Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
zee Sep 2019
akin na lamang ikukubli
itong nadaramang 'di nagpapahuli
alam na sa sariling mali
dapat lang na ito'y itanggi
o, ang aking hiraya—
ikaw ay liligaya
sa piling ng iyong sinisinta
at ako'y
magiging malaya
at magiging masaya (na lamang)
para sa inyong dalawa
Gamaliel Sep 2019
puso ko'y umaasa
na ating pagkikita
ay maging lunas sana
sa iyong pagdurusa
zee Sep 2019
minsa'y napaisip
kung paanong nagbago ang ihip
ng hanging dati ako'y sinasagip
ngayo'y napalitan na ng sakit, pait;
luha't pighati--saan ba nagkamali;
bakit bigla na lang naisip na umalis?
lahat naman ay aking tiniis
manatili ka lang sa'king tabi
ngunit parang kulang pa ang lahat ng hinagpis
tanging ikaw pa rin ang hiniling na makapiling
sa tuwing sasapit ang gabi;
habang nag-iisa sa dilim
Randell Quitain Sep 2019
isang taon,
isang tao;
ang nag-isa,
'di mag-iisa.
zee Sep 2019
isa, dalawa, tatlo
ako'y tatakbo papalayo
'di ko alam kung saan ako tutungo
ang nais ko lang ay makalayo sa'yo

apat, lima, anim
itong damdaming aking kinikimkim
dapat ko ba itong sabihin
o hayaan na lang maglaho sa hangin?

pito,walo, siyam
'di mo pa rin alam;
wala ka bang pakiramdam?
o sadyang wala kang pakialam

matatapos na lang ang bilang
pero ang tagu-taguan ng aking nararamdaman
ay tila wala na atang katapusan

ngunit pagbilang ko ng sampu
nasilayan sa aking pag dilat
ang katotohanang ikaw pala'y
may ninanais nang iba
https://open.spotify.com/track/0FOYt3VRWweAWgN1relGqN
zee Aug 2019
ang silakbo ng damdamin
tinangay na lang ng hangin
akin na lang tatanggapin
na ika'y 'di para sa'kin
zee Aug 2019
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa
aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan
kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan
nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan
na iyong napagdesisyunan

naging mahirap sa umpisa—tanggaping
tayong dalawa ay dumating na sa katapusan
at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan
parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago;
nandito na tayo sa huling pahina ng libro

ngunit bakit nandito pa rin yung
sakit?
sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan
marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait;
nasisiraan na ata ako ng bait
naitanong na naman sarili kung bakit
sa puso ko'y ikaw pa rin ang
nakaukit?
zee Aug 2019
ngayong gabi,
habang ika'y nasa'king tabi
hindi maikukubli na ako'y nabihag
ng iyong nakakalusaw na ngiti;
mga labi na labis kung makapangakit;
ang boses mo na tila bumubulong sa'kin
na ako'y manatili hanggang ang araw ay sumikat muli

at nang ika'y maalimpungatan,
muling nasilayan ang mapupungay
**** mga mata—
mata na tila tala sa kalangitan;
kita ang kinang at sayang nililihim
nang nalaman ako'y nanatili

"mahal kita"
mahina ngunit malambing **** sambit
nang ika'y pinatumba muli ng tama na 'yong tinamo habang iniinom lahat ng pait at sakit
habang pilit **** iginigiit na baka ikaw ang nagkulang at nakamali,
aking tinatanong sa sarili, bakit hindi mo makita ako'y nasa'yong tabi.
Ryan Joseph Aug 2019
Buhay, buhay ko ay simple lamang,
Ngunit noong ika'y dumating,
Pati halos lahat sa buhay ko'y nagbago na,
Patis oras binubuhos at binibigay para sa'yo,
Kahit pawis at pagod at duguan ang kahitnatnan ay ipinagpatuloy parin para lamang 'sayo.

Iba talaga pag mahal mo ang isang tao,
Halos lahat ng mga importanteng bagay ay balewala lang sa'yo;
para lang mapasaya mo ang isang tao.

Buhay ko ay naging masayahin, ngunit ito'y biglaan nang nabigo.

Nabigo ito dahil ikaw ay lumisan man lang ng biglaan at hindi nagpaalam,
Hindi ka nagpaalam dahil wala namang tayo,
At higit sa lahat,
I'm just a stranger on you.
#justastranger
Gamaliel Aug 2019
damdaming sumisidhi
ayaw ko nang umuwi
iiyak man lang muli
ng luhang walang sukli
Next page