Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"agawin" poems
Ang sabi ko ayaw ko na sayo gusto ko nang harapin ang bukas, ang bukas sa buhay ko Ngunit hindi ko inaasahan na sa iyong paglisan ganito ang aking mararamdaman ang pakiramdam ng masaktan Makita ka na sumama sa ibang tao na hindi para sa iyo Ang para sa iyo ay isang tao, na parang ako o ako mismo Ito ang hinihingi ko pero bakit iba, bakit iba ang sinasabi ng aking puso sa binubulong ng utak ko Gusto kitang agawin, pero ano ang laban ko Siya ang mahal mo at ako,kaibigan mo lang ako Kaibigan mo na nagsabi ng nararamdaman at pinabayaan mo, pinabayaan **** masaktan
0
Dec 28, 2015
Dec 28, 2015 at 5:29 AM UTC
Ano Ang Laban Ko
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.” Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.” Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko” Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.” Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko  ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa.. Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko “Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin Yung mga titig mo Yung mga titig mo Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo Yung ikaw Yung ako Pero… Yung akala kong may “tayo” Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema? Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
ALAK

Continue reading...
72
Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Pero kailangan kong sabihin ang tibok ng puso ko. Wala rin namang mapapala dahil wala na ring pag-asa Kaya kung sasabihin ko ito, sa akin ba'y may mawawala pa? Kagagaling ko lang sa isang bagyo Pero nakagugulat na hindi ako sinipon, kahit basang-basa ako. Nagsumikap magbihis, para makapasyal uli nang makita ko ang matamis **** mga ngiti. Hindi na ako nagpigil, wala nang mawawala sa akin Kailangan kitang makilala, kailangan kong magpapansin. Pangalan mo lang ang mayroon ako, pero nahanap agad kita Akalain **** nasa iisang gusali lang pala tayong dalawa? Hindi ako gwapo at hindi rin malakas ang loob ko Nakakaawang kombinasyon sa mga panahong ito Mas gugustuhin ko pang magpasensya at maghintay Pero paano lalapit sa pagkapangit na manok ang pagkagandang palay? Inalis ko na sa utak ko ang pag-aalinlangan Alam mo na ito, dahil may bulaklak ka na kinaumagahan. Ayoko nang secret admirer, dahil hindi na tayo bata. Pinaalam ko kung sino ako, para makipagkilala. Sinulatan kita, makailang ulit Para alam mo na ako yung nangungulit. Kaso hindi ko alam kung bakit Ni isang sagot, wala kang binalik. Hindi ko na kaya maghintay pa ng matagal Kailangan ko itanong, kailangan ko malaman. Hindi ako magwawala kung hindi ka interesado pero sana sumagot ka, para hindi na ako manggulo. Ilang sandali pa, tumunog na ang telepono ko Lumukso ang aking puso ng makita ko ang pangalan mo! "Salamat sa bulaklak, pero mali ang pagkakaintindi mo "hindi ako naghahanap ng lalaking iibigin ko "Pagkat may iniibig na itong aking puso "Pasensya ka na, patawarin mo na ako". Matagal akong natulala sa aking nabasa Biglang lumiit ang mundo ko, hindi na ako makahinga. Naglakas loob akong sumagot at sinabing "naiintindihan ko "salamat sa pagsagot, at magandang gabi sa iyo". Gusto ko lang sabihin, sa mga makakabasa nito, walang ginawang mali ang dalaga sa kwento ko. Hindi ko man siya nakilala ng lubos ay nakatitiyak ako Nang inihulog siya ng langit, sobrang swerte nang nakasalo. Hindi ko gugustuhing agawin ka. Kasi kung maaagaw man kita, maaagaw ka rin ng iba. Kung mabasa mo man ito, okay lang bang hilingin ko kapag niloko ka nya, pwede bang sabihan mo agad ako?
