Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Emman Bernardino Dec 2014
Ang patatas
Ay walang kakupas-kupas
Masasabi ko 'to ng walang kahiya-hiya
Dahil maaari rin itong panggalingan ng enerhiya

Kinakain ng walang-wala
At itinuring na walang mapapala
Sa buhay na punong-puno ng oportunidad
Pero ito'y ginalaw ng abusador at ito'y binaliktad

Ang patatas ay kayang gawing baterya
Ayon sa agham at katotohanan
At kapag pinagmasdan ay kaaya-aya
At maaaring gawing simbolo ng kahirapan

Ngunit hindi ko naman minamaliit ang mahihirap
Dahil ayon nga sa agham ay ito'y isang enerhiya
Di lamang para makapag-pagana ng teknolohiya
Ngunit para harapin ang hinaharap
Ang ugat nito'y nagmula sa bigbig ng dalawa
At ito'y isinagawa ng mga daliri't nagpalawa
cj Jul 2017
Natandaan ko yung sinabi ng kaibigan ko
Noong nalaman niya yung isa kong kaibigan wala pang assignment
Sabi niya, “May umaga pa.”

Oo, tama siya.
Kasi kalagitnaan pa lamang daw iyon ng linggo
Dahil alas-nuebe pa lamang ng gabi
At halos 8 kilometro ang layo namin sa mga bahay namin
At kaya pa naming magising ng alas-siyete ng umaga

Tama nga siya
Kasi iikot pa daw ang mundo at tayo’y makakakita pa ng pagsikat ng araw
At maliliwanagan sa realidad ng buhay
Buhay na hindi naman natin ninais ngunit inaayos

Tama nga rin siya
Dahil wala naman sinabing makulimlim nung mga araw na iyon
O Ni-isang patak ng ulan ang bababa sa aspalto ng mga sirang kalsada
At buong araw natin masisilayan ang sinag ni haring araw

Tama nga siya
Dahil may 3 pang araw pa bago matapos ang isang linggo
Dahil nakikita na sa kalendaryo niya

Oo, nakita niya lahat.
Alam niya ang nangyayari sa paligid
Bawat numero
Bawat halaga
Bawat detalye ng tinitirhan naming planeta

Ngunit, magkaiba kami ng mundo

Oo, Sabi nga niya
May oras pa
May bukas pa
May umaga pa

Pero paano na ako?

Paano na ako?
Ang aking orasan ay tila hindi na gumagalaw
At ang mga numero nito’y kupas na?
Paano na ang kalendaryo ko
Na ang taon ay nasa taon pa rin ng aking kamatayan?
Paano na ang pag-dating ng umagang inaasahan ko
Kung ang ulan ay halos araw-araw na lamang
At ang langit ay puno ng alapaap?

Paano na ako?
Isang taong pinili na lamang mabulag ng pessimismo
At tuluyan nang hindi masilawan ng optimismo?

Kaya ito ako ngayon
Bumili ako ng bagong mga salamin
Binilhan ko ng baterya ang aking orasan
Bumili ako ng bagong kalendaryo
Binuksan ko din ang aking bintana

Nasilayan ko ang sinasabi niyang umaga

Naramdaman ko ang init ang araw
Gumagalaw na ang aking relo
Nasa tamang taon na ang aking kalendaryo

Oo, tama nga siya
May umaga pa nga
Pero paano mo makikita ang umaga
Kung sa pagsikat ng araw ay ang mga mata mo’y nakapikit pa?

Bumangon ka
Maganda ang araw ngayon
Huwag **** sasayangin
Hanggang hapon lang iyon.
Estranghero ang bawat numero
Arok kong ikaw iyon
Ang boses **** tila nasobrahan sa kape
Parang may giyera lang sa himpapawid.

"Yung katext mo kanina," yan ang sagot mo
Akala mo siguro wala akong ideya
Sa pagkatao mo.

Naisip ko rin yun
Na tawagan ka mula sa hiram na numero
Nang masanay ang pandinig
Sa boses **** walang kalambing-lambing.

Wala naman tayong listahan
"Long time, no communication," pa ang sambit mo
Bakit ba at tila ako'y miss mo na?
Wala naman akong masasabi sa kabilang linya.

