Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
031224

Gusto ko nang magwala,
Gusto ko nang kumawala —
Hahanap ng pluma
At kakatha ng isang tula.

Isa na namang piyesa
Susulpot na parang bula,
Mawawala nang kusa
Lilisanin ang mga tugma.

Alay ko ang aking awit
Minsang mga bala’y mapanakit.
Isisigaw na may dawit
Ang sukli’y kaakit-akit.

Ilang libong mga salita,
Papalibutan ng mga katha.
Isang araw ng pagkukusa —
Isang obra ang maipipinta.
Hindi pala matic gaya
ng kotse o anumang makinilya
ang pag-ibig.
Para pala itong pagsasaka.
Sinungaling ang nagsabi ng, “Kung ano
ang itinanim ay siang aanihin.”
Magbubungkal, maghahasik,
magdidilig ng dugo’t pawis
pero ang bunga ay depende.
Hindi pala matic, parang
si Siri o Alexa ba balang-
araw mababasa ang isip ****
nagdududa. Sa akala kong
matic, hindi pala.
Mapait na katotohanan.
Minsan,
gusto kong itali ka sa dito puso ko,
pero
mas gugustuhin kong ako'y hawakan mo,
at ipagsigaw sa buong mundo
na ako'y sa iyo
at ika'y akin lamang.
Caryl Maluping Sep 2023
Sa panibagong yugto
may giyera ng dugo

Mga sigaw sa kaparangan
ikinubli sa kalasag ng karahasan

Kung ang tanglaw ng sulo'y ninanais ang digmaan
sigalot sa diwa'y hinahabing marahan

Titiisin ng talampakan ang init ng apoy
babatakin ng putik, lulubog sa kumunoy

Hanggang kailan titiisin ang hilahil ng tadhana?
pagal na ang mga paa't tuyo na ang mga luha

Kung ang dahas ng dapit-hapo'y patuloy na nasasaksihan
liwayway ng bukas, kailan kaya masisilayan?
This was inspired by the poem of General Antonio Luna in the 2015 film Heneral Luna
Stephanie Aug 2023
hinarangan na ng duda,
mga alinlangan at pangamba
ang mga matang lumuluha
hapo at balisa

halika, sinta, ihakbang ang mga paa
kahit puno nang takot pa,
patungong pag-asa, makakaahon,
makakausad, makakabangon

ang mga hapdi ay may hangganan
kung di pa handa, hindi kailangan tumahan
may kapanalunan kahit humihikbi
may tagumpay kahit ang puso'y sawi

sa dulo may naghihintay na liwanag,
may mga sagot na sisinag,
sa mga tanong **** bakit,
darating ang ginhawa kapalit ng sakit
You'll get there, even with eyes full of tears and heart full of scars. Rest will be with you.
Akala ko, di ko naman siguro ikakamatay,
Kung hindi ko mahawakan ang iyong mga kamay.

pero

Hindi ko yata tanggap ang buhay
Kung saan di man lang ako sumubok magtagumpay.

Handa akong harapin ang katutuhanan,
Kahit pa ito ay walang katiyakan,
Kahit pa may pangamba sa iyong kasagutan.
Minsan
tayo'y pinaglalaruan
ng tadhanang mapaglinlang.

Kung kailan
buo na ang loob ****
isugal ang buo **** pagkatao.

Tsaka naman siya
hindi sigurado sa iyo.
Akala ko ako'y kanyang pahinga,

Pero yun pala,

Isa ako sa mga bagaheng pinapasan nya.
Sa ilalim nitong mga ngiti at tawa,
ay isang pusong nangungulila
na puno ng mga hikbi at dalita.

Kailan kaya kita muling makita?
Kailan muli masilayan matamis **** tawa?
Kailan ulit kita mayakap aking sinta?
Tama nga sila
na sa simula lang masaya,

Kasi simula nung nakilala kita,
lagi na akong masaya.
Next page