0
Jan 27, 2016
Jan 27, 2016 at 1:58 AM UTC
Pag-amin ng isang Stalker

46
Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang! Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang At di kayang punan ang puso kong kulang kulang Nais kong umibig sa kalayaan Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap Sa buhay kong kay tagal di hinagap Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo At agawin ka man ng kahit kanino Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo Dahil ikaw ng pinili kong ibigin Sa sibat o bala handa kang sagipin Ialay ang boses na para sayo lamang At walang ibang magkakamkam Ikaw lamang ang hindi mamamatay Na maski pagkaraan ng daan taong namatay Ay muli ring mabubuhay Kung mawala ka man saakin o aking giliw Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas Ay kahangalan ng isang batang mapangahas O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man Hindi ka nila maaagaw o kalayaan Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan Ubos ang laman, ginahasa't binayaran Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan? Di pa sapat ang aking kamalasan Binaligtad aking katotohanan Maging ang pagkapantay pantay Na siya rin mismo ang pumatay
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:22 AM UTC
Akala, Hayaan

36
Sa lahat ng natikman ko Ikaw ang paborito ko Ikaw ang inaabangan ko Ang masilayan a, ako’y nasasabik Matagal-tagal na rin akong naghihintay sayo Sa tagal tilay na prapraning na ako Sa takot na ikay mawala Sa pangamba na agawin ka ng iba Kinuha na kita Nilayo kita mul sa iyong ina at pamilya Huli na nang malaman kong Tamang panahoy di pa pala Napitas na kita Kaya ngayong tinitikman na kita Napakaasim pa pala Ng paborito kong santol.
0
Jul 23, 2015
Jul 23, 2015 at 8:43 AM UTC
Ang tamang panahon ng pagpitas
Gumigising na parang huling araw ko na Pamilya ba'y makikita ko pa Lakas ng loob ay sapat na ba Sa hirap at takot na aking nadarama? Nagbubuwis ng buhay para sa iba Samantalang nagpapabaya naman sila Sa bahay ako'y hinihintay nila Huwag naman sanang agawin din ako sa kanila Maikling payo ay pakinggan mo na Mga paa 'y ipirmi mo na Sa suliraning ito'y huwag nang dumagdag pa Makinig ka lang at nakatulong kana Tayo'y nahaharap sa isang digmaan Ngunit hindi tayo magkakalaban Lahat tayo ay magsi-tulungan Upang hindi na tayo pa malagasan Lahat ng ito ay mayroong hangganan Hindi tayo nag-iisa sa pakikipaglaban Mga panalangin ay pakikinggan Kung iisa ang damdamin ng SAMBAYANAN! -JGA
0
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 2:37 AM UTC
Frontliners
Vous manquez tellement mauvais ce soir, mon bébé! Vous souhaiter étaient là pour me tenir la main et de dire: "Vous pouvez le faire, ma ... " Pinaghiwalay tayo ng himpapawid at ng layunin **** itawid ang kahulugan ng iyong buhay sa ibayong kalupaan. Dahil alam nating muling hahalik ang luha sa ating mga pisngi sa oras na agawin ka na ng bitbit **** mga bitbitin, saglit tayong humimpil sa huling kumpisal ng ating damdamin: "Hindi ito paglisan. Tayo ay pipisan sa isang katiyakan na ang pag-ibig, kailanman, 'di tayo iiwan." Sino nga ba sa atin ang patungo saan, saang lupalop at hangganan? Hangganan ngang maituturing ang sinambit ng ating puso: "Ce n'est pas quitte. Nous allons rester *dans la certitude que l'amour, pour toujours*, ne nous quittera jamais."
