Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JK Cabresos Nov 2011
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan;
Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala,
na ikaw sana'y magbalik.
Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan:
Nasa'n ka na nga ba?
Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit.

Nalulunod ako sa mga luha
sa bawat oras ng pagkadapa,
Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati;
'Sang pinsala dulot ng pag-ibig
na nawaglit lang ng bigla
Nasa'n ka na nga ba?
Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali.

Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal,
At sa pagdating ng hating-gabi,
ginagapos ng lubid ng karimlan:
Walang mahagilap na dahilan
sa paglayo mo mula sa 'king piling,
Bukod-tanging kahapon na lamang
ang aking sinusubukang gunitain.

Subalit gulo ang s'yang aking batid,
pait ang s'yang aking lasap;
Ni walang kapayapaan,
ni bigkis man lang ng galak.
Tayo sana'y ikakasal na, ba't ka pa lumisan?
Nasa'n  ka na nga ba?

At kung hindi ka pa rin darating,
sa panahong mundo na'y magdidilim,
Maghihintay pa rin ako sa 'yo
hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
© 2011 (Revised)
sa may dagliang liko
abot ng aking ligaw na sulyap ang
sabungan. matatas ang kanyang
ngalan.

"Cockfighter's Rendezvous" kaunting
lakad lamang pabalikwas sa
MERALCO kung saan isang mahabang
karagatan ng tao ang pilit
na inaalon ng bayarin, kaltas
sa sahod, bulag sa paroroonan.

ayon sa mga akda ay mayroong
Kristo sa sabungan. siya ang
nangangasiwa sa aliwan ng mga
drayber. ang matalas na tari
ng kanilang hagikgikan
ay lumulubog sa haba ng
pantimpalak

naroon daw si Kristo
habang
ang dagundong ng batingaw
ay tulog sa tore.
pitikan ng pitikan ng yosi
kung saan na lamang maisipan
ng pagod na kamay na may samyo
ng dala nitong lansa,
at matapos ay papasok ng muli
sa simbahan kung saan
kasabay ng pag-danak ng dugo
ang pag-kubra ng nag-wagi.

hawak ni Kristo ang patay
na manok,
nasusulat sa tari ang
linya ng dugo.
alam ko naroon si Kristo.

hawak ni Kristo
ang mga baryang kumakalansing.
ilang pirasong pag-asa
para sa pawisang drayber,
para sa parokyanong lasinggero,
para sa baguhan sa aliwan,
para sa llamado.

hawak ni Kristo ang lahat,
at siya ang panuto
sa pagsusulit ng ganid.

pauwi na ako. wala na ang
alingawngaw ng sigawan.
Lunes nanaman at ramdam
ng lahat ang bigat
ng parating na mga araw.
Kay sarap titigan ng langit,
Habang unti-unting bumababa ang araw,
Siya namang paglabas ng buwan,
Kasama ang mga libo-libong bituin,

Tuwing dumarating ang takipsilim,
Ika'y aking naaalala,
Ang mga matang kumikislap sa dilim,
At ang iyong ngiting nakakahumaling,

Ang takipsilim daw ang pagtatapos,
Ng bawat araw na ating nalalasap,
Sa t'wing tumutunog na ang batingaw,
Isang araw nanaman ang pumanaw.

Sa tuwing lumulubog ang araw,
Ikaw ang aking natatanaw,
Bawat araw ay ikaw,
Ang aking iniisip.
solEmn oaSis Apr 2017
when " WORDS ACT LOUDER THAN SPEAK " ....
That is the time our voices are reverberating
just like what you said my co-Poet joining me here in commemorating ;) <3
at ngayon ko lang nalaman na ang alingawngaw
...... ay tila isang tahimik na bakal na kapag kinalembang...nagiging batingaw !
let us all celebrate poets and writers!
The LEGACY of our very own
Hello Poetry
leads us-followers or viewers into a such LITURGY!!
i am so happy for this new look changer.
Jun Lit Mar 2019
Hinahanap kita, Kaibigan . . .
Tinatawagan kita, Kapatid . . .
Sabay tayong nanghiram ng aklat,
sa Aklatan ng Pag-asa,
Kaya’t sakdal-pait nang nabalitaan ko
ang talaan ng buhay mo’y binawi na
Pilit pinapawi
Ng paroo’t paritong mga alon
at ihip ng hangin
Ang mga impit naming pahatid
Na iniukit
Ng mga palihim na hikbi
Sa tila natutulog na buhanginan
Sa dalampasigan
Ng ‘yong puso. Namamahinga ka na ba
aming Kasama?

