ang aking pinag dadaanan, para bang nananadya ang tadhana. Ang dami ko palang karamay sa lungkot, na dulot ng kahapon. Pero bumalik ako nagbabasakaling babalik karin sa piling ko.
Noong pumikit ako, nang makita ang dilim, natakot na baka ito rin ang iyong nakita ng ika’y lumisan sa aking piling. Ngunit tinangay ng hangin ang takot at napalitan ng tuwa ng ipakita saakin ang liwanag, at nandun ka. Habang nakapikit ako, makita ko sanang muli ng malapitan ang mukha mo, na sana ang ngiting iyong iniwan dito sa lupa, dala dala mo parin nang ika’y nakarating sa kung saan ka nararapat.
Pagdilat ko, matapos ang gabing punong puno ng pait at pasakit, saksi ang kalawakan kung gaano nasaktan ang puso ng ika’y lumisan. Ngunit hindi na kasing sakit ng dati, dahil alam kong masaya ka na, at hindi kana nasasaktan, dahil kasama mo na ang lumikha sa sayo. Pangako, nandito lang ako, na kahit nagtapos na ang kwento, ng ikaw at ako, ang tayo. Hinding hindi ka mawawala dito sa puso ko.