0
Oct 2, 2013
Oct 2, 2013 at 2:22 AM UTC
Katiyakan
Lahat ng kabataan ay kayang lumaban Sa bansa na hindi ipinaglaban Ang sakim ng imperyalistang kano ng kalawakan Na Pinatay nila nang tuluyan ang kalayaan O Inang bayan, sinaktan ka nang tuluyan Sa ginawa ni kahel na agawin ang iyong yaman   Sa ganda mo ginawang kang alipin ,ngunit hindi ka pa rin ipinaglaban Sapagkat ang ginawa, pinaslang nila ang boses ng mga mamamayan. O inang bayan, narinig ko ang sigaw ng proletaryo Humahanay sa rebolusyon tungo sa sosyalismo Sa likas ng tapang ng mga kayumanggi Nandito na kami para bumawi Ang kulay aking binabanggit, Na sa mata ng mga puti ay pangit, Pero taglay ito ng lakas Para umalis ang mga nangahas Sa ganda ng bansa natin, iisa lang naman ang kulay natin Kaya naman nating pabagsakin ang imperealismo, para sa soberanya Taglay naman natin ang sigaw ng pagkakaisa Sapagkat, oras nang umaksyon ang masa. #JunkTerrorBill #ResistTyranny #KalayaanIpaglaban #ResistAsOne #AtinAngKalayaan
0
Jul 16, 2020
Jul 16, 2020 at 9:34 AM UTC
Pula at Dangal
ilang beses ko din sinubukang agawin ang iyong pansin ngunit kahit bahagya ay hindi ka napatingin matagal-tagal ko din itong kinimkim hanggang ngayon ay natatakot pa rin na baka sa huli, sa huli ako'y iyong balewalain gayunpaman sa kadahilanang meron akong pagkakataong aminin giliw ako, sayo ay may lihim na pagtingin
0
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:08 AM UTC
Ang Aking Nadarama
O ginintuang lupa! 'Di mawawaldas ang puri mo, Sapagka't ang pag-ibig ay sa iyo Mananatiling tapat sa puso ko Ipaglalaban ang kasarinlan mo Tapusin ang digmaan na ito, Sapagka't walang dulot ito, Kundi yaring kamatayan sa lupa mo Huwag agawin ang kasarinlan sa mga kamay mo Dapat lalo lamang pagtibayin ito Supilin ang kahit sinong aagaw nito, Sapagka't 'di ko ipawawaldas ang puri mo.
0
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 10:47 AM UTC
'Di pawawaldas!
Nang mabatid ang kinatatakutan Galit bumalot sa maselang katauhan Nais panghawakan inarugang puwesto Dahil sa kagalakang naidulot nito Kaya nang agawin ito sa tuwina Binitiwan isang mapaminsalang sumpa Mula sa lupain ng perpektong bulkan Nagbadya ang galit sa kaloob-looban Sa taon ng kabayo – tag-init, tagtuyo Itinanim ang binhi ng panibugho At sa muling pagyapak sa lupaing itinadhana Iginawad sa tuwina ang halik ng sumpa Para sa mga nais akong pabagsakin Sila ay nararapat na aking singilin! -11/13/2014 (Dumarao) *My Cursed Poems Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:18 PM UTC
Binhi ng Sumpa
Sa kalawaka'y mag-isa sa dilim Hinahanap ang makulay **** ningning Nasaan ka, O aking bituin Magliyab ka't agawin yaring paningin Nariyan ang bilyong makulay na bituin Mapaglaro sa mata at nais kang aliwin Ano't tila nakapako sayo ang aking paningin Kahit na ang mga mata ay waring nakapiring? Nasaan ka, O aking bituin? Huwag ilihim sakin ang yo'ng ningning Ilang siglo pa ba ang aking lalakbayin Upang matagpuan ang makulay **** ningning.
0
Jun 18, 2021
Jun 18, 2021 at 3:58 AM UTC
O Aking Bituin
Na muli tayong pagtagpuin Ng sakali, sana'y nariyan ka Pa rin gaya ng saglit nating Paglagi sa sulok na ito. Hindi ko nais na naisin mo Ako, gaya ng naisip mo nang Agawin ka sa'kin ng tadhana. "Bahala na," sabi mo. Ang mahalaga'y natuto tayong Maging tayo, sa kabila ng lahat. Sa kabila ng bigat. Sa kabila ng Sanlibong pilat na kailan ma'y Di ko na masasalat. Huwag **** kaligtaan ang sulok Na ito, kung sakaling igawi ka rito Ng ala-ala't pag-aalala. Kung sakali lang.
0
Feb 8, 2021
Feb 8, 2021 at 9:05 PM UTC
Kung Sakali Lang