Nagsinungaling ako
Nang sabihin ko ang porsyento ng baterya
Hindi sa ayaw kitang kausapin
Bagkus, wala akong maisip na tamang salita
Hindi ako makapag-isip ng tama
Sana ang diwa ko'y kasama mo na lang.

Yung pangako mo'y biglang napako
Akala ko nga malapit na
At tila binibilang ko ang nasa kalendaryo
Ako'y bigong muli.

Tatlong taong lumipas
Pero walang kupas ang kahapon
Sigurado akong tanda mo pa ang lahat
Na ang kahapon nati'y
Kailanma'y hindi pa tinutuldukan.

Kung ang pahinang ito'y mali sa katotohanan
Isa lang ang panalangin ko sa kanya
Na itong damdaming mahimlay na lamang
Pagkat ang lugar nito ngayo'y
Nasa tamang kondisyon pa naman.

Ramdam ko ang paghanga mo
Hindi ako manhid na minsang inisip mo
Hindi mo naman sinubukan noon,
Ba't ba pilit **** nililimot na mayroon pang ngayon?

At kung ang bukas ay wala nang araw
Sana'y ang pag-ibig ay sinimulan na noon pa man
Hindi pa man ramdam ang tunay
Bagkus sana ngayo'y kontinwasyon na lamang.

Wag nating takbuhin ang lakbaying ito
Hayaang ang layag ay dalhin ng hangin
Nang hindi makontra ang tamang ihip nito
At sa bagyong paparating
Ay maging handa na tayo.

Kung papalarin na tayo'y maparoon
Sa dakong Norte kung saan ang tama'y nakatrono
Hayaan nating ang oras ang maging saksi
Hindi ang magka-ibayong lupa ang tumuon.

(6/3/2014 @xirlleelang)
"Nandito ako"
"Hindi kita iiwan"
"Susuportahan kita"
"Nagtitiwala ako sayo"
"Kayang-kaya mo yan!"
"Laban lang!"

Paulit-ulit kong sinasambit sa'king sarili nang pabulong,
Tila nagdarasal ngunit ang totoo'y
Hindi ko na rin alam kung hanggang saan pa ba ang dulo.
-------------

Wala na naman akong laban sa ihip ng hangin,
Sa ihip ng panahon.
Wala na naman akong laban
At ang buo kong pagkatao'y
Kusang dudungaw sa aming bintana,
Hahagilapin ang araw,
Nasaan nga ba ang Silangan?

Gagayak ako nang walang patumpik-tumpik,
At sasabay ang agos ng tubig sa bawat butil ng aking luha,
Para bang humihinto na naman ang oras.
Walang kasiguraduhan na naman ang araw na ito.

Araw-araw ay nag-aayos ako ng uniporme ko,
At ayun, magbibilad sa initan gamit ang aking lumang motorsiklo.
Kukunin ang selpon sa aking bulsa, magpapa-load
At maghihintay ng sandamakmak na mga utos.

Minsan, napapagod ako
O sabihin na lamang nating madalas,
Na sa bawat pintuang kinakatok ko'y
Daig pa ako ng nangaroling
Sa bilang na mga baryang iaabot sa'kin ng tadhana.

Minsan iniisip kong
"Ganito na nga lang ba?
Paano ang bukas?
O may bukas pa nga ba?"

Minsan naman, nakaririnig ako ng masasakit na salita
Pero minsan parang mga bala na lamang itong
Hindi tumatagos sa aking ulirat,
"Manhid na nga ba ako?
Sabihin mo, Tadhana."

--------

Pinagmamasdan ko na naman ang mga kamay ng orasan
Kanina pa o hindi ko na malaman
Kung kelan yung huling "kanina,"
Naghihintay ako ng saklolo,
Kasabay ng huling kumpas ng mga kamay
Ng naiiwan kong kaibigang de-baterya..
"Dito na lang ba magtatapos ang lahat?"

