Isang kaluluwang Naglalakad na liban. Naghahanap ng makakausap Ngunit walang makitang makaka-huntahan.
Ngunit may agad na nakapansin "Ah! Panibagong biktimang aabusuhin!" Tumawag ang temptasyon sa akin Pinag-isipan kung agaran kong sasagutin
Ang sigaw niya'y labis na mapang-akit Kahit alam kong dala-dala niya'y sakit. Huwag daw akong magpadala; Konsyensya ko'y sa'kin iginiit Ngunit ang temptasyon ay kaydali akong napilit.
Isang gabi, habang naglalakad sa kahabaan ng EspaΓ±a Ako'y lumapit sa matandang tindera. Nag-abot ng konting barya At kinuha ang lasong mahaba.
Nilapit ko sa aking bibig At idinaan ang apoy sa dulo nito. Hinigop ang usok nitong malamig At ibinuga ito sa aking anino.
Nagpatuloy ako sa paglalakad At inalala ko lahat ng pangyayari. Sa bawat kasalanan ko sa'yo'y aking mawawari, Ako ay hihigop muli. Sa bawat 'di nasolusyonang pagsubok, Ako'y magpapasakal sa malamig nitong usok.
This is my second Filipino poem and probably my longest work yet. It looks unfinished really. As much as I want to finish it, I ran out of words and creative juices. This basically sums up the experience of my first cigarette. And it was... not bad.