Hindi mawawala
ang iyong pangalan
sa harap ng pinid na pintuan
Ng kani-kanina lang
Ay dambana
Ng iyong tila hindi nangangalay na panulat
At tabernakulo
Ng namimitig na mga binti
Ng nagtalumpating tinig.

Namamahinga ka na kapatid.
Ngunit hindi mapipipi ang batingaw
Na kahapon, ngayon at bukas ay magtatawag
Ng mga kapanalig,
Pagmamahal sa kapwa, sa bayan, sa kalikasan, sa daigdig.

Sumisilip na ang araw.
Mamamaalam na ang mga tala.
Patuloy na nagliliwanag ang bituing
Ikaw, oo, ikaw, maningning.

Hihimlay kang tahimik
sa puntod at bantayog
ng mga hindi namin malilimutang
Paninindigan. Pahayag. Panawagan. Paala-ala.
dahil sa isip at puso namin, isang Bayani ka
at maraming salamat na ikaw ay nakilala
at aming nakasama.
para kay Dr. Perry S. Ong, Oktubre 2, 1960-Marso 2, 2019;
Bayani ng Laksambuhay at Agham sa Pilipinas
[This poem is dedicated to Dr. Perry S. Ong, Dean of the College of Science, University of the Philippines Diliman and the most prominent leader of the conservation movement in the Philippines until his untimely demise.].
Ayelle Garcia Jun 2015
Bigkis ng nakaraang napagtanto,
Kamalayang pawang kay gaan.
Pero sa malay ba ng musmos na santo
Kung panaginip ba or mapaglaro ang nagdaan.

Hindi ko lubos iisipin kung mag-isa ang hangin
Sa pagtulak ng mga batingaw,
Bagkus umusbong na ang talinghaga't tingin
Sa musmos na pumanaw na sa katotohanang pumukaw.
one of the rare times I write poems in the Filipino language, and it's hard to translate some of the words cause they're deep and the meaning changes. but props to the rare times I write in my native language.
Prince Allival Mar 2021
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan
Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik.
Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba?
Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit.

Nalulunod ako sa mga luha
sa bawat oras ng pagkadapa,
Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati;
'Sang pinsala dulot ng pag-ibig
na nawaglit lang ng bigla
Nasa'n ka na nga ba?
Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali.

Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal,
At sa pagdating ng hating-gabi,
ginagapos ng lubid ng karimlan:
Walang mahagilap na dahilan
sa paglayo mo mula sa 'king piling,
Bukod-tanging kahapon na lamang
ang aking sinusubukang gunitain.

Subalit gulo ang s'yang aking batid,
pait ang s'yang aking lasap;
Ni walang kapayapaan,
ni bigkis man lang ng galak.
Tayo sana'y habangbuhay na, ba't ka pa lumisan?
Nasa'n  ka na nga ba?

At kung hindi ka pa rin darating,
sa panahong mundo na'y magdidilim,
Maghihintay pa rin ako sa 'yo
hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
wizmorrison Jul 2019
Akala ko dati ay tama ang pinasok ko,
Ngayon sa aking pag munu-muni’y aking napagtanto
Hinyaan kitang pumasok sa puso ko
Di ko alam na ito’y wawasakin mo.

Noon ako ay nagpakatanga sa iyo
Marahil ay mahal kita kahit ika’y gago…
Noong panahon na lumisan ka
Lahat ng pagmamahal ko saiyo ay nawala.

Noon ay nanumpa ka’t nangako
Hindi ko alam na ito pala’y mapapako,
Sabi mo hindi mo ako sasaktan, alam mo bang sa ginawa
Mo ay para mo na rin akong sinasakal?

Para kang kabute na sumulpot sa kong saan
Ngunit bula namang maturingan;
Pinaghirapan mo akong madungkit ang masaklap lang
Ay binitiwan mo’t di na nagbalik.

Sa tuwina ay maririnig ko
Ang malakas na batingaw sa isang sulok
“TangaLang, TangaLang, TangaLang”
Napatawa na lang ako at napatungo, parang tanga lang.

— The End —