Nagbibilang na lamang ako ng oras,
Ng hininga
At baka hindi na nila ako maabutan,
At doon ko huling nasilayan ang mga aninong iyon,
Wala na akong maintindihan..
Wala na akong marinig pa..
*Ito na marahil ang huli.
Hindi pa huli ang lahat,
Kaya mo pa --
Kaya pa natin.
Ituloy ang laban; ituloy mo lang.
Pangako, magtatagumpay tayo..
Kapit pa, kaibigan!
081721

Bagamat dumadaplis lamang sa atin
Ang mga palaso ng kalaba’y
Hindi moog ang ating mga damdamin
At hindi rin bulag ang ating mga pananaw
Sa hayag na pagsasalitan ng mga balang ligaw.

Gaya ng durungawang nakasilip
Ay bukas na rin ang ating mga isipan
Sa mga di kanais-nais na mga patibong
Na ilang ulit inilagan sa katahimikan.
Bagkus, ang mga ito’y nagmistulang mga laruang papel
Na madaling napunit at bumigay
Buhat sa walang awang pamimihasa
Ng mga ahas at linta sa lipunan.

Tila sila’y nakasilid na lamang
Sa kahong hindi de-baterya
Habang tayo’y nagsisilipat
Sa tuwing nagsusulputan ang sari’t saring palatastas.

At habang tayo’y nananatiling panatag
Buhat sa ating mga kinatitirika’t kinalalagyan,
Kasabay naman nito ang pagyurak sa mga dangal
Buhat sa mga ideolohiyang kumikitil sa mga pangarap
At nagsisilbing diktador sa kani-kaniyang mga tahanang
Wala nang makita pang ibang dahilan upang tumahan pa.

Ang mga luhang hindi natin makayang punasa’y
Nagmimistulang mga tinik na lamang sa’ting mga pagkatao.
Syang susulpot at tutusok sa pakiramdam nating
Minsan nga’y malapit lamang tayo sa isa’t isa
At sana’y kaya nga nating patahimikin
Ang walang himpil na pag-usok sa kanilang ipinagbabaka.

At sa ating paghimlay sa ating mga kumot
Ay sabay din silang mangungulila
Sa mga akap at lambing ng kanilang mga mahal sa buhay
At hihilinging huminto na lamang ang mga sandali’t
Makatakbo sila’t makalisan nang walang nakakapansin.
raquezha Aug 2020
Sarong banggi
Nawaran kaming kuryente
Nagdiklom an palibot
Asin naguran ning matindi
Nagdaguldol asin garo
Nagkakaribok sa may likod mi
Igwang nagkurahaw nin
"Tabangi man kami!"
Turog-turog sinda Mama
Maabot palang si Papa
Mayo man ibang ma-responde
Igwang flashlight kaso pundir, mayong baterya
Ay abaa na kita, ini nalang na esperma
Dali-daling nagluwas
Pero kalag ko garo nagbutas
Kan may nahiling akong kabayo
Na lalawgon sa tawo
Sinapak ko an sadiri
Baka nangigiturogan man lang
Pero dai, yaon pa nanggad sinda
Nag kukurahaw nin "Ubuson ta ini"

Pirang minuto pa nagkatok sa pinto mi
Si Junior man lang palan
Igwang kapot-kapot na bote
Mayò daang kuryente
Kaya ma-shot nalang kami

—𝐔𝐧𝐠𝐥𝐨, a Bikol poetry.
1. Ungló; a monster with the hoofs and mane of a horse and
the repulsive face of a man.
2. https://www.instagram.com/p/CD1d_8HnOaY/
wizmorrison Jul 2019
Nang makilala kita
Walang pagsidlan ang aking saya,
Sa tuwing kausap ka
Ako nama'y tuwang-tuwa.

Ngiti mo man ay ‘di ko makita
Sa panaginip ko ito nakaburda,
Yakap mo man ay ‘di ko dama
Pagmamahal mo sa akin ay nakapa.

Ang boses mo'y hindi nakakasawa
Sa puso ko anong aking ligaya,
Nakakaaliw ang iyong pagkanta
Sa tenga ko'y nakakahalina.

Hindi ako nagsisising minahal kita
Sa piling mo ako liligaya,
Pagmamahal mo sa puso'y baterya
Nagpapangiti at kumukumpleto pa.

Mahal, alam mo ba?
Mahal na mahal kita,
Ikaw sa akin ang nagsilbing tala
Liwanag mo naman ang aking sigla.